Dingdong Dantes denies rumored friction with Richard Gutierrez

IMAGE 0


"We're always talking to eachother on a personal level; we never talk about work, career, walang ganyan.Kumbaga, kung ano kami noon, walang nagbago ngayon," says Dingdong Dantes (right) about Richard Gutierrez (left).



Mariing itinanggi ni Dingdong Dantes ang balitang mayfriction sa pagitan nila ni Richard Gutierrez. May mga nang-iintriga kasi naang tinatamasang kasikatan ngayon ni Dingdong—after the highly successfulMarimar and the upcoming Dyesebel—ang isa sa mga dahilan kung kaya't nagsimulaang intrigang may tampo si Richard sa GMA-7 at nagbabalak daw lumundag sabakuran ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayDingdong, sinabi niya na hanga siya sa paraan ng pagha-handle ng career niRichard, pati na rin sa mabuting pakikitungo at pakikisama sa mga kapwaniyang artista. Kapag nagkikita nga raw sila, walang nagbago, hindi silanagpapaapekto sa mga intriga.

"Ever since naman, wala kaming... Lahat ng pakikitungonamin sa isa't isa, walang kinalaman ang trabaho. We're always talking to eachother on a personal level; we never talk about work, career, walang ganyan.Kumbaga, kung ano kami noon, walang nagbago ngayon," pahayag ni Dingdong.

Nang hingan namin ng reaksiyon sa diumano'y paglipat niRichard sa Kapamilya network, ang nasambit lang ni Dingdong ay "huwag namansana" dahil isa raw si Richard sa mga bankable stars ng GMA-7.

Kuwento ni Dingdong, nagkita raw sila ni Richard two weeksago sa birthday ng direktor na si Mark Reyes at wala silang pinag-usapantungkol sa mga kontrobersiya.

"Wala, wala. Kasi like I said naman, 'pag nagkikitanaman kami hindi na namin napag-uusapan 'yan. Always on a personal level, hindinamin pinag-uusapan 'yang bagay na 'yan," saad niya.

DINGDONG AS FREDO. Pagkatapos ng Marimar kung saan gumanapsiya bilang Sergio, sa Dyesebel ay gagampanan naman ni Dingdong ang papel niFredo.

Kuwento niya, "Ako kasi, tao ako dito, e. So ang challengeko lang is mai-in love ako sa kanya [Dyesebel] na tao siya. Pero in love ako saparang Dyesebel [na sirena] na nakilala ko dati. Pero siya, mag-iiba yunghitsura niya sa lupa, e. Pero magkakagusto din ako sa kanya, so parang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami raw dapat abangan sa Dyesebel na pamamahalaan din ngdirektor nila sa Marimar na si Joyce Bernal.

"Magkakaroon pa ng mga twists ‘yan somewhere along the way,"banggit ni Dingdong.

Paano niya iibahin ang atake sa role ni Fredo kay Sergio?

"Actually, mahirap, mahirap!" ani Dingdong. "Yung sa look,minor lang yung buhok, pero yung approach talaga... Si Fredo, seryoso siya sabuhay masyado, business-minded. Mas happy-go-lucky si Sergio, mas parang walasiyang pakialam, mas brat. Si Fredo, mas seryoso. Kumbaga, siya yung panganay."

Mas daring ba si Fredo kesa kay Sergio?

"Well, wala pa namang sinasabi sa akin. Si Marian, nasakanya lahat ng mga hubad [topless] scenes, kasi talagang wala talaga. Pero saakin, wala pa namang sinasabi. Magkaroon man ng hubaran na kailangang gawin ko,naghahanda na rin ako," sabi ng young actor.

Kinonsulta ba niya si Richard Gomez na gumanap na leadingman sa Dyesebel movie noon ni Alice Dixson?

"Hindi pa, kasi iba talaga yung character, e. Iniba talaganamin. Malayo talaga siya. Kasi kung hindi, talagang kokonsulta talaga ako sakanya."

Malayo rin daw sa Fredo role dati ni Matthew Mendoza saDyesebel movie ni Charlene Gonzalez.

"Pagkakaalam ko, malayo din. Iniba talaga pati yung mgahilig niya, mga ganun. Ginawang updated. Parang yung Sergio din, ibang-iba din.... So may touch din ng pagiging Filipino. Para kumbaga, yung input ko as anartist, mapaglaruan namin," pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN