Luis Manzano and Angel Locsin keep their relationship private

IMAGE 0


"There are some things that should be kept toourselves. I spoke once and that could be enough na. Nagtitira lang ako sasarili ko. Wala kaming napag-usapan ni Angel na ‘wag kaming magsalita, but itwas understood na siguro," says Luis Manzano about the real score between himand Angel Locsin.


Sa kabila ng kumpirmasyon ng ilang tao nailang buwan na raw tumatakbo ang relasyong Luis Manzano-Angel Locsin,consistent pa rin ang paglabas ng mga sagot ng dalawa na hindi pa sila umaabotsa totohanang relasyon at sa ngayon ay ine-enjoy lang nila ang company ng isa'tisa.

Pero kamakailan sa isang interview kay DinaBonnevie, nagpahayag ng sama ng loob ang aktres kay Angel. Sa sandaling panahonlang daw kasi, napalitan na agad ni Angel ang anak niyang si Oyo Sotto naex-boyfriend nito. Kinumpirma daw kasi sa kanya ni Angel through text naboyfriend na nga nito ang binata ni Vilma Santos.

Sa interview ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) last Sunday kay Luis sa dressing room ng ASAP ‘08,binigyang-linaw sa amin ng actor na maaaring hindi lang nagkaintindihan sinaAngel at Ms. D. Hindi na raw dapat pang palakihin ang issue dahil nagsalita narin naman si Angel tungkol dito at tinuldukan na rin ang isyung ito.

"I could be wrong, pero...‘di dahil sanakikialam ako sa issue na ‘yan, pero I think Angel took the initiative [ofending the issue]. I'm not sure kung nag-text ba siya or tumawag kay Ms. D. AsI see it kasi, it was either misquoted, or may miscommunication. It wassomething na, ‘di na-fully explained about their relationship. Siguromiscommunication lang talaga between the two parties."

"I even asked Angel about it, sabi niya hindiraw. Ang alam ko rin, ang tagal na before sila nag-break bago pa na-bring upyung name ko," esplika muna ni Luis sa amin.

JUST ENJOYING. Ilang malalapit kina Luis and Angel ang nagkumpirma natalagang mag-on na sila. Nang tanungin namin si Luis kung ano ba ang pumipigilsa kanila para aminin ang totoo sa publiko, ito ang sagot na ibinigay sa aminng actor: "Ako, I don't want to put labels, basta we get along, we enjoy eachother's company and we're very, very happy every time we hang out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa ni Luis, "There are some thingsthat should be kept to ourselves. I spoke once and that could be enough na.Nagtitira lang ako sa sarili ko. Wala kaming napag-usapan ni Angel na ‘wagkaming magsalita, but it was understood na siguro."

SACRIFICED SHOW. Isa sa show na inaabangan sa ngayon sa ABS-CBN ay ang Pinoy Big BrotherTeen Edition Plus kung saan isa sa regular host si Luis. Aminadongmasaya si Luis sa mainit na pagtanggap ng tao sa nasabing show, pero isangserye pala ang sinakripisyo ni Luis para dito.

"Sa mga sumusuporta sa PBB, thank you.It goes to show na iba talaga ang tingin at respeto ng tao sa mga kabataangPinoy. Dito talaga masasabi, ‘di lang sa kanta, ‘the children is our future.'Totoo nga, we have to pass something on, at iba na talaga ang kabataan ngayon."

"Sa ngayon, I'm busy with ASAP, with PBBTeen Edition Plus. Nausog yung gagawin kong serye because of timeconstraints. Kailangan siyempre, focus ako. Ayoko namang patayin ang sarili koat ayokong ma-sacrifice yung quality ng show."

VICE PRESIDENTIAL SON? Malayo pa ang 2010 election pero maugong ang balita na tatakboas vice-president ang mommy ni Luis na si Batangas governor Vilma Santos. Walapa mang kumpirmasyon na ibinibigay ang kanyang mommy pero kung sakali aybung-buo ang suporta at tiwala na ibibigay ni Luis sa ina.

"I read about it, I heard about it but I never heardanything from my mom. Ayokong pinapakialaman ang kanyang political agenda.Basta ako, if she decided to run, I'm sure she will let the family know.

"Yung mga achievements naman ng mom ko, makesme very, very proud as her son. It goesto show na yung mga sinasabi nila [critics] na ang mga artista, ‘di puwedengmaging pultiko, nasira kasi na-prove na may mga iilan talagang may kakayahanbasta mabigyan lang ng chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN