It's about money, not career move, when stars transfer to another network, says Allan K

IMAGE 0


"Kasi kahit ano pa'ng sabihin mo... isa lang ang puno't duloniyan, e—pera," answered Allan K when asked about the trend of starstransferring to another network.



Apat na taon nang co-hosts sina Allan K at Jaya sa AllStar K! The ! Million Videoke Challenge ng GMA 7 na napapanood tuwingLinggo ng gabi. Kaya naman na-develop na nang husto ang close friendship nilangdalawa.

"Ay, alam mo, kami ni Jaya, ang rapport namin off-screen aton-screen. We became the best of friends, na wala nang itinatago sa akin ‘yan.Same thing with me, ganun.

"Parang naging sobrang close na kami, minsan kahit wala sascript, biglang nagkakasabay pa kami ng sasabihin sa TV, tawa kami nang tawa,talagang we are one, ganun," patuloy pa ni Allan nang makatsikahan ng PEP(Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules ng hapon sa Coral View Resortsa Morong, Bataan.

Nando'n ang buong grupo ng All Star K! for the tapingof their summer episodes. Tinanong naman ng PEP si Allan kung ano ang sikreto niya atisa siya sa pinaka-successful na stand-up comedians at TV hosts ngayon. Bukodpa rito, isa rin siyang very successful businessman na nagmamay-ari ng mgasikat na comedy bars sa bansa.

ALLAN'S SECRET OF SUCCESS. "Sikreto? Siguro mabaitako! Ha-ha-ha! 'Tsaka ‘yung inspiration, I get it from the people na wala ring sawangsumusuporta. Imagine I've been performing for many years now, makikita mo namadaming bagong lugar, madaming baguhang performers, pero makikita mo yungaudience na sa The Library [comedy bar in Malate where he started] mo pa audience, malalaman mo sa request na kanta,yung mga kinakanta mo pa nung araw sa The Library.

"Minsan, may mga [galing pa sa] My Father's Moustache pa naaudience. Hay, nakakaloka!" natatawang kuwento pa ni Allan sa PEP.

Dahil sa tagal na nga niya sa trabahong pagpapatawa atpagho-host, natanong tuloy namin kung hanggang kailan kaya niya gagawin pa angtrabahong ito?

"As long as they want to listen to my songs, and as long asthey want to laugh at the jokes I make, I'll still continue. As long as maynatutuwa, at as long as feeling ko gusto pa nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You'll feel naman if you need to retire, e! But for themoment, malayo pa."

MONEY, NOT CAREER MOVE. Isa rin si Allan saipinagmamalaking hosts ng top-rating noontime show na Eat Bulaga!, whichleads us to ask kung na-experience na ba niya ang offer ng trabaho ng ibangistasyon?

"Never pa naman. Wala pa naman."

Bakit kaya?

"Hindi ko alam. Ayaw nila sa akin. Charing! Ha-ha-ha!"

Sinabi rin ni Allan na hindi siya naniniwala sa mga sinasabing mga lumilipat ng istasyon na ginawa nila ang paglipat dahil ito ay isangcareer move.

"Sa akin naman kasi, loyalty is of course important to oneperson. Kasi diyan mo na-ge-gauge yung pagkatao mo, e. Kasi hindi mo puwedengsabihing ek-ek na ‘I want to move on,' ‘This is a career move,' as long asthere's work in one channel...kung wala, oo, you have all the reasons in theworld to transfer. Kahit nga hindi ka i-pirate e, baka ikaw pa angmag-offer ng sarili mo. Pero as long as there's work in one station... Pangitkasing tingnan na na-pirate ka, e!

"Kasi kahit ano pang sabihin mo na, move on, isa lang angpuno't dulo niyan, e—pera.

"Susulutin ka ba ng hindi tataasan ang talent fee mo?Magpapasulot ka din ba ng same talent fee or lesser?

"Hindi true ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN