Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ara Mina denies telling sister Cristine Reyes to leave GMA-7 for ABS-CBN

Apr 12, 2008
"Ayokong isipin nila na binuyo ko ang kapatid ko dahil nandito na ako [sa ABS-CBN]. ‘Di rin naman siguro masama ang ginawa niya. Ang sa akin lang naman, bigyan natin siya ng freedom," says Ara Mina, referring to accusations that she's behind her sister Cristine Reyes's decision to leave GMA-7 for ABS-CBN.

Sa pagpirma ni Cristine Reyes ng one year exclusive contract sa ABS-CBN noong Miyerkules, Abril 9, inaasahan nang ito ang hudyat ng mas malalim na hidwaan niya at ng dating network na kinabibilangan, ang GMA-7.

Sa press statement na inilabas ng GMA-7 tungkol sa pag-alis ni Cristine bilang talent nila, idiniin ang problema ng network sa attitude at behavior ng young actress bilang rason kung bakit nagdesisyon na ang management na bitawan na lamang ito nang tuluyan.

Agad namang hiningan ng reaksyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara Mina, nakatatandang kapatid at tumatayong manager ni Cristine. Tinanong ng PEP kung maaari bang tumayo bilang tulay si Ara upang matuldukan at maayos ang problema sa pagitan ng kapatid at ng Siyete.

"Oo. Pero siguro medyo papalamigin muna natin ang mga bagay-bagay. Masakit din yun for them kasi from Starstruck, sa kanila nag-umpisa si Cristine, inalagaan nila, itinuring na parang anak-anakan. So normal naman na yun ang maging feelings nila.

Continue reading below ↓

"Ako rin naman umalis ako ng GMA, pero ang difference namin ni Cristine, matagal na akong walang contract sa kanila kaya madali kaming nagkaintindihan. I gave the reason na as an actress I want to try something new with my career, with my craft, lalo't focused sila noon sa mga fantaserye and naintindihan naman nila," paliwanag ni Ara.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At sa gap na meron ngayon ang GMA-7 at ang kapatid niyang si Cristine, natural na nakaalalay siya sa kanyang kapatid.

"Medyo ‘di rin kasi kami gaanong nakapag-uusap ng kapatid ko noon. Busy rin ako. So nung lumapit siya sa akin, sinabi niya na ‘pag nakapag-decide na raw siya, puwede raw ba na ako na lang ang mag-manage sa career niya? Ako naman, sinabi ko na sige at kahit saan siya mapunta, GMA man o sa ABS, walang problema sa akin."

"Basta ako I respect the opinion or statement of GMA, wala akong bad blood sa kanila. As a sister and Cristine's manager, nandito ako to guide my sister."

Continue reading below ↓

Wala mang exclusive contract sa ABS-CBN ay naunang naging visible si Ara sa mga shows ng ABS at isa na rito ang Prinsesa ng Banyera kung saan gumaganap siyang kontrabida. Nagpaliwanag lang ang aktres na walang pambubuyong nangyari kaya't ‘di dapat lagyan ng intriga na siya ang nag-impluwensiya kay Cristine.

"Ayokong isipin nila na binuyo ko ang kapatid ko dahil nandito na ako [sa ABS-CBN]. ‘Di rin naman siguro masama ang ginawa niya. Ang sa akin lang naman, bigyan natin siya ng freedom. Ayokong magkaroon uli kami ng conflict just like before. Yung kapatid ko, gusto ko siyang bigyan ng right to choose."

Naging very open si Cristine na ang mas malaking talent fee ang isa sa rason kung bakit lumipat siya sa ABS-CBN. Sa parte naman ni Ara, binigyang-linaw niya sa amin na hindi naging isyu sa kanya ang pera kahit kailan.

"Malaki rin naman ang TF sa kabila. ‘Di lang naman sa talent fee yun. Ang pera madaling mawala, pero hindi ang pakikisama."

Continue reading below ↓

Nang hingan namin ng mensahe si Ara para sa nakakabatang kapatid, ito ang pahayag niya.

"Siguro paghusayan niya ang trabaho niya, kasi marami siyang kakumpitensiya dito [sa ABS-CBN]. Galingan niya ang acting niya, ‘di lahat ng talent or artista, nabibigyan ng break na magsolo. Sobrang malaking opportunity ito so pagbutihan niya at sana ‘wag aakyat sa ulo niya ang kasikatan."

Read Next
Read More Stories About
Ara Mina, Cristine Reyes
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayokong isipin nila na binuyo ko ang kapatid ko dahil nandito na ako [sa ABS-CBN]. ‘Di rin naman siguro masama ang ginawa niya. Ang sa akin lang naman, bigyan natin siya ng freedom," says Ara Mina, referring to accusations that she's behind her sister Cristine Reyes's decision to leave GMA-7 for ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results