Katrina Halili does not renew contract with GMA Artist Center but stays with GMA-7

IMAGE 0


Young sexy actress Katrina Halili has decided not to renew her contract with GMA Artist Center after four years. "Nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung fouryears," says Katrina.



Opisyal na nagtapos ang kontrata ni Katrina Halili sa GMAArtist Center (GMAAC) noong February 1, 2008.

Apat na taong naging contract artist ng GMAAC si Katrina pagkataposniyang maging StarStruck 1 Avenger. Ngayong nag-expire na ang kontrata niya, napagdesisyunanng young actress na huwag nang mag-renew sa talent arm ng Kapuso network.

Sa taping ng summer special ng All Star K! The P1 MillionVideoke Challenge kahapon, April 9, sa Coral View Resort sa Morong, Bataan, aytinanong namin si Katrina kung bakit hindi na siya nag-renew ng kontrata saArtist Center.

"Gusto ko lang pong i-try," maikli niyang tugon.

Sa ngayon, sa mismong GMA Network na siya nakakontrata atang tumatayong manager niya ay ang GMA executive na si Rommel Gacho.

"Mas palagay po ang loob ko," paliwanag ni Katrina. "Kasi si Tatay Rommel po talaga ang manager namin. Tatay siya ng mga StarStruck[graduates]. Siya yung mas nakakakilala sa amin. So feeling ko, mas okay ako dun.Ganun."

Kumusta naman ang naging takbo ng career niya for four yearssa pamamahala ng GMAAC?

"Happy naman, maganda naman yung tinakbo ng career ko dun,"sabi ng young actress.

May naging problema ba siya sa Artist Center kaya siya umalis?

"Wala naman. Gusto ko lang ma-try na magpa-handle kay TatayRommel," sagot ni Katrina.

Dagdag ni Katrina, nagpaalam daw siya nang maayos sa head ngGMAAC na si Ms. Ida Henares, kasama ang kanyang ama at isang abogado.

"Actually, may kasama po akong attorney, e. Bale sila nalang po yung nag-usap," lahad niya.

Sumama ba ang loob ni Ms. Henares sa desisyon ni Katrina naiwanan ang Artist Center?

"Actually, nung time na nag-meet kami, inaayos yung... Tina-trypong ayusin, ganun. E, nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung fouryears," aniya.

Nilinaw ni Katrina na sarili niya itong desisyon at walang sinumanna nag-impluwensiya or namilit sa kanya to make that decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

From playing contravida roles, na ang pinakahuli ay saMarimar, Katrina will play her first lead role in the TV adaptation of MagdusaKa. Katrina will reprise the role first portrayed by Dina Bonnevie in the movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN