Lani Mercado gives advice to expectant daughter Inah

Apr 13, 2008
"Vince, mahalin mo ang anak ko katulad ng pagmamahal namin sa kanya. Katulad nga ng sabi ng papa niya, ‘Prinsesa namin si Inah [standing in photo].' Take good care of her at huwag mo siyang sasaktan," says Lani Mercado (seated) to her daughter Inah's boyfriend, Vince del Rosario (not in photo).

Matapos lumabas ang balita noong nakaraang linggo na magpapakasal na ang panganay na babaeng anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado, marami ang nagtaka at nag-isip na marahil buntis si Inah Revilla kung kaya biglaan ang desisyon ng pagpapakasal. (Click here to read full story)

Lalo pang umugong ang ispekulasyong ito nang manatiling tahimik lamang ang mga magulang ni Inah ukol sa balita. Tanging ang nakatatandang kapatid nitong si Jolo at ang manager ng kanyang magulang na si Lolit Solis ang nagbigay ng pahayag tungkol sa biglaang plano ng pagpapakasal ng dalaga.

Matatandaan na noong October 2007 ay ipinagdiwang ni Inah ang kanyang 18th birthday, kung saan isang engrandeng debut party ang inihanda para sa dalaga. Sa naturang okasyon, nagbigay ng wish at paalala si Lani para sa kanyang anak.

Ayon kay Lani, "Pinananalangin ko na kapag may mga umaali-aligid na, pinagdadasal ko na sana huwag muna siyang mag-decide. Ano muna, keep her options open. At sana huwag munang mag-aasawa, huwag gagayahin ang nanay, huwag na huwag na huwag!"

Continue reading below ↓

Ngunit tila hindi na nga ito mangyayari lalo pa't kinumpirma na rin ni Lani ang napipintong pagpapakasal ni Inah sa kanyang boyfriend na si Vince del Rosario sa darating na May 28, sa Manila Cathedral.

Kahapon, April 12, humarap sa Startalk si Lani, na nadiriwang ng kanyang 40th birthday ngayon, upang magbigay ng kanyang pahayag ukol sa kanyang anak na si Inah. Dito unang tinanong si Lani kung totoo ang mga usap-usapan na kaya magpapakasal si Inah ay dahil nagdadalang-tao ito.

TALENT MANAGER REACTS. Ngunit bago sinagot ni Lani ang tanong, muling nagpaliwanag si Lolit bilang depensa sa kanyang mga "anak" laban sa mga taong nagbibigay ng kung anu-anong ispekulasyon.

Panimula ng TV host-talent manager, "Mayroon akong ipapaliwanag, Butch. Kasi, ‘di ba, Joey, andami-dami kasing speculation, ang daming lumabas na ano, na parang kaya lang magpapakasal dahil daw buntis, dahil ano, ‘di ba?

"Hindi ba, usually, kasi ang announcement na 'yan dapat nanggagaling sa magpapakasal, e. Hindi ba, doon sa couple, kapag magpapapakasal na sila ‘tsaka ina-announce. Parang si Yilmaz [Bektas] noon, in-announce na buntis si Ruffa. Parang si Aga Muhlach, siya yung nag-a-announce na ano..."

Continue reading below ↓

Matapos nito ay pinuna ni Lolit ang mga namimintas kina Bong at Lani bilang mga magulang. Aniya, "Ang pinipintasan nila si Bong at saka si Lani na bakit dine-deny daw. Wala naman silang dine-deny, wala silang ina-admit, wala silang dine-deny.

"Wala silang sinasabi dahil nga kung sakali mang totoo yung speculations na buntis si Inah, dapat manggaling yun sa couple, ‘di ba? Dahil kung sakali mang totoong buntis, matutuwa na naman si Lani at saka si Bong na magkakaroon na naman sila ng bagong apo.

"At saka hindi yun kasalanan ni Bong at saka ni Lani kung halimbawang ine-evade nila yung question dahil dapat nga manggaling sa lalaki, sa dalawa, ang announcement tungkol diyan. Yun ang proper talagang gawin."

LANI SHOCKED BY DAUGHTER'S DECISION. Isa-isa namang ikinuwento ni Lani ang mga pangyayari nang umamin sa kanila ni Bong ang dalagang anak at boyfriend nito.

Paliwanag ng TV host-actress, kaya hindi sila agad nakapagpaunlak ng interview ukol sa balita ay dahil kararating lang nilang mag-asawa mula sa bakasyon sa U.S.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Lani, "Kaya last Saturday hindi muna ako nagsalita kasi I wanted to make things... Kararating ko lang kasi noong April 2 and it was the first meeting I had with the family of the guy, si Vince del Rosario.

"So I wanted to make sure if they are ready. Tinanong naman namin kung handa silang dalawa. Vince is 23, my daughter is 18. At sabi ko, ‘Ano ba ang plano ninyo? At yun nga, magpapakasal.

"I'm happy for them kasi hindi sila yung tipong boyfriend at mag-girlfriend na nagtanan, nagpaalam sila. Sinabi nila ng tapat kung ano ang kanilang mga plano."

Inamin ni Lani na bagama't nabigla rin sila sa naging desisyon ng kanilang anak, maluwag naman nila itong tinanggap ni Bong.

Dagdag na pahayag ng ina, "Nakakabigla because, katulad nung pinakita ninyo sa VTR, one of my wishes nung nag-18 siya is not to get married early like me. Pero ang kapalaran ng anak ko talaga hindi mo masasabi, katulad ng nangyari rin sa akin."

Continue reading below ↓

RIGHT TIMING. Nang tanungin si Lani ng Startalk kung paano nagpaalam ang kanilang dalaga, napangiti ito ng bahagya at sinabing, "Ewan ko itong mga batang ito... Nalaman ko ito noong nagbabakasyon kami ni Bong sa Amerika."

Patuloy ni Lani, "Siguro ano na ito, pagkakataon na rin ng Panginoon na... Siguro sinadya na rin ng mga bata na [habang] nandoon kasi alam ng mga bata na may binabalak kaming mga bakasyon, kasama ng mga tatlong maliliit. They don't want to spoil our vacation, but kailangan nilang ipagtapat, so pinagtapat nila.

"Siyempre emotional kami parehas ni Bong, pero ang una ngang tinanong ko sa kanila is kung ano ba ang plano nila. Handa ba sila sa sinusuong nilang mga pangyayari sa buhay?"

INAH APOLOGIZES. Sa kalagitnaan ng interview, isang phone patch ang inihanda ng Startalk kung saan si Inah ang nasa kabilang linya. At ang una kaagad niyang nasabi sa ina, "Ma, sorry kung na-disappoint kita. I mean, birthday na birthday mo 'tapos ito ang mangyayari."

Continue reading below ↓

Maluha-luha namang sinagot ito ni Lani ng, "Wala namang masama, anak, e. You've been a good daughter."

Dagdag pa niya, "Alam ko, if I could only make the choice for you, and these decisions for you, dahil dinaanan ko na ang lahat, umibig din ako, alam ko yung pakiramdam na iyan. Pero wala, e. Hindi naman kita nababantayan 24/7. Ang puso mo ay hindi ko puso, ang desisyon mo ay hindi ko desisyon, nandoon lang naman ako at nangangaral lang sa 'yo. Anak, mahal na mahal kita."

Ito naman ang naging sagot ni Inah sa kabilang linya ng telepono, "Ako rin, Ma, I love you so much. Sorry kasi in recent days lang tayo naging mas close pa. I mean, dati siyempre may fears ako na medyo malayo sa family, ngayon lang tayo nagiging close. I want to say na mami-miss kita siyempre."

Agad na kumontra ang kanyang ina at sinabi, "Hoy, hindi ka naman mawawala, anak, e. You'lll be on your own, you'll have a house, you'll have a place of your own with Vince. But nandito lang kami, dalawin n'yo lang kami every week and kung gusto mo every day kahit any minute of the day."

Continue reading below ↓

Bukod sa kanyang ina, humingi rin ng tawad si Inah sa kanyang ama na si Senator Bong. Inamin niya na talagang napaluha ang kanyang ama nang sabihin niya ang balak na pagpapakasal.

Kuwento ni Inah, "Kung siya ay umiyak noong nagpaalam ako noong prom ko kung puwede akong pumunta at puwede magka-date, ‘di ba, mas lalo naman ngayon?"

At ang mensahe niya para sa ama, "Kay Papa, sorry kung na-disappoint din kita. Sana hindi pa ako dumagdag sa white hair mo na tumutubo sa ulo. Ano, babawi talaga ako ng sobra-sobra. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi kayo proud sa akin. At saka love ko kayo sobra-sobra ni Mama, and nandito ako parati. I'm just a call away."

SPECULATIONS ARE EXPECTED. Kinalaunan, kinumpirma na rin mismo ni Inah na buntis siya sa boyfriend niyang si Vince. Kaugnay nito, handa na rin diumano siya sa kanilang desisyon na magpakasal.

Inasahan na rin diumano ni Inah na magkakaroon ng intriga sa biglaang desisyon nilang magpakasal. Aniya, "When I found out na yun nga, yung ‘positive' and then... Talagang in-expect ko na itong lahat, the speculation, yung madi-disappoint lahat ng tao sa akin. Siyempre kasi first daughter, and everyone was expecting me to do better.

Continue reading below ↓

"Yun, may school pa, and then so much in front of me pa. Siyempre hindi naman natin masasabi na tapos na ang mundo ko. Pero, alam mo 'yun, mag-aaral pa rin naman ako after, as in babawi talaga ako ng sobra-sobra."

Bilang suporta, sumagot naman si Lani ng, "Sabi nga, anak, always think of the better side of everything. Ano naman, e, habang may buhay may pag-asa. At saka ano, I know inspirasyon mo rin si Vince to continue."

Nagbigay rin si Lani ng payo sa kanyang dalaga at sa soon-to-be son-in-law. Paalala niya, "Both of you should continue to hold on together, mag-aral kayong mabuti. Nag-aaral pa kasi si Vince, but I know you have a bright future ahead of you. Tatagan ninyo."

LANI'S MESSAGES. Maya-maya pa ay nagbigay na rin ng mensahe si Lani para kina Inah at Vince. Aniya, "To Inah and Vince, our support will always be with you, alam n'yo naman 'yan from the very beginning na sinabi n'yo sa amin yung magaganap sa buhay ninyong dalawa. Nandito kami palagi para sa inyo, through thick and thin, we're here to support you."

Continue reading below ↓

Nakiusap din si Lani kay Vince na, "Mahalin mo ang anak ko katulad ng pagmamahal namin sa kanya. Katulad nga ng sabi ng papa niya, ‘Prinsesa namin si Inah.' Take good care of her at huwag mo siyang sasaktan."

At para sa mga kabataan na gustong magpakasal ng maaga, ang tanging masasabi ni Lani, "Alam ninyo, pinagdadaanan ng mga magulang ang mga ganito. Maaga akong nag-asawa, kami ni Bong ay 18 at 19 nag-asawa, pero so far we're going on our 22nd year. Maraming unos na dumadaan pero kailangan talaga lang maging matatag ang bawat isa.

"Actually, marami rin namang nag-aasawa ng late na pero hindi rin naman nagtatagal ang kanilang samahan. So, hindi yan kesyo bata, kesyo matanda, ang kailangan ay handa kayong pareho at mahal ninyo ang isa't isa. At kaya ninyong suungin ang kahit na anong bagyo na darating together—hindi nag-iisa, ha, together."

At pahabol pa niya, "At kung maiiwasan n'yo rin na huwag maaga ring mag-aasawa, e, di iiwas-iwasan. Pero kung nandiyan na, may magagawa pa ba tayo? Suportahan na lang natin ang mga anak."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lani Mercado, Bong Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Vince, mahalin mo ang anak ko katulad ng pagmamahal namin sa kanya. Katulad nga ng sabi ng papa niya, ‘Prinsesa namin si Inah [standing in photo].' Take good care of her at huwag mo siyang sasaktan," says Lani Mercado (seated) to her daughter Inah's boyfriend, Vince del Rosario (not in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results