Rosanna Roces explains her outburst at off-track betting station

IMAGE 0


"Hindi ako naman talaga sugarol, e, horse loverako. Hindi ako sugarol talaga, gusto ko tumatama lang lagi," says RosannaRoces who's in a lighter mood days.



Isang kalmadong Rosanna Roces na ang nakausap ng Startalkkahapon, April 12, nang magbigay ito ng pahayag ukol sa naganap na pagwawaladiumano niya sa isang off-track betting station noong Huwebes, April 10, saTandang Sora, Quezon City.(Click here to read full article)

Ayon sa ulat, nagalit diumano si Osang (palayaw ni Rosanna sa showbiz) nang malaman niyang hindi nai-register ngteller ang kanyang taya sa karera na dapat sana ay nanalo ng P20,000.

Una nang naipaliwanag ng teller sa GMA News, "Bawal ho angpaki sa amin. Kasi kung may pera 'tsaka tataya kahit sino pa diyan, kahitkung ano, hindi ko naman siya kilala e, 'tapos through telephone, 'tapos hindipa niya sa akin tinawag [kundi] sa ibang tao."

Iba naman ang naging paliwanag ni Osang sa Startalk. Aniya,ang teller daw ang malidahil hindi niya nai-punch ang kanyang taya.

Nang tanungin siya ng Startalk host na si ButchFrancisco kung ano ang totoong nangyari, isang mahabang salaysay ang binigay niOsang.

"Ganito yun, race two pa lang tumataya na ako," panimula niOsang. "Kasi wala kaming magawa, nagtitiklop kami ng damit. Nagkatuwaanpara sa pabinyag ni Onyok. Hindi ba kapag may buntis suwerte, ‘di ba?

"Besides, hindi naman ako talaga mananaya, I'm a race-horseowner. Nagkataon lang na yung oras na yun, siyempre sa mga owner maytinatawag na ultimo ora, ‘di ba? Yung dehado na alam monglalabas.

"Sa race two pa lang, nanalo na ako, e. Di tuwang-tuwakami. Ang taya ko naman e fifty-fifty [pesos] lang, one hundred-onehundred [pesos] pero ang tatamaan ko siguro is almost forty [thousand pesos]plus. E, di okey na, may pambinyag na siya [Onyok]."

Patuloy pa ng dating sexy actress, "Itong teller na 'to, maytao ako roon, kasi wala na dito sa Don Antonio [Quezon City],nasa Tandang Sora [Quezon City]na yung OTB-pinataya ko. Tumawag ako mismo sa phone, hindi [na-punch] nungteller. Ang sabi niya, walang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Imposible kasi kunwari ako yung teller, Butch, ibibigay mosa akin yung taya mo, kukuwentahin ko, at saka ako magbabayad. Hindi kapuwedeng lumapit sa teller ng wala kang pera."

"SEGURISTA AKO." Matapos nito, naikwento niOsang na kilala na niya dati pa ang teller ng nasabing off-track bettingstation.

"Teller ko iyon dati," pahayag ni Osang. "Tsinugi kodahil nga yung mananaya hindi makataya dahil text nang text at saka masama yungugali. Siguro gumanti o baka siya yung nakinabang doon sa pera, sa tayako, e, hindi niya [na-punch]. Pina-check ko doon sa komisyon, hindi niya talaga[na-punch]. May tao ako doon, e, hindi naman ako ang tumataya doon, e."

Gayundin, sinabi ni Osang na kilala na rin siya ng mga ibapang mananaya sa lugar na iyon. Ayon kay Osang, "Kaya kapag tumataya akodoon, kapag nagpupunta ako doon, sumasabay lahat ng mananaya kasi alam nilamananalo yung taya ko. Hindi naman ako llamadista's dehadista, seguristaako."

"ANG KARERISTA, SANAY MATALO." Dahil sa nangyari,tinanong ni Butch kung ano ang magiging resulta ng hindi niya pagkakuha ngkanya sanang napanalunan.

"Alam mo, ang mga karerista naman, sanay na natatalo,"diretsang sagot ni Osang. Tanging inaalala lamang diumano ni Osang ay kung patuloy namagiging ganito ang situwasyon.

"Ang ayaw ko lang, inaabuso," sabi ni Osang. "Kung akoginanun niya, paano na yung maliliit na tumataya ng beinte, trenta [pesos] paramakabili ng bigas sa pamilya, ‘di ba? Papaano na yung mga yun?

"Yun pala, talagang marami na ring galit doon. Lagi'yan, e, sa tuwing maaano 'yan, pinaalis ko 'yan kasi nga text nang text, soyung mga nakapila, hindi nakakataya."

Dahil na rin sa nangyari, sinabi ni Osang na mas maramingiba pang betting station ang nag-aaya sa kanya upang tumaya sa kanilangpuwesto.

"Alam mo, wala naman yun sa mga mananaya," paliwanag ni Osang. "Simple, nawalan sila ng mananaya, e, ang dami namang tatayaandiyan. Sa nangyari nga, ang dami pa ngayong nag-offer sa akin na, ‘Dito kana lang tatawag,' ganun-ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact, yung kaibigan ko nga galing Saudi [Arabia], nasa Saudi tumatawag. Kung tumaya yun 80,240 [pesos], malakas, kasi maraming pera. Ako nagpapanalo doon, so kapagnanalo pinadadalhan ako ng litson. ‘Ayun, noong nalaman nila yungnangyari, heto, pinadalhan ako ng mga food."

Bukod sa pagiging mananaya, inamin din ni Osang nanag-o-organize din siya minsan ng mga charity race. Aniya, "Member ako ng bayangkarerista.org. I was once a...nanalo ako sa Ultimate Tipster Challengeand besides, hindi ba, ang ninong ko nga is, si Aristeo Puyat, who is one ofthe biggest names in horse racing."

NEWFOUND LOVE. Pagkatapos pag-usapan angtungkol sa balitang pagwawala sa isang off-track betting station, inintriganaman ni Butch si Osang sa diumano'y bagong pag-ibig na kanyang nakita.

"Oo, hindi...paano ba 'to?" nauutal na sagot niOsang. "Kasi ano, e, akala ko nga hindi ko na makikita yung... Isang salitalang ang gusto kong madinig sa isang lalaki, nadinig ko sa kanya."

Agad siyang tinanong ni Butch, "Ano ito?"

Sagot ni Osang, "Yung huminto ka na sa trabaho, ako na lang."

Dahil dito, ayon kay Osang, ang mamahalin na niya habang-buhayay ang kanyang bagong pag-ibig. "Yun ang hiningi ko kay Tito [Molina, herex-husband] na sabihin niya, hindi niya nasabi. Ngayon, may nagsasabi saakin na ganun, e. Mamahalin ko na 'to nang habang-buhay."

Dagdag pang balita ni Osang, anumang oras ay magkakaroon narin siya ng bagong apo sa kanyang anak na lalaki na si Onyok.

Sa huli, tinanong ni Butch kung magkakaroon ba ng triple wedding. Natatawang sinagot ni Osang, "Hindi ba magkakaanak na si Onyokanytime now? So, gusto nilang magpakasal, but then 21 years old yata no exemptions. Si Grace naman, ayaw dahil ayaw akong iwan, so sabi kosabay-sabay tayong tatlo. Ang cute, ‘di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN