PEP EXCLUSIVE: Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas wish each other happiness

IMAGE 0


"I always love Yilmaz and he will always have a specialplace in my heart, and he will always be the father of my kids," says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas.



Emotional para kay Ruffa Gutierrez ang isang linggongnagdaan sa buhay niya. Marami kasi ang naganap sa pagdating ng estranged Turkish husbandniya na si Yilmaz Bektas last Thursday, April 3.

"Yeah, it has been a very emotional week for me," umpisa niRuffa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressingroom niya pagkatapos ng The Buzz.

Alam ba niya beforehand ang plano ni Yilmaz na pagbabalik saPilipinas?

"He told me that he'll gonna come here," sagot ng actress-TVhost. "Ang sabi niya, ‘I missed my kids. I want to spend 24 hours with them.Ayoko ng interview. Ayoko ng press. Gusto ko private lang and I just want tospend quality time with them.'

"Sabi ko naman, ‘Yilmaz, you know you're more than welcome.Anytime na gusto mong dumalaw sa mga anak mo, dumalaw ka.' Gusto ko namanmagkaroon ng magandang samahan, magandang relationship ang mga bata kay Yilmaz.Kasi ayoko naman them growing up thinking their father doesn't love them orwala na yung respeto sa kanilang dalawa. Kung auman ang problema namin niYilmaz, hindi ko isinasali ang mga anak namin," lahad niya.

Natuwa ba sina Lorin at Venice nang makita nila ang kanilang"Baba Yilmaz"?

"Ay, super excited!" bulalas ni Ruffa. "I mean, talagang...One time si Yilmaz, naghiwalay lang kami ng car, talagang umiyak na nang umiyak[yung mga bata]. ‘Baba! Baba!' And ako naman, talagang they really missed theirdad. Ayoko namang tanggalin ang pagkakataon na yun. Gusto ko naman na magingclose sila ng daddy nila, and happy naman yung mga bagets kaya happy na rinako. Kasi yun naman ang importante, di ba? We're doing everything that we possiblycan for the kids."

Kailan sila nagkita at nagkausap ni Yilmaz?

"Actually, when he arrived, hindi kami nagkita," kuwento niRuffa. "Nagkita na lang kami the day after and nag-lunch kami. ‘Tapos maraminaman ang naging pagkikita namin. Naging maayos naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope that we both remain peaceful. Sana wala na yungmasasakit na salita. Sana puro magagandang salita na lang, and sana isipin nalang namin na meron kaming dalawang napaka-cute na bagets na kailangan namingmaging maayos ang relationship namin kahit hindi kami magkasundo. Kailangan angfocus namin sa dalawang bata.

"Ang usapan namin the other night is more of...nandiyan nayung nag-hug kami, nag-iyakan kami, gusto ko yung ganun. Ayoko nung magkagalitkami ni Yilmaz. Ayoko nung maaanghang pa rin ang sinasabi about each other.He's the father of my kids and even then, minahal din namin ang isa't isa. And up to now, we still love each other sowe just know na mahirap for us to live in just one roof."

ANNABELLE'S STATEMENT. Ano ang masasabi niya sa mga pahayagng mommy niya na si Annabelle Rama sa The Buzz last Sunday tungkol kay Yilmaz?Feeling winner daw si Annabelle dahil nakakuha na ng bagong pag-ibig si Yilmaz,na ang tinutukoy ay ang 2006 Miss Universe na si Zuleyka Rivera Mendoza.

"Actually, nakita ko naman kay Mommy, medyo lumambot na angpuso niya," sabi ni Ruffa. "Kasi nung nagkasakit si Yilmaz the next day, theday after he arrived nagkaroon siya ng lagnat. Siguro naglakad siya or hindisiya sanay sa weather natin.

"Naku, concerned siya [Annabelle]. ‘Sige, sige ‘Day, padalaka ng Advil kay Yilmaz. Kawawa naman.' Talagang concern siya sa kung ano anggagamiting sasakyan ni Yilmaz. Even though nakikita ko sa kanya parang, ‘O,kinikilig-kilig ka naman diyan, ‘Day. Parang nagtwi-twinkle pa rin ang matamo?' Protective pa rin siya. But at the same time, ‘Padala mo yung Advil.'

"Lumalambot na ang puso niya, especially nung sinabi ko nanakausap ng mommy ni Yilmaz yung mga anak ko, sina Lorin and Venice. Naiyakyung mommy ni Yilmaz sa phone. So, bilang lola siguro, naramdaman din niya kungano ang nararamdaman ng mommy ni Yilmaz. ‘Ay, kawawa naman,' sabi niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA'S IN-LAWS. Malapit talaga si Ruffa sa kanyang mgain-laws. In fact, pinadala kay Yilmaz ng ama niya ang regalo nito para kayRuffa, ang isang set of jewelries—necklace, earrings, ring, and bracelet—na 24Kwith matching malalaking stones ng princess sapphire. Suot-suot ni Ruffa lastSunday sa The Buzz ang multi-million peso na set of jewelries na ipinadala ngkanyang father-in-law kay Yilmaz.

"Yeah, I think in spite of everything that happened,talagang only wish ko sana I could have said goodbye to the...or sana I couldhave kissed them man lang before we leave. May nagtanong nga sa akin, ‘If youwere invisible for a day what would you do?' I will take the first flight toIstanbul and to be with my in-laws. Kasi throughout the eight years naman thatwe've been together, talagang nakita ko na tinanggap nila ako, minahal nilaako. And they love me even more than they love Yilmaz at one point.

"Every time na nagkakaroon kami ng pagtatalo, kumakampi silasa akin. And they really treated me like talagang anak nila ako. They willnever take sides. ‘Pag alam nilang mali ako, sinasabihan nila ako. ‘Pag mali siYilmaz, sinasabihan nila. So, for now, I'm very, very lucky na up to now natalagang minahal ako ng parents ni Yilamz," pahayag ni Ruffa.

YILMAZ'S PRESENTS. Ano ang pasalubong ni Yilmaz kina Lorin at Venice?

"Ang pasalubong niya sa kids, marami siyang biniling mgadamit, mga toys. Binili rin niya ng necklace with God's name on it. And hetaught the kids, sabi niya, ‘If you really want to wish for something, justclose your eyes and touch this necklace and your wish will come true.' So Ithink ang pinakamagandang gift na ibinigay niya sa mga anak namin is hispresence and time as a father. Hindi na yung material things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me naman, ang sabi niya, ang gift niya sa akin is hispresence, hello?! Presence daw niya ang gift niya sa akin!" natatawang sabi niRuffa.

Bago umalis si Yilmaz, ano ang mensaheng ibinigay niya sakanyang asawa?

"Sinabi ko na sa kanya face to face, yung parang, you know,be happy. At yun din sinabi niya sa akin, ‘Ruffa, I want you be happy.' So, asof now, maganda ang naging pag-uusap namin," saad niya.

JEALOUSY. Nagselos ba siya kay Zuleyka Rivera?

"No," sagot niya. "I think we have passed this stage nakailangan naming magselos dahil, unang-una, ako naman ang umalis sa Istanbuland, you know, there's no really need para magselos. Ngayon, kung kami pa rin, welive in one house at may ganyang balita, aba, ibang usapan na ‘yon. But right now, I guess there's reallyno need for him to explain. Ang important naman ngayon is our kids. So, kungsino man ang idini-date niya, I have nothing to do with that."

Mahal pa rin niya si Yilmaz?

"Kahit may pagmamahal o wala, I think it's not the point. Ayokoring magtanong about his lovelife. Sinabi niyang business partner, e, dibusiness partner, di ba? We can laugh about it right now. Pero yung mahal, hindimawawala yun. Hindi na importante kung mahal ko ang isang tao o hindi, e.

"It doesn't mean that if you're not with the person anymore,hindi mo na siya mahal. I always love Yilmaz and he will always have a specialplace in my heart, and he will always be the father of my kids. So I think thatwe have a peaceful and a good understanding that's gonna benefit our childrenand their future rather mag-aaway kami, magpapalitan ng masakit na salita. I think we're two responsible adults and we should be carefulwith our actions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang legal wife ni Yilmaz, hindi ba siya entitled tocertain benefits?

"Alam mo, hindi na importante kung ano pa ang puwede kongmakuha sa kanya financially or material na bagay. Ayokong mag-away kami niYilmaz tungkol sa mga financial na things. Para sa akin, importante na yung kayako namang buhayin ang mga bata. I think sa akin, hindi na ako humihingi para sasarili ko. Para sa mga anak ko na lang. Yun lang. I think that's fair," pagtataposni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN