Bong Revilla's birthday wish for Lani Mercado: "Maging mas matatag pa sa mga pagsubok."

IMAGE 0


"Basta kami, hindi kami nagkulang sa aming mgaanak. We gave them the best education, pagmamahal," says Senator BongRevilla about being a parent to his children with Lani Mercado.



Bago pa man makapagpaliwanag ang TV host-actress na si LaniMercado sa Startalk kahapon, April 12, isang phone patch na ang ibinigaypara sa kanya kaugnay ng kanyang pagse-celebrate ng 40th birthdayngayon, April 13.

Sa kabilang linya ay ang asawa ni Lani na si Senator BongRevilla. At ang kanyang wish para sa kanyang maybahay ay, "All the best,para sa kanya at sa kanyang career. At sana mas maging matatag pa siya sa mgapagsubok na dumarating sa buhay namin. Alam natin na hindi..."

Biglang naging tahimik ang linya ni Bong kung kaya't biniroito ni Lolit na, "Umiiyak ka na naman."

Matatandaan na napabalitang umiyak ang senador nangmagpaalam ang kanyang anak na dalagang si Inah na magpapakasal sa kanyangboyfriend na si Vince del Rosario. (Click here to read full article)

"Hindi ako umiiyak," sagot ni Bong. "Basta magingmatatag lang kung ano man itong mga..." muli ay nagkaroon ng katahimikan sakanyang linya.

Maya-maya pa ay muling nagsalita si Bong, "Alam natin,kumbaga yung dinaanan namin ni Lani for the past years, maraming mga pagsubokna dumating pero nandiyan pa rin at matatag ang aming relasyon. And now,there's another pagsubok na dumarating. Anyway, she's going to answer thatlater kung anuman yung naging resulta niyan."

Ang tinutukoy na pagsubok ni Bong ay ang pagdadalang-tao niInah na kanyang inamin nang makausap siya ni Lani sa interbyu ring itokinalaunan. (Click here to read related article)

Patuloy na pahayag ni Bong, "Basta kami, hindi kaminagkulang sa aming mga anak. We gave them the best education,pagmamahal. Alam mo, ang magulang, lahat naman, wala namang naghangad nghindi maganda para sa anak.

"Pero lahat iyan may hangganan, ano? At the end, it'sstill the children that will choose their path na tatahakin nila kaya walangdapat ikalungkot. Yun nga lang siyempre hindi maalis sa magulang namalungkot dahil kasama sa buhay 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero tulad nga ng sinabi namin ni Lani before, kumbaga,pareho kami, we started early din noong mag-asawa kami, she [was] 18, ako naman19, pero naging matatag naman ang aming relasyon up to now despite of all thetrials na hinarap namin."

GOOD PARENTS. Matapos ang pagsasalita ni Bong,sumingit ang talent manager na si Lolit. Aniya, "Isang bagay na dapat mo[Bong] sigurong pasalamatan, ito, Joey, yung lagi kong sinasabi sa mgalalaki, napakaganda para sa isang lalaki kapag nakatagpo ka ng isang mabait nababae. Kasi ang babae talaga ang nagdadala ng relasyon."

Hindi na rin naiwasan ng Startalk host na si ButchFrancisco ang magkomento at sabihin sa mag-asawa na, "Both of you have been very good parents to your children naman."

Aminado si Lani na wala siya sa posisyon upang sabihin nanaging mabuti silang magulang sa mga anak. Ngunit para sa kanya, "Satingin ko naman, kahit papaano, kahit may intrigang napagdadaanan ang mga anaknamin, so far I do believe na I've raised my kids well. Hindi akonagkulang sa pagpapaalala sa kanila dahil ultimo ang buhay namin ay isangehemplo na, isang example na para sa kanila.

"Kung may mga pagkakamali kami, huwag nang gagawin; kung maymga trials kami, tingnan nila kung anong napupulot nilang lessons sa mgatrials na pinagdadaanan namin as husband and wife and as a family."

Pagkatapos ay nagbigay si Lani ng words of encouragementpara sa kanyang asawa, "Pa, tatagan mo lang. Alam ko napaluha ka nangmalaman mo yung magaganap sa susunod na buwan. I know it pains you, kasipanganay nating babae. Pero take it this way, we're gaining a son andsoon..."

Sa kabilang banda, ito naman ang naging panghuling mensaheni Bong para sa ikakasal na anak, "Well, ang wish ko lang na sana, ang dalanginko na sana maging maganda, matiwasay ang buhay niya, 'no? And that God theAlmighty will guide and bless them always.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, napakabait na anak ko 'yang si Inah, one of myfavorite daughters. Siyempre kapag mga babae, sa mga tatay, special ang tinginmo diyan, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN