Anne Curtis admits "healthy flirting" when she was younger

Apr 12, 2008
"Sa past ko... At 16 kasi happy-go-lucky lang ako, e. I'm like, ‘OK, whatever, I'll just enjoy my life, experience everything and then when I reach the point that I get tired of it, ‘tapos ayoko na. Gusto ko nang mag-concentrate on my work," flashbacks Anne Curtis when asked if she's done her share of flirting.

Speechless si Anne Curtis nang bukuhin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Valentine's date nila ng nababalitang boyfriend niya na si Sam Milby.

Ayon sa PEP source, pagkatapos manood ni Anne ng concert ni Sam sa Manila Hotel noong Valentine's day ay nagpunta sila sa bagong bahay ng Fil-Am actor sa Pasig City. Doon ay naghihintay ang napakaromantikong dinner date nila sa rooftop ng bahay ni Sam. May red roses, red wine with matching candles sa ibabaw ng lamesa na naka-set-up na sa rooftop.

At dahil malamig sa rooftop, may nakatabi roon na blanket para sa kanilang dalawa. First time ba niyang na-experience ng gano'ng surprise from a guy na very open sa paghanga sa kanya?

"Hindi," lahad ni Anne sa presscon ng When Love Begins. Siyempre lahat naman ng nanligaw sa akin at naging boyfriend ko sinurprise ako."

Hanggang ngayon ay itinatanggi pa rin ni Anne na may relasyon sila ni Sam. Pero hindi naman niya idine-deny na nanliligaw sa kanya si Sam. And so far, si Sam na yata ang pinakamatagal na nanligaw kay Anne. Kailan ba niya planong sagutin si Sam?

Continue reading below ↓

"Right time. Siyempre gusto ko, I want to be sure na talaga. Ayoko na ng break-break na ‘yan. Ayoko na ng mga ganun, ‘no?! Twenty-three na ako," pahayag pa ni Anne sa amin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Curious kami sa bahay ni Sam, maganda ba ?

"Maganda siya. Very nice, very sosyal," sagot agad ni Anne.

MARIANNA DEL RIO. Na-link naman kamakailan si Sam sa Brazilian model na nag-aartista na rin ngayon dito sa Pilipinas, si Marianna del Rio. Hindi naman itinanggi ni Sam na nagkakilala sila ni Marianna at nagkaroon ng "simple flirting" noong una silang nag-meet sa ASAP '08.

Kasunod nito, may lumabas na balitang nagalit daw si Anne kay Marianna. Totoo ba?

"No, no, no, no," sunud-sunod na tanggi ni Anne. Aniya pa, hindi pa raw niya nakikilala nang personal si Marianna.

"I've never met her. [But] of course, I know her."

Aware ba siya sa "simple flirting" na nangyari kina Sam at Marianna?

Continue reading below ↓

"Of course, alam ko naman yun. Pero siyempre that's Sam's business na. Ayokong makialam, ‘di ba?"

Ano naman ang naging reaksyon niya noong sinabi na sa kanya ang tungkol doon ni Sam?

"Wala naman. Sabi ko, ‘OK. Thanks fore telling me." Wala raw siyang selos na naramdaman. "Kasi nung time naman nangyari yun, wala pa ako So, it's none of my business na."

HEALTHY FLIRTING. Usapang flirting, sinubukan na rin ba ni Anne ang mag-flirt?

"Tinatanong pa ba yun?" natatawang balik-tanong ni Anne. "Sa past ko. Sa past ko naman siyempre."

We asked her to elaborate more tungkol sa pagpi-flirt niya.

"Wala. I guess, flirting naman kasi...if it is healthy flirting, ha. Hindi naman yung...you know, you're expecting something from it.

"It's a good feeling naman, e."

When was the last time na ginawa niya ‘yon?

"Mga 18 , 19, ganyan."

Ipinagpalagay namin na ang boyfriend niya that time ay si Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

"Korek! Alam mo yung time frame ko, ha?" balik ni Anne sa amin.

Never na ba niyang ginawa yun ulit?

"Uh, not like that. I just know now what I should and shouldn't settle for.

"At 16 kasi happy-go-lucky lang ako, e," balik-tanaw ni Anne sa amin during her "flirting" phase. "I'm like, ‘OK, whatever, I'll just enjoy my life, experience everything and then when I reach the point that I get tired of it, ‘tapos ayoko na. Gusto ko nang mag-concentrate on my work.

"Kasi before, alam ninyo may stage ako na gusto kong magpakasal, ganyan. Pero now when I turned 23, sabi ko parang ayoko munang magpakasal. Marami pa akong plans na gusto kong gawin. I want to travel more. I want to go to a university."

Tinanong namin kung ano naman ang gusto niyang kuning kurso when the time comes na mag-aaral na siya sa isang university?

Continue reading below ↓

"Education. Kasi kung may money ako, I'll open up a kindergarten. Pero if not, I'll be a pre-school teacher."

Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis, Sam Milby
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa past ko... At 16 kasi happy-go-lucky lang ako, e. I'm like, ‘OK, whatever, I'll just enjoy my life, experience everything and then when I reach the point that I get tired of it, ‘tapos ayoko na. Gusto ko nang mag-concentrate on my work," flashbacks Anne Curtis when asked if she's done her share of flirting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results