John Prats clarifies reports that he is moving to GMA-7

IMAGE 0


"Hindi ko nga po alam kung bakit may lumabas na ganoondahil wala naman akong balak umalis sa ABS-CBN. Sa akinpo kasi, hanggang gusto pa ako ng ABS-CBN, sa kanila pa rin ako," says John Prats about reports that he is leaving ABS-CBN to move to GMA-7.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JohnPrats pagkatapos ng successful premiere night ng Manay Po 2: Overload sa SMMegamall Cinema 6 kagabi, April 13.

Everybody congratulated John dahil sa mahusay niyang pagganapmuli bilang isang bading. Kumusta ang feeling na nagustuhan ng mga nanood angmovie at ang acting niya?

"Masaya po at nagsisi sana ako kung hindi ko itotinanggap," nakangiting wika ni John. "Totoo pong nagdalawang-isipako noon dahil paalis ako papuntang States. Gusto ko kasing makasama angkapatid kong si Camille, na nasa Los Angeles noon dahil pregnant nga siya. Angplano po kasi noon, sisimulan na agad ang movie at may playdate na agad. Kayasabi ko, hindi ko na lang tatanggapin. Kaya lang, nagtagal din ako sa States.

"Pagbalik ko, hindi pa rin pala nagawa ang movie, at tinanongnila ako ulit kung puwede ko na raw gawin. Nasa isip ko, baka talagang para saakin ang movie. Sabi ko lang kay Mother Lily [Monteverde] kung puwedeng bigyan niyaako ng isa pang movie after ng Manay Po 2. Pumayag naman siya, at may bago ngaakong movie, ang Loving You [na dating Love Is All That Matters]. Katambal ko ditosi Ehra Madrigal at si Don Cuaresma ang director namin. Last shooting day na ponamin tomorrow [April 15].

"Nag-enjoy po kaming lahat sa shooting ng Manay Po 2,"patuloy ni John, "kaya hindi namin halos namalayan na matatapos na pala ito. Nalungkotdin kami nang malaman namin na last shooting day na pala namin. Maganda po kasiang script ni Kuya Dinno [Erece] at tawa ako nang tawa na may mga sinasabiakong Jewel in the Palace, La Vendetta, Jumong, at may Whammy pa sa mgadialogues ko. Hindi ko po kasi alam kung ano ang mga ‘yon, maliban po sa LaVendetta."

Ang mga naturang titulo ay mga palabas sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT MOVING. Tinanong na rin namin kay John ang unanswered issue noon pana balitang lilipat na siya sa GMA Network. Nasulat din na nagpaalam na rawsiya sa ASAP '08.

"Hindi ko nga po alam kung bakit may lumabas na ganoondahil wala naman akong balak umalis sa ABS-CBN. Sa akinpo kasi, hanggang gusto pa ako ng ABS-CBN, sa kanila pa rin ako," paglilinaw ni John.

"In fact, nagulat nga po kami nina Jason [Gainza] at Zanjoe [Marudo]nang malaman naming magpa-pilot telecast na pala kami ng aming comedy serye na Parekoysa April 28. Papalitan po namin ang Palos. Sa medyo late timeslot na kami, afterng PBB Teen Edition Plus. Kasama namin dito ang napakaraming girls, includingthe White Castle Girls.

"Hindi rin po totoo na nagpaalam na ako sa ASAP '08.Kung talaga pong nandoon ‘yong nagsulat, malalaman niyang hindi ako nagpaalamsa mga kasama ko sa show. Bakit ponaman ako magpapaalam sa programang mahal ko?" pahayag niya.

Natawa si John nang sabihin ng PEP na hindi kasi niya kayangiwanan si Shaina Magdayao na kasama niya sa ASAP '08. Napansin din namin na hindiniya kasama sa premiere night si Shaina. Hindi niya ba inimbitahan ang youngactress?

"Inimbitahan ko po siya, kaya lang may out-of-town showsiya. Mabuti rin po na hindi ko siya nakasama, para magbayad siya kapag nanoodna siya!" natatawang wika ni John.

Nilinaw na rin namin kay John ang bagong intriga sa kanilani Shaina nang umagang iyon ng Sunday. Pinaghahalikan daw niya ang mga braso ngrumored girlfriend noong nagre-rehearse sila ng dance number nila sa ASAP '08.Totoo ba ito?

"Hindi ko pa po girlfriend si Shaina," sabi ni John. "Kahitpo girlfriend ko na siya, hindi po ako mahilig mag-PDA [public display ofaffection] kahit pa gustung-gusto ko na, dahil hindi ko puwedeng gawin ‘yon kayShaina. Sa ngayon po, ang masasabi ko lang sa relasyon namin ni Shaina, I'mvery much happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN