Yasmien Kurdi on Cristine Reyes's transfer: "Basta kung saan po siya masaya!"

IMAGE 0


Yasmien Kurdi says she and friend Cristine Reyes don't talkabout work whenever they get together. About herfriend's transfer to ABS-CBN, Yasmien says that whatever makes Cristine happy isfine with her.


Sa kabila ng busy sked ni Yasmien Kurdi, nakukuha pa rinnitong makipag-chat through her yahoo messenger (YM) account sa kanyang malalapit na kaibigan at mga kakilala sapress. Lagi naman daw kasi niyang dala ang kanyang laptop at hindi nga raw siyamakaalis ng bahay without it.

"Ang laptop ko po ang buhay ko," kumpisal nga ni Yasmien sapakikipag-chat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, Friday, April4. Through our YM chat, nalaman ng PEP na kasalukuyan siyangnagsu-shooting ng kanyang movie na Love Is All That Matters. Yasmien stars with J.C. de Vera, JeanGarcia, Polo Ravales, John Prats, Ehra Madrigal, Aljur Abrenica, Kris Bernal,Sheena Halili and Brent Javier. Wala pang playdate ang movie as of thiswriting.

"Waaah, grabe! Kanina lang kami natapos ng umaga," reklamoni Yasmien. "Nakakapagod...pero worth it. Kasi ang galing, ibaatake namin dito sa mga scenes. Kasi nga its my first time to work with DirekDon Cuaresma [Ysabella, It Might Be You].

TECHIE YASMIEN. Masasabing isa sa busiest stars ngGMA-7 ngayon si Yasmien, with TV shows (Tasya Fantasya and BabangonAko't Dudurugin Kita), an album she's still promoting (Love Is All INeed, with her current single, "Take It Or Leave It"), at out-of-townshows, hindi ba nananakit ang likod niya sa work stress? Paano ba siyamag-unwind?

"Wala po muna [time to unwind]. Stress po muna talaga [sawork]. Pero ‘pag natapos naman, nag-a-unwind naman po ako."

Nang tanungin namin kung paano ba siya mag-unwind, sagot ngdalaga: "DVD...at wi-fi dito sa house."

Katulad ng karamihang kabataan ngayon, techie na matatawagitong si Yasmien, with her collection of gadgets na tila lagi na niyang dalakahit saan man siya magpunta.

"Ay sobra po. Techie adik po talaga. Superaddict satechnology." Aside from the portable DVD player at laptop na lagi niyangkinakalikot for chatting and websurfing, "Speaker po for my music, yung TV kopo na puwede kong ilagay sa bag ko para mapanood ko kahit saan ang shows ko,yung N82 po na cell phone ko na bigay ng Forever Flawless, amplifier para sagitara ko ‘pag nagti-trip at saka yun pong flashdisk ko na puwede sa lahat ngbagay. Saka salamat po sa youtube, kasi napapanood ko ang mga ‘di ko panapapanood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung pag-a-unwind daw talaga, the best ang pagtulog.

"'Pag may time na matulog, talagang natutulog po ako. Angsarap matulog."

WHATEVER MAKES CRISTINE HAPPY. Sa nangyayari sacareer niya ngayon sa GMA-7, malayong maramdaman niya ang naramdaman sa GMA ngStarStruck 1 batchmate at kaibigan niyang si Cristine Reyes. Pero kunyari ay nabakante ngasiya, magiging katulad din kaya ng mga ginawang hakbang ni Cristine angmagiging mga hakbang niya?

"Basta po tama lang ang ang binibigay sa akin ng GMA. Bastabahala na po si Lord. Si Lord po ang nagbibigay ng work," may pagka-religiouspang type ni Yas sa kanyang sagot.

Since napag-usapan na rin si Cristine, ano ang reaction niyasa paglipat nito sa Dos?

"Wala po. Wala po reaction. Friend ko po yun, e. Hehehe..."pa-cute pa nitong sagot sa YM. "Basta kung saan po siya masaya..."

Nang tanungin namin kung nabanggit ba sa kanya ni Cristinenoon ang paglipat nito sa Dos? "Wala naman po. Kasi ‘pag magkakasama kami,hindi namin pinag-uusapan ang work."

MORE INTENSE SCENES IN BABANGON. Noon aykabado at may pressure sa stars ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, peronang hindi naman ito nagpapahuli sa ratings at laging may magagandang reviewsdito, nabawasan, if not totally nawala ang kaba't pressure sa stars, especiallykay Yasmien. In-assure naman ni Yas na mas matitindi pa raw ang mga darating naeksena sa Babangon.

"Grabe. Thanks po talaga sa mga magagandang comments about Babangon.Simula pa lang po ‘yan. Wala pa po kami sa gitna ng Babangon. Marami papong matitinding eksena. Grabe nga po talaga ang hirap na dinadanas ko dun."

Sample nga raw ng ginagawang "grabe" sa kanya ay angpagpapaluhod sa kanya sa kalye na nakakumot lang. Nagkasugat-sugat nga rawsiya.

"Kaya nga ‘pag nagkaroon na ako ng chance na ako naman ang‘mandudurog,' dudurugin ko talaga sila!" patawa uli ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As for Tasya Fantasya, "impressive" ang hatol ngilang manonood sa Sunday afternoon fantaserye niyang ito.

"Nnggiii...nakakakaba!" YM niya sa amin the next day afterseeing the PEP report about her show.

Nagpasalamat na lang siya sa mga nanood at sa magandangcomments tungkol sa Tasya Fantasya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN