Dark marks make Jennylyn Mercado think her baby is a boy

IMAGE 0


"Mother na rin kasi yung nakausap kong friend. Gano'n dawkasi ang mga signs kapag boy ang magiging baby mo. Magkakaroon ka raw ng mgadark spots sa katawan. Well, para naman sa akin ay okey lang kung boy or girlang lumabas. Ang importante ay normal siya at isang happy baby siya," relatesJennylyn Mercado about her baby.



Kahit na nasa ika-fifth month ng kanyang pagbubuntis si Jennylyn Mercado, mapapansin mo na ang tiyan lang niyaang lumalaki pero hindi halata sa kanyang mukha at sa ibang parte ng katawan niya.

Sabi nga ni Jennylyn, hindi siya masyadong palakainunlike noong first trimester niya ng pagbubuntis na marami siyang gustongkainin. Pero hindi pa rin daw siya masyadong nag-gain ng weight. Nadadagdaganlang ang timbang dahil lumalaki na ang tiyan niya.

"Marami nga ang nagugulat kapag nakikita nila ako," ngiti niJen. "Para raw hindi ako buntis. Hindi naman daw kasi lumaki ang mukha ko atpati mga braso at legs ko ay hindi tumaba. Yung tiyan ko lang daw talaga anglumaki. Kung maitatago ko lang daw ang tiyan ko, hindi ako mukhang buntistalaga.

"I'm thankful kasi kahit hindi nagge-gain ng weight angkatawan ko, healthy naman ang baby na dinadala ko. Kakapa-check-up ko langrecently at okey naman ang lagay ng baby ko.

"Nagpa-ultrasound nga ako para malaman ko na ang gender ngbaby. Pero hindi pa makita. Nakaipit daw kasi. Naka-cross yung legs ng baby kokaya natatakpan ang sex organ niya. Para ngang ayaw pa niyang ipaalam sa akinkung girl ba siya or boy. Sa ika-sixth month ko, magpapa-ultrasound ulit ako.Siguro naman by then, ipapakita na niya," masayang kuwento ni Jen.

Dahil nga sa maaliwalas at palangiti si Jen ngayon, may mgahumuhula na girl ang magiging anak niya. Pero nang maikuwento niya sa isangkaibigan na nagkakaroon ng dark spots sa kanyang underarms at biglang nagkaroonng mga dark lines sa kanyang leeg, baka raw boy ang maging baby niya.

"Mother na rin kasi yung nakausap kong friend. Gano'n dawkasi ang mga signs kapag boy ang magiging baby mo. Magkakaroon ka raw ng mgadark spots sa katawan. Well, para naman sa akin ay okey lang kung boy or girlang lumabas. Ang importante ay normal siya at isang happy baby siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PATRICK CALLS. Tinanong namin si Jennylyn kungnagkausap na ba sila lately ng ama ng kanyang dinadalang baby na si PatrickGarcia? Nagkakausap na raw uli sila sa telepono pero never pa raw niya itong nakikita ulit.

"Tumatawag siya paminsan-minsan. Nangungumusta lang namansiya. Sinasabi ko naman na okey ako. Pero hindi ko pa nakikita si Patrick ulit.Matagal ko na siyang ‘di nakikita. Magtu-two months na yata.

"Nalaman ko naman from him na busy na siya ulit. Kasama siyasa Babangon Ako't Dudurugin Kita, ‘di ba? Good for him, kasi he'sworking again. Ako naman kahit buntis, may mga raket pa rin ako. Nagpapasalamat nga ako kayLord kasi hindi Niya talaga kami pinapabayaan.

"Sunud-sunod minsan ang mga shows na ginagawa koout-of-town. Paratinaman ako nag-iingat. Kapag masyado na akong napapagod, may mga tinatanggihanna kaming raket din. Mahirap na at baka mapaano ba ang baby ko."

STILL BUSY AT FIVE.Huling napanood sa GMA Sine Novela na Kaputol ng Isang Awit si Jennylyn.Pero nagkakasunud-sunod na rin ang mga guestings niya sa iba't ibang programsng GMA-7. Just recently ay lumabas siya sa SOP at Showbiz Central.

"Special guest lang naman ako talaga sa Kaputol ng IsangAwit. Ayaw rin nila akong mahirapan sa kalagayan ko. Hindi ako puwedengmagpuyat or abutin ng madaling-araw sa trabaho.

"Naiintindihan ko naman kung walang mabigay na regular showfor me sa ngayon kasi nga buntis ako. Concern lang sila sa kalagayan ko. But Iappreciate yung pagbibigay nila ng guestings sa akin sa iba't ibang shows. Itmeans na hindi ako pinababayaan ng GMA-7."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN