Pia Guanio wants no part in Vic-Riza angle gimmick

IMAGE 0


Pia Guanio at first, says "no comment" regarding the issuelinking boyfriend Vic Sotto to Dobol Trobol leading lady Riza Santos.But later on she says she's already used to hearing Vic being linked to hisleading lady in his every movie.


Hangga't maaari, hindi raw muna nagga-grant ng ambushinterview si Pia Guanio dahil sumusunod lang siya sa sinasabi ng kanyangmanager na si Ms. June Rufino. Aniya, baka magalit daw ito if ever namagpa-ambush interview na naman siya.

Pero out of curiousity, tinanong na rin niya ang PEP(Philippine Entertainment Portal) kung ano ang gustong itanong sa kanya.

Sinabi ng PEP ang sadya nitong kuhanan siya ng reaksyonhinggil sa isang write-up na nagsasabing iba raw ang sweetness na ipinapakitang TV-host-comedian boyfriend niyang si Vic Sotto sa bago nitong leading ladyna si Riza Santos sa shooting ng movie nito with Dolphy.

Maagap na "no comment" muna ang isinagot ni Pia. Perosinundan iyon ng pagsasabi niyang ‘di naman daw talaga dapat patulan pa angisyu.

Ayon kay Pia, hindi pa raw niya nami-meet si Riza nangpersonal, but just the same, alam daw niyang hindi ito totoo. At sanay na rindaw siya na tuwing may bagong movie at leading lady si Vic ay naiintriga ito.

On the other hand, naniniwala naman si Pia na bawat gawingmovie ng boyfriend ay siguradong maganda kaya hindi siya naniniwalang kailanganpa ng anumang intriga tulad nga ng paghingi ng reaction niya about Vic and hisnew leading lady just to sell the movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN