Yilmaz Bektas cancels announced presscon in Istanbul

Apr 14, 2008
"I think nakakaumay na rin puro Yilmaz, Yilmaz, Yilmaz, na lang ang tinatanong sa akin. Sana iba naman," says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas (inset, top). Meanwhile, Ruffa's friend, 1998 Miss Universe 2nd Runner-up Joyce Giraud (inset, bottom) denies rumor linking her to Yilmaz.

Lumipas ang araw ng Biyernes, April 11, pero walang naganap na press conference sa Istanbul, Turkey, para sa isang malaking announcement na sinabi ng Turkish husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Isa raw sa ia-announce dapat ni Yilmaz ay ang pagpa-file niya ng annulment case sa kasal nila ni Ruffa at ang tungkol sa nababalitang girlfriend niya ngayon na si Zuleyka Rivera Mendoza, 2006 Miss Universe.

Naikuwento ni Ruffa sa The Buzz last Sunday, April 13, ang huling pag-uusap nila ni Yilmaz. Sabi-sabi lang daw ang tungkol sa annulment case ng kasal nila ni Yilmaz dahil wala namang natatanggap na kumpirmasyon ang kanyang abugado tungkol dito.

Sa huling pag-uusap nila ni Yilmaz, sinabi raw nito na magiging malayo na siya kay Ruffa at sa Pilipinas. Hindi na rin daw niya itutuloy ang kanyang press conference sa Istanbul. Bukod dito, wala nang sinabi si Ruffa sa The Buzz.

Ani Ruffa, "I think nakakaumay na rin puro Yilmaz, Yilmaz, Yilmaz, na lang ang tinatanong sa akin. Sana iba naman. Anyway, I think time heals all wounds. And in the week that he has been gone, tingnan n'yo po ako, wala na po akong wrinkles, hindi na ako umiiyak. I'm happy and I'm back to my old bubbly self. So, in seven days, I feel fresh now. So sana magtuluy-tuloy. Yun lang ang masasabi ko."

Continue reading below ↓

Tinanong din si Ruffa ng guest co-host sa The Buzz last Sunday na si Anne Curtis if she'll ever fall in love again.

"Of course! I'm still young, di ba?" sagot niya.

Kasunod nito ay binasa naman ni Boy Abunda ang nilalaman ng e-mail na ipinadala ng dating 1998 Miss Universe 2nd Runner-up na si Joyce Giraud, na natsismis din na naging karelasyon ni Yilmaz. Si Joyce ay taga-Puerto Rico rin gaya ni Zuleyka.

Ipinadala ni Joyce ang kanyang email kay Monet Lu, na isang malapit na kaibigan ni Ruffa na naka-base sa San Francisco. Narito ang nilalaman ng email ni Joyce (published as is):

"Usually, I would not comment on this type of false stories but as Ruffa's my dear and longtime friend... I told Ruffie I would only make a statement to clarify this...

"At no time did I have a relationship with Yilmaz... I only know him as the boyfriend-husband of my friend Ruffa.

Continue reading below ↓

"The only purpose for my visit to Turkey was to do a campaign that Ruffa had suggested I did... She had a copy of my entire portfolio and organized it for me.

"Again...at no time did I ever have an affair or any relationship with Yilmaz. Any such allegations are unequivocally false.

"I love Ruffa and she is a dear friend...

"I also love the Philippines!!! When I was there the people gave me so much love they made me feel like I was at home so I hope to go back one day..."

Read Next
Read More Stories About
Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I think nakakaumay na rin puro Yilmaz, Yilmaz, Yilmaz, na lang ang tinatanong sa akin. Sana iba naman," says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas (inset, top). Meanwhile, Ruffa's friend, 1998 Miss Universe 2nd Runner-up Joyce Giraud (inset, bottom) denies rumor linking her to Yilmaz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results