Watch Now

Genesis denies reported breakup of Jericho Rosales and Heart Evangelista

by Nora Calderon
Apr 16, 2008
Genesis head Angeli Pangilinan-Valenciano (not in photo) denies a report that Heart Evangelista and Jericho Rosales have broken up. "Nang umalis si Echo for Malaysia, si Heart pa ang naghatid sa kanya sa NAIA [Ninoy Aquino International Airport]. In fact, I and Heart are planning na bisitahin si Echo sa taping niya sa Malaysia," says Angeli.

Ngayong araw, April 16, ay lumabas ang balitang naghiwalay na diumano ang magkasintahang sina Jericho Rosales at Heart Evangelista after three years. Ang balita ay mula raw sa isang very reliable source, pero nang tawagan ng reporter ang Genesis Entertainment, wala silang ibinigay na statement.

Pinadalhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message ang business manager nina Jericho at Heart na si Angeli Panglinan-Valenciano ng Genesis, thinking that Angeli and husband Gary Valenciano are already in the U.S. for a series of shows.

Instead of replying via text, tumawag mismo si Angeli sa PEP. Mamayang gabi pa pala ang alis nila dahil nagkaroon pa sila ng talk ni Gary sa isang symposium sa PICC for the Philippine Pediatric Society kahapon, April 15.

Itinanggi ni Angeli na break na sina Jericho at Heart.

"Nagulat din ako nang may tumawag sa akin this morning, verifying the issue. Pero sabi ko, it's not true. Siguro may nakaisip lang na baka naghiwalay na sila dahil noon, Heart left with her mom to visit her sisters sa U.S. for three weeks. ‘Tapos nang bumalik sila, si Echo naman ang umalis for the States for three days. And now, nang makabalik naman si Echo, umalis siya ulit at nasa Malaysia na siya taping a teleserye there with a Malaysian actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nang umalis si Echo for Malaysia, si Heart pa ang naghatid sa kanya sa NAIA [Ninoy Aquino International Airport]. In fact, I and Heart are planning na bisitahin si Echo sa taping niya sa Malaysia," paglilinaw ni Angeli.

HEART OUT OF GENESIS. Sinabi rin ni Angeli na ang mommy na ulit ni Heart na si Mrs. Baby Evangelista ang nagma-manage sa career ng young actress. Pero magkatulong pa rin daw sila sa pagkuha ng mga shows and endorsements for Heart.

"Nag-meet kami ulit ng mommy niya last week para sa mga coming TV guestings niya, like sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya," banggit ni Angeli.

Nilinaw rin ni Angeli na hindi nakapirma ng managerial contract sa Genesis Entertainment sina Jericho at Heart.

Paliwanag ni Angeli, "Kasi ayoko namang kung gusto na nilang bumalik sa Star Magic, hindi sila makabalik dahil may contract sila sa amin. Tumulong lang ang Genesis sa kanila habang hindi pa sila maayos sa Star Magic. Ngayong okay na sila, nandiyan lang kami to help, kung kailangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din namin si Angeli kung sa bahay ng parents niya sa Carmona, Cavite, umuuwi ngayon si Heart since magkasundo na ang young actress at ang kanyang ama.

"No, nasa condominium pa rin niya si Heart," sagot ni Angeli. "Hindi siya umaalis doon. Paminsan-minsan, kung may free time si Heart, she stays with her parents during weekends."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Genesis head Angeli Pangilinan-Valenciano (not in photo) denies a report that Heart Evangelista and Jericho Rosales have broken up. "Nang umalis si Echo for Malaysia, si Heart pa ang naghatid sa kanya sa NAIA [Ninoy Aquino International Airport]. In fact, I and Heart are planning na bisitahin si Echo sa taping niya sa Malaysia," says Angeli.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results