Jolo Revilla and whole family support Inah's decision to marry

IMAGE 0


"Ako, ang initial reaction ko siyempre, nagulantang ako... Pero desisyon namannaming magkakapatid siyempre to respect her decision, na suportahansiya sa desisyon niya," says Jolo Revilla about the wedding of his younger sister, Inah.



Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Kaputol ng Isang Awit kagabi, April 5, sa Studio B ng GMA TV Complex. Nakusap namin ang isa sa mga bida sa naturang Sine Novela ng GMA-7 na si Jolo Revilla. Agad namin siyang tinanong tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng younger sister niyang si Inah Revilla.

"Yeah, sa May 28, sa Manila Cathedral," pagkukumpirma ni Jolo.

Inah will be turning 19 on October 2. Ang mapapangasawa nito ay ang boyfriend niya na si Vince del Rosario, 24 years old, na ayon kay Jolo ay kilala niya at kaibigan rin niya. Matagal-tagal nang magkasintahan ang dalawa, although hindi alam ni Jolo kung eksaktong ilang years na ang relasyon ng mga ito.

Ano ang nararamdaman ni Jolo na ikakasal ang nakababatang kapatid niya at mauunahan pa sila ng Kuya Brian niya?

"Yun nga, e. Sabi ko sa kanya [Inah], ‘Ikaw, mas mauuna ka pa sa akin.' Ayos lang, desisyon niya ‘yun, e," kuwento ni Jolo.

Patuloy niya, "Ako, ang initial reaction ko siyempre, nagulantang ako... nabigla kami. Siyempre, mas naunahan pa kami. Pero desisyon naman naming magkakapatid siyempre to respect her decision, na suportahan siya sa desisyon niya."

Last week lang nalaman ni Jolo ang tungkol sa paglagay sa tahimik ng kapatid niya. Aniya, "Sinabi niya sa amin ni Brian. Pero siyempre, naunang nalaman ng parents namin."

Ayon kay Jolo, hindi raw nila pinigilan si Inah sa plano nito.

Ano naman ang reaksiyon ng ama nilang si Senator Bong Revilla nang magpaalam si Inah na magpapaksal na siya?

"Siyempre, umiyak si Papa!" natatawang sinabi ni Jolo.

Idinagdag niyang pati ang ina nilang si Lani Mercado ay umiyak din, pero mas matindi raw ang pag-iyak ng kanilang ama.

Hindi ba nagalit ang Papa nila na ikakasal na si Inah?

"Hindi ko alam, e, siyempre nasa States sila nun," lahad ni Jolo, na ang tinutukoy ay ang pagpunta nina Bong at Lani sa Amerika para tanggapin ang Filipino-American Visionary Awards sa Hollywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Jolo na siguradong iiyak din siya sa araw ng kasal ni Inah.

"Hahagulgol ako!" tawa niya.

Si Inah ang unang ikakasal sa kanilang anim na magkakapatid, bagama't si Jolo ang unang nagkaroon ng anak. Hindi ba sila nainggit ni Brian na naunahan pa sila ni Inah?

"Siyempre, hindi naman puwedeng magmadali. Unahin muna yung pag-aaral 'tsaka yung career," saad ni Jolo.

Nag-aaral pa ba si Inah?

"Oo, sa Ateneo."

First year pa lang si Inah at ang kurso niya ay Legal Management. Ang mapapangasawa naman ay isang businessman na balitang galing sa isang mayamang pamilya.

Approved kay Jolo ang mapapangasawa ng kapatid niya.

"May tiwala ako sa kanya," sabi ni Jolo tungkol kay Vince.

Ang message niya para sa kapatid niya?

"Message for Inah? I know na you two are in love with each other. Sana kung ano yung nararamdaman nila sana... Siyempre, gusto ko maiba sila dun sa ibang nagpapakasal na nagkakahiwalay. Siyempre, sino ba naman ang may gusto na maghiwalay sila? Kung ano yung napagdesisyunan niya, nandito kami sa likod niya. Mahal na mahal namin siya," pahayag ni Jolo.

Para sa kanyang future brother-in-law, ito ang mensahe ni Jolo: "Vince, beware! Hahaha! Basta mahalin niya lang yung kapatid ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN