Gabby and KC Concepcion briefly talk about their surprise meeting

IMAGE 0


"Obviously, sobrang excited akokasi dito pa kami nagkita sa ABS-CBN. The last time kaming nagkita, nasaStates pa siya. So, super ganda ng linya namin kahit sandali lang," narrates KC Concepcion about first meeting with father Gabby Concepcion after his homecoming.



Naging very private ang pagkikita ng mag-amang Gabby at KCConcepcion sa ABS-CBN compound noong April 9, two days after KC's 23rdbirthday. Ipinakita sa The Buzz last Sunday, April 13, ang footage kung saanpaalis na si KC pagkatapos batiin ang kanyang ama na nasa Chronicle room ng9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Paglabas ni Gabby sa kuwarto, kung saan may mga ka-meetingsiyang ABS-CBN executives, kinunan siya ng pahayag ng The Buzz nanakaantabay sa pagkikita nila ng kanyang anak na si KC.

"Kani-kanina nandito. Kakaalis lang niya. Ano, talagangnaiyak ako," lahad ni Gabby.

Kinabukasan, April 10, sa story pitching para sa una niyangpelikula sa Star Cinema, ibinahagi naman ni KC ang naramdaman niya sa pagkikitanila ni Gabby.

"Yung talon ako nang talon. Obviously, sobrang excited akokasi dito pa kami nagkita sa ABS-CBN. The last time kaming nagkita, nasaStates pa siya. So, super ganda ng linya namin kahit sandali lang. Bumabaliklagi talaga yung pagkabata ko tuwing magkikita kami," pahayag ni KC.

Dahil hindi nagkasama ang mag-ama noong birthday ni KC lastApril 7, pinaplano nilang magkaroon ng isang maliit na reunion sa susunod nalinggo.

Sa kasalukuyan, naghahanda na si Gabby sa una niyang teleseryesa ABS-CBN na pagsasamahan nila ni Claudine Barretto with Diether Ocampo and AngelicaPanganiban, ang Iisa Pa Lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN