Judy Ann Santos is very much satisfied with her life now

IMAGE 0


"Sa totoo lang, masyado na akong masaya. Hindi ko kinukuwestiyon si God, pero gusto ko ring magtanong kung bakitmasaya, satisfied, at kumpletong-kumpleto ako," replies Judy Ann Santos when asked about her birthday wish.



Marami ang gandang-ganda sa trailer ng Ploning. Mula sa texture ng pelikula, cinematography, mga eksena,at pati ang self-titled theme song na inspirasyon para mabuo ang pelikula.

Dream movie ito ni Judy Ann Santos na umaming she waited foreight years bago ito mabuo. Hindi nag-elaborate ang aktres kung bakit gano'nkatagal ang paghahanda sa pelikulang idinirehe ng best friend niyang si DirekDante Garcia.

Two and a half weeks namalagi sa Cuyo Island, Palawan, siJudy Ann at mga kasama para sa shooting ng pelikula na umabot sa P20 millionang budget. Kung mapapanood ninyo, kahit trailer pa lang, hindi kayomagtatanong kung bakit gano'n kalaki ang budget nito considering na indie filmito.

Mabilis niyakap ni Judy Ann ang character ni Ploning, isang30-year-old woman na patuloy na naghihintay na tuparin ng kanyang minamahal angpangakong siya'y babalikan. Nahirapan lang ang aktres sa pagme-memorya ngCuyonon language—na hindi raw dialect kasi nag-iisa lang ito—at sa deliverydahil nagkabali-baligtad ang dila niya.

Birthday gift ni Direk Dante kay Judy Ann ang pelikulang inspiredng folksong na "Ploning."Showing itosa April 30, 11 days before Juday's 30th birthday.

"Amazing! Matagal ko itong hinintay at ngayong nagawa na,fulfilled ako. Ang sarap ng feeling at ang nakakatuwa pa sa movie, lahat ngmalalapit na tao sa buhay ko at lahat ng artistang may ibig sabihin sa akin,lahat sila may konek sa buhay ko, parte silang lahat ng buhay ko. Kasama rindito ang two importante persons in my life: si Direk Ga [Dante] at si Ryan[Agoncillo, her boyfriend] na um-effort din para magawa ang pelikula. Ngayon palang, buo na ako bago pa ako mag-30 years old at sila lang ang nagpabuo ngbuhay ko," lahad ni Judy Ann sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hiningi ng PEP ang reaction ni Judy Ann sa balitang kasabayng showing ng Ploning ang showing ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alasng Viva Films at When Love Begins ninaAga Muhlach at Anne Curtis ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May kanya-kanyang audience ang mga pelikula namin, pero I'mconfident," sabi ni Juday. "We prepared enough for this movie, maganda siya atsiguro naman, lalaban kami. Narinig n'yo ang sagot ni Ga sa tanong na ‘yan?Maganda ang sinasabi niya."

BIRTHDAY WISH. Kahit ilang beses na siyang tinanong, inalam pa rin ng PEPang birthday wish ni Judy Ann.

"Sa totoo lang, masyado na akong masaya," sambit niya."Hindi ko kinukuwestiyon si God, pero gusto ko ring magtanong kung bakitmasaya, satisfied, at kumpletong kumpleto ako. More than anything, iba angfeeling na uuwi ka sa pamilya mo, sa anak mo, at kay Ryan na masaya ka, natumatanda ka na may pinagkatandaan.

"Ikinatutuwa ko na, bago pa dumating ang 30thbirthday ko, may mga tao nang nag-isip na maghanda for my birthday. One year nasilang naghahanda and it meant a lot to me, kilala nga talaga nila ako. I'mjust so happy, I never expected makaka-experience ako ng sobrang satisfactionat hindi ko na kailangang maghintay na fifty years old na ako," pahayag ni JudyAnn."

Wala nang mahihiling pa sa buhay niya si Judy Ann at angidinadasal na lang nito ngayon ay maayos na ang papeles ng anak niyang siYohan. Hindi na nga raw niya pino-problema ang kaso niya sa BIR at tatanggapinniya kung anuman ang maging desisyon ng korte.

"Anuman ang mangyari, kung makukulong ako, bahala na siBatman. But I still pay my taxes and no choice ako kundi hintayin ang desisyonng korte. Ang most important sa akin ngayon ay matapos na ang papeles ng anakko, she's three-and-a-half years old na at marami nang alam," pagmamalaki niJuday kay Yohan.

After her birthday, magbabakasyon sina Judy Ann at Ryan forone month. Wala pa silang particular place na pupuntahan, pero kailangan nilangmag-ipon dahil matagal silang mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FREE SHOWING IN CUYO. Samantala, sa mga gustong makapanood ng Ploning,may premiere ito sa April 26 bago ang regular showing nito. Magkakaroon dinito ng world premiere sa New York, London, Singapore, at Dubai sa May. Peromapapanood ito nang libre ng mga taga-Cuyo Island sa kagustuhan na rin ninaJudy Ann at Direk Dante.

"We owe it to them. Gusto kong ipakita sa kanila ang ginawanaming movie sa lugar nila. Out of love ito at pasasalamat sa suporta nila atng mayor ng Cuyo Island. Napakababait ng tao roon, hindi kami hinarass atdisiplinado [sila]. Kaparte sila ng pelikulang ito," sabi ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN