Judy Ann Santos feels whole and in no hurry to get married

IMAGE 0


"Honestly, kung may plano, bakit naman namin itatago, ‘diba? Pero hindi naman talaga puwede yung kasal lang. Yung hindi kanakaplano. We're thinking about the future kasi, like, ‘Saan tayo titira? Anokakainin natin?' Dapat lahat yun, nakaplano," says Judy Ann Santos when askedwhy she and boyfriend Ryan Agoncillo have no plans yet of getting married soon.



Ibang kaligayahan ang naidulot sa pagkatao ni Judy AnnSantos ng pelikula niyang Ploning na ipalalabas na ngayong Abril 30. AniJuday tungkol sa movie, "buung-buo" na raw siya dahil sa pelikulang ito at samga mahahalagang taong involved sa pelikulang ito. Wala na raw siyangmahihiling pa para sa kanyang darating na 30th birthday sa May 11.

Biro nga sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal),tila pati pagpapakasal ay nawawaglit na sa isip niya dahil sa pagkahaling niyasa Ploning.

"Hindi naman. Ang kulang pa rin kasi, pera! Ha-ha-ha!"natatawang sagot naman ni Juday.

"Well, siyempre, lahat naman ng babae, ang dream nila aymaikasal, maglakad sa dambana. Pero para sa akin, ayokong magmadali ako.Walang dahilan para magmadali ako. Ayokong magkaroon ako sa sarili ko ngenough reasons para sabihin na, ‘Bakit ba ‘ko nagmadaling magpakasal?' Ayoko ngmay regrets ako.

"So, kami ni Ryan [Agoncillo], ine-enjoy namin ang each andevery moment na magkasama kaming dalawa. Yung kasama namin si Yohan [theiradopted daughter], tine-treasure namin yung mga ganitong moments. Kasisiyempre, once na nag-asawa na kaming dalawa, pumapasok na kami sa buhay naminna mas seryoso. Siyempre, may mababago na rin sa mga ginagawa namin. Masmagiging seryoso. So, ngayon, ine-enjoy lang namin ang lahat."

NO PLANS. Sabi nga ng PEP kay Juday, nakakagulat nangitanggi pa rin niya na may possible wedding na sa pagitan nila ni Ryan by nextyear nang isalang siya sa Lie-Detector Test segment ng Showbiz Central noongLinggo, April 13. Kung sakali man kasing pag-isipan nilang pakasal kahitngayong taong ito, mahaba pa ang 2008 at posible pa. Pero yun pala, even by2009 ay wala pa rin silang planong magpakasal.

Mutual decision or agreement ba nila ni Ryan yun?

"Yeah, pareho. Kasi, pareho naman kami ng nararamdaman sa isa'tisa. Pareho naman kaming kampante sa isa't isa. So, I really don't think namagkakaroon ng isyu. Wala naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, hindi kasi pa namin talaga...honestly, kung mayplano, bakit naman namin itatago, ‘di ba? Pero hindi naman talaga puwedeyung kasal lang. Yung hindi ka naka-plano. We're thinking about the futurekasi, like, ‘Saan tayo titira? Ano kakainin natin?' Dapat lahat yun,nakaplano. Dapat naman, lahat pareho kami ng responsibilities.

"Sa hirap naman kasi ng buhay ngayon, dapat talaga you thinkof the long term already. Hindi lang yung sa gagastusin mo sa kasal. E,yung kasal nga hindi na masyadong abala, mas abalahin mo yung kinabukasan nganak mo at pamilya mo," mahabang litanya ni Juday.

BODY CLOCK. Magti-thirty na nga si Juday ngayong birthdayniya. Sa mga babae raw kasi, may tinatawag na "body clock" na karamihan,nag-aasawa at nagbubuntis na bago pa man mag-treinta dahil sinasabing masmahirap daw manganak kapag may edad na ang babae.

Sa puntong yun, natatawang inamin ni Juday na kahit namandaw siya, kapag naiisip niya ang tungkol sa "body clock" ay may tense factordin.

Aniya, "Siyempre, nate-tense din ako sa ‘body clock' na yun,ayoko na lang isipin. Pero siyempre, ayoko namang isipin na magkakaroon ako ngdiprensiya or something or magkakaroon ako ng problema sa panganganak.

"Pero siyempre, nand'yan naman si Yohan. Pero kung bibigyanako ni Lord ng isa pang anak, super-thank you, Lord, talaga. At saka, siyempre,lahat naman ng babae, gustong magkaroon ng sarili nilang anak."

Dugtong pa niya, "Ngayon kasi, nabuo na ako kay Yohan, nabuona ‘ko kay Ryan. Nabuo na ‘ko ng Ploning. Nabuo na ‘ko ng lahat ngtao. Wala na ‘kong mahihiling pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN