Annabelle Rama forgives Cristy Fermin but asks her to pay P1million

IMAGE 0


"Cristy, sana matuto ka na.Madala ka na... Ang daming mga artista, maramisiyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari.Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?" was Annabelle Rama's (right) message to Cristy Fermin (left) after winning the libel case Annabelle filed against the TV host-columnist.



Ilang araw nang laman ng mga babasahin at usap-usapan angpagbaba ng desisyon ng Supreme Court sa libel case na isinampa ng mag-asawangAnnabelle Rama at Eddie Gutierrez laban sa TV/radio host at kolumnista na siCristy Fermin. Ito ay kaugnay ng isinulat noon sa Gossip tabloid ni Cristy na kaya raw umuwi ng Pilipinas ang pamilya Gutierrez ay dahil may tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika.

After 13 years, ibinababa na ang hatol. Mula sapagkakakulong ay pinagbabayad na lamang si Cristy ng halagang isang milyongpiso.

Sa unang pagkakataon, isiniwalat ni Annabelle ang kanyangsaloobin sa pagkakapanalo sa kaso sa mismong program na kaparte si Cristybilang isa sa mga host, ang The Buzz, last Sunday, April 6. Si Boy Abunda ang nag-interview kay Annabelle.

"Siyempre, haping-happy ako, Boy, kasi meron pa palanghustisya sa atin. Umiiral pa rin pala ang hustisya sa atin. At least,napatunayan ko sa lahat ng nakabasa doon sa kanyang kolum na hindi totoo angmga sinasabi niya. Kaya naman ako nagagalit that time... Ipinaglalaban namin niEddie ang case na ‘to kasi nga involved na nga ang pamilya ko. Involved siEddie, si Ruffa, ‘tapos mga kambal ko [Richard and Raymond] dati, mga threeyears old lang sila. Parang naawa ako sa pamilya ko talaga. Parang hindi tama yungginagawa sa amin na talagang below the belt," lahad ni Annabelle.

Dagdag ni Annabelle, okay lang daw sa kanya ang constructivecriticisms. Pero yung below the belt at imbento, ibang istorya na para sakanya.

"Sobrang-sobrang happy ako!" ulit niya. "Sobrang-sobratalaga ang pasasalamat ko. Nagsindi akong kandila. Sa lahat ng simbahan, nagpadala ako ng donation ‘tsaka yung mgamessage. Basta ang dami kong ginawa for this week kasi talagang sobra-sobra.‘Tsaka nakapag-shoot na ako ng bago kong commercial kaya sana suwertehin akoall the way. Magsu-shooting ako ng Monster Mom [her movie with Ruffa] ko next week kaya talagang anopa, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Boy kay Annabelle, ganun daw talaga kapag umuulan,may kasama itong bagyo dahil may dahilan.

Sabi ni Annabelle, "Marami nga ang nagti-text sa akin nabakit hind kayo mag-file ng motion, motion sa Supreme Court na ipaglalaban mo.Ang batas nung araw, may kulong na three years. Ay, sabi ko naman, e, siguronga bakit ako... Para sa akin, Boy, buwenas na ako ngayon, e. Suwerte na ako, e, bakitpa ako hihirit na ipakulong?

"E, binabati naman din niya [Cristy] ako maski kunyari plastikan.E, di okey lang din sa akin, di ba? At least, binabati niya ako, Boy. Kaya sabiko naman, okay lang yun. Okay lang, wala akong problema run. Ayaw ko na rinmag-file.

"Kaya Cristy, bayaran mo na ang isang milyon sa amin, ‘Day.Kailangan ko lang ng pera, ‘Day. Maraming mga bouncing cheques sa akin kayakailangang-kailangan ko ng pera," dire-diretsong sabi ni Annabelle.

Pagkatapos nito ay humirit pa si Annabelle ng message kayBoy para kay Cristy.

"Ang message ko kay Cristy Fermin, Cristy, sana matuto ka na.Madala ka na. Sana lahat kasi... Actually, Boy, ang daming mga artista, maramisiyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari.Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?

"Sana Cristy, matuto ka na. Huwag ka nang... Kung sumulat atleast dahan-dahan lang, huwag yung pabigla-bigla. ‘Tsaka, you know, huwag mo namangsiraan ang isang tao na below the belt. Puro pang-imbento. Kasi kawawa namankami. Siya, may radio siya, may diyaryo. Kawawa yung mga artista na hindipuwedeng lumaban, di ba, Boy? Yun lang ang advice ko kay Cristy, dahan-dahan kasa pagsusulat mo.

"Ngayon, pinapatawad na kita maski hindi ka pa nagso-sorrysa akin. Pero sa diyaryo kaninang umaga, parang nagso-sorry na rin siya sapagsusulat niya kaya okay na rin sa akin," pahayag ni Annabelle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTY REACTS. Humabol sa last gap ng The Buzz ang reaksiyonat tugon si Cristy bilang sagot sa mga sinabi ni Annabelle.

Kasama ni Cristy sa stage sa kanilang pamamaalam sa showlast Sunday ang iba pang hosts ng The Buzz na sina Boy, Ruffa, PhoemelaBaranda, at Jobert Sucaldito nang kunan siya ng maikling pahayag ng mgakasamahan niya sa programa.

"Alam ninyo, lahat na kapag ka may dumarating na artistadito o sinumang personalidad, ang turing ko sa The Buzz ay isang tahanan. Akoang dinatnan, may mga bisitang pumapasok at sa kulturang Pilipino, yung mgadinadatnan, yung mga pumapasok na bisita ay nirerespeto natin.

"Lahat ng sinabi ni Tita Annabelle kanina ay nirerespeto ko.Sabi ko nga sa ‘yo, Boy, nandiyan pa rin ang kaso. May karapatan pa rin ako naipagtanggol ang aking sarili, nadiyan pa rin, hindi pa rin natutuldukan angdokumento. Pero isang bagay lang po, mga kaibigan, lagi akong naniniwala mula saisang negatibong bagay, nakakakuha po tayo ng positibo.

"Si Tita Annabelle po kapag hinahalikan ko, hindi niyainaalok ang kanyang pisngi, pero hindi niya ako iniiwasan. Nung pumunta si TitoEddie dito nung birthday celebration ni Ruffa, tinanong niya ako, ‘Crtisty, kumustaka na?' kasabay ang isang mahigpit na yakap na parang wala nang hangin sa pagitan namin.

"Sa akin po, noon pa man, tapos na ito. Sa loob ng labintatlongtaon, parang malaking sword, isang malaking punyal po ito na anumang oras ay puwedengbumagsak sa ulo ko. Araw-araw sa ginawa ng Diyos, ang parusa po ay kulong.

"Nung Huwebes may mga tumawag akong kaibigan at nag-text.Ang una kong tanong, ‘Meron bang kulong?' Wala raw. Mula rito, inisip ko nalamang ang aking mga anak. Syempre, di ba?

"At sabi ko nga, anuman ang nagawa kaya merong nagalit, maynatapakan. At hindi po ikabababa ng aking pagkatao kung magsabi ako ngpaumanhin sa mga artistang hindi nagkakagusto sa aking mga isinusulat. Pero akopo ay isang manunulat na tapat din po sa aking propesyon. Paninindigan ko poang aking mga isinusulat dahil yun po ang aking prinsipyo at meron po akongkarapatan bilang malayang mamahayag," mahaba niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, sinabi naman ni Ruffa kay Cristy na "timeheals all wounds."

"Oo, at Ruffa, alam mo na mahal na mahal kita," sagot namanni Cristy.

Naniniwala si Ruffa na lumambot na rin ang puso ng mommyniya kay Cristy. Nakita kasi ni Ruffa na nagbiruan pa ang mommy niya at siCristy after ng live interview ni Annabelle with Boy pagbaba nito sa stage ngThe Buzz.

"Sabi ko, ‘Tita Anabelle, wala po akong isang milyong piso.'Sabi niya, ‘Ay, bruha ka, ‘Day. Magbayad ka ngayon din.'

"Tita Annabelle, Tito Eddie, sa pagpapalaking ginawa ninyosa mga anak ninyo, sapat na pong sagot yun sa mga katanungan ko. Maramingsalamat," pagtatapos ni Cristy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN