Richard Gutierrez speaks up on KC Concepcion and Dingdong Dantes

IMAGE 0


Richard Gutierrez answers issues about his relationship with KC Concepcion (inset, top) and his reported rivalry with Dingdong Dantes (inset, bottom).



Mukhang seryoso na talaga ang panliligaw ng young actor na siRichard Gutierrez kay KC Concepcion. Nang mag-celebrate kasi si KC ng kanyang23rd birthday last April 7 sa isang beach resort sa Calatagan,Batangas, ay pumunta roon si Richard.

Sa panayam kay Richard ni Allan Diones na lumabas sa AbanteTonite kahapon, April 16, tumanggi ang young actor na magbigay ng karagdagangdetalye tungkol sa birthday party ni KC.

"Ayokong magsalita. Siya [KC] nga, hindi siya nagsasalitaabout her party, ‘tapos sa akin pa manggagaling? Tanungin n'yo na lang siya.Kasi hindi pa siya nagsasalita about her birthday, ‘tapos ako pa angmaglalabas? Nakakahiya naman," pahayag ni Richard.

Kasabay raw ng birthday ni KC ang kaarawan ng dalawangkapatid ni Richard na sina Elvis at Ritchie Paul.

Nang tanungin naman ni Allan si Richard kung ano iniregaloniya kay KC, isang mahabang "secret" ang sinagot ng binata at saka tumawa.Pero sinabi ni Richard na masaya raw si KC sa pagpunta niya sa birthdayparty.

Tawa rin lang ang naging sagot ni Richard sa tanong kung totoong sila na ni KC, sabay sabing: "Saan n'yo narinig? I'm the last toknow! Why am I always the last to know?"

Halata ring umiiwas si Richard kapag tinatanong siya kung inlove siya ngayon.

"I'm in love with my job!" safe na sagot niya kay Allan.

Tungkol naman kay KC?

"Saka ko na sasagutin..." bitin na sagot ng binata.

For Richard, KC is an ideal girl "in all aspects" atnaghihintay lang daw siya ng "right time" para mapa-ibig ang anak nina Sharon Cunetaat Gabby Concepcion.

Marami ang umaasa na magkasama sa isang pelikula sinaRichard at KC. Nagbigay na nga ng feelers ang GMA Films sa Star Cinema for apossible co-production para matuloy ang pagtatambal nina Richard at KC. Undercontract kasi si Richard sa GMA Films samantalang si KC naman ay identifiedsa ABS-CBN at sa Star Cinema siya unang gagawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero positibo si Richard sa pagtatambal nila sa pelikula niKC.

Ayon sa kanya, "Oo, may possibility ‘yon. They're stillcommunicating [about the project]. Sana matuloy, di ba? Yun ang ultimate dreamko talaga. I mean, it's all for the best, e. Sana matuloy."

Sinabi rin ng young actor na napag-uusapan din nila ni KCang tungkol dito at gusto rin daw ng young actress-model na matuloy ito.

STATUS WITH GMA-7. Binasag na rin ni Richard ang kanyang katahimikan tungkol salumabas na balitang muntik na siyang lumipat sa ABS-CBN dahil diumano sa ilangtampo niya sa GMA-7.

Sa parehong panayam sa kanya ni Allan ng Abante Tonite,pinabulaanan ni Richard ang naturang isyu. Aniya pa, siya raw ang hulingnakaalam na may gano'n palang issue tungkol sa kanya.

"Kasi nowadays, bihira akong magbasa ng diyaryo dahilsobrang busy. Sina Raymond [his twin brother] na lang ang nag-a-update sa akindahil sila ang updated sa ganyang bagay. Tinawagan nila ako, paggising ko, itwas all over the newspapers.

"So, hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon. Wala akongplanong lumipat sa kabila, alam nating lahat ‘yon. Hindi dumapo sa utak ko nalumipat sa kabila kahit isang beses," pahayag ni Richard.

Nagpaliwanag din si Richard tungkol sanapabalitang tampo niya dahil hindi siya naisama sa unang pagpapalabas ngsummer plug ng GMA-7. Ayon sa report ay minadali ni Richard ang pag-uwi ngPilipinas mula sa Hollywood, California—kung saan tumanggap siya ng award mulasa First Filipino-American Visionary Awards—para lang mag-shoot ng summer plugsa Bohol, pero tila hindi ito pinahalagahan ng kanyang home network.

"Yung mga ganung bagay," ani Richard, "ako personally, kungano ang ginagawa ng network, I've always said na I'm a soldier of the network,di ba? Kung puwede akong mag-suggest, nagsa-suggest ako.

"Pero yung mga ganung bagay, ang nakakakita no'n, yungmanagement team ko na, e. Ako personally, kung ano yung ginagawa kong trabaho,I do my best at it. And then, kung may mga ganyang isyu, it's not me nanakakapansin, but my management."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero naayos na ang naturang issue dahil prominente naang exposure ni Richard sa ipinalalabas ngayong summer plug ng GMA-7.

Nakatakda ring magbigay ng official statement si Richardtungkol sa estado niya sa Kapuso network next week, kasabay ng contract renewal niya.

"Abangan n'yo next week, may official statement ako. Kasiako na lang ang hindi nagsasalita, e. Nagsalita na si Mommy [Annabelle Rama],nagsalita na si Raymond. Ako naman next week.

"At saka I really wanted to wait for the right time. Kasikung palalakihin ko yung isyu na wala namang katotohanan, e, sayang lang," sabing young actor.

RIVALRY WITH DINGDONG. Early this week ay lumabas angbalitang nag-resign na si Richard sa SOP. Nagdesisyon ang management team niRichard na i-pull out na siya sa naturang musical-variety show ng GMA-7 upangmaiwasan daw ang ilang intriga sa show.

Nilinaw naman ng kampo ni Richard na lalabas pa rin ang young actor sa SOP kapag may promotion siya para sa bago niyang pelikula o TV show,gaya ng grand farewell promo ng Kamandag this Sunday, April 20.

Pero sa panayam pa rin ni Allan Diones kay Richard sa AbanteTonite (April 18), wala pa raw final decision sapag-alis niya sa SOP.

"If ever man na I decide to take a leave, it's my personaldecision. Well, ako kasi, matagal ko nang naisip na Iwork hard during the week and then, sa weekends, wala rin akong time off. So,naisip ko, why not have my time off during the weekends? Para may free time akopara sa friends and family ko. Kailangan talaga ‘yon, e."

Nilinaw rin ni Richard ang balitang may tampo siya sa staffng SOP dahil sa limited exposure na nakukuha niya sa show.

"Ako wala, wala kong tampo sa kanila," tanggi niya. "I mean,they've been working on that show way before I started. So, sa kanila na ‘yon.Kumbaga ako, I'll do my own thing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita rin si Richard kaugnay ng napapabalitang frictionsa pagitan nila ng co-Kapuso artist niyang si Dingdong Dantes. May lumabaskasing isyu na nagtatampo raw ang kampo ni Richard dahil sa magandang exposurena ibinibigay ng GMA-7 kay Dingdong ngayon at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit siya aalis sa SOP.

"Wala, with Dong, wala," diin ni Richard. "At saka naisip kotalaga na I'd rather rest or give time to myself and my family. Kasi ngayon,sobrang busy ko talaga. Like sa primetime shows ko, I'm getting more involvedwith the production and the creative [side]. So, I really want to focus on my show."

Iginiit din niya na wala silang problema o hidwaan ni Dingdong.

"Wala. I know Dingdong is working hard and I'm happy for himkung ano yung status niya ngayon. I have zero grudges for him. I'm happy forhim," saad niya.

Dagdag ni Richard, "At saka maganda nga ‘yon for the networkas a whole, e. At least, sa GMA, ang competition namin, within ourselves. Kungmeron mang competition, it's very healthy, very professional. It's also good.

"Nagkita kami sa birthday party ni Direk Mark [Reyes]. Neverkaming nagpaapekto ni Dong sa mga nangyayari sa showbiz. Kasi kami ni Dong, angtagal na na­ming kilala ang isa't isa. Sobrang tagal na. So, ‘pag nagkikitakami, hindi kami nagpapaapekto kung anuman ang mga lumalabas sa mga diyaryo onangyayari sa mga mana­ger namin. Wala ‘yong epekto sa aming dalawa. Ganu'n akosa lahat ng tao. And I know him better," paniniguro ng young actor.

Pagkatapos ng Kamandag ay sisimulan na agad ni Richard ang susunod niyang teleserye sa GMA-7, ang Asero, na partly ay kukunan sa Dubai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN