Boy Abunda and Sen. Chiz Escudero induct new officers of ENPRESS and Golden Screen Awards

IMAGE 0


Boy Abunda (center, open collar black shirt) encouraged theENPRESS members to be fearless and always write the truth about showbiz,while Sen. Chiz Escudero (center, in black shirt with Armani Exchangelogo) shared his fond memories of the late Fernando Poe Jr.


Matagumpay ang ginanap na oath-taking ng mga bagong halal naopisyal ng ENPRESS (Entertainment Press Society Incorporated) at Golden ScreenAwards kagabi, April 16 sa Baliwag Grill, E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Nahalal sina Ricky Calderon bilang bagong presidente at Roland Lerum as vice president ng ENPRESS, samantalang sina Archie de Calma atNonie Nicasio naman ang kanilang counterpart sa Golden Screen Awards.

Mas naging makulay at masaya ang naturang okasyon dahil sinaSenator Chiz Escudero at Backroom Incorporated top honcho Boy Abunda ang naginginducting officers dito.

Matapos ang seremonya, nagbigay ng mensahe si Boy Abunda sagrupo ng entertainment writers. "Sana huwag kayong matakot ihayag ang anumangmga totoong pangyayari sa mundo ng showbiz, maging malaya sana kayo sapagpapahayag ng mga bagay, at good luck to everybody."

Sa panig naman ni Sen. Escudero, inamin ng opposition senatorna isa siyang movie fan. Ang pinakapaborito niyang pelikula ay ang All MyLife na pinagbidahan nina Aga Muhlach at Kristine Hermosa.

Optimistiko rin ang pagbati niya sa dalawang grupo. "SaGolden Screen Awards at sa ENPRESS Incorporated, nawa'y magampanan nila ngbuong katapatan ang kanilang tungkulin sa movie industry at kaisa nila ako rito, bagama't hindi akopang-showbiz," nakangiting pahayag niya.

REMEMBERING FPJ. "Para sa akin, dapat na magsimula samga taga-industriya ang pagbuhay rito. Matapos niyan, tulungan natin angbuong industriya sa pangkalahatan, pero dapat magsimula pa rin ito sa bawat isasa atin. Kasama nila ako rito dahil na rin sa karanasan at mga naranasan komula nang naging malapit at nakapiling ko ang yumaong si Fernando Poe Jr.

"Bago itong karanasan ko with FPJ, wala akong gaanong ideaukol sa showbiz. Although mahilig ako sa pelikula, doon ko nakuha angpananalita ko ng Tagalog, sa panonood ng pelikulang Pilipino. Masasabi kong masmasaya ang showbiz kaysa pulitika, sigurado ako riyan. Mas magulo rin nangbahagya kaysa sa pulitika, sigurado rin ako riyan. Marahil ay masbayolente lang ang mundo ng pulitika, pero hindi maikakaila na magulo ang parehong mundo at parehong hindi na tayo makakaalisdito. Dahil ito ang layunin natin, ito ang kinagisnan natin, at marahil ay ditona tayo tatanda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbalik-tanaw pa siya sa pagkukrus ng landas nila ni DaKing.


"Kinuha naming ninong si FPJ dahil lamang sa pagkakakilala namin sa kanya sapelikula at una ko siyang na-meet nang naging ninong siya sa kasal namin."

UNREALIZED FILM WITH DA KING. Nabanggit pa niyang mayplano na noon si Da King na isama siya sa pelikula nito matapos ang 2004 presidential elections.

"May nabanggit siya sa akin nung nabubuhay pa siya, perohindi ‘yon ang pinanghihinayangan ko, kundi ang pagpanaw niya kaysa ano pa mangpelikula," seryosong esplika ng senadorna taga-Bikol.

Pero sakaling hindi namatay agad si FPJ, posible kayangnakagawa siya ng pelikula kasama ito?

"Siguro ay mapupuwersa ako o kaya'y magkukumbinsihan talagakami," nakatawang pahayag pa niya.

BILL FOR MOVIE INDUSTRY. Idinagdag pa ni Senador Chiz nasa kasalukuyan ay may mga batas na nakabitin sa senado, na naglalayongmakatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino.

"May pending bill sa senado na magbababa ng amusement taxfrom thirty percent to ten percent. Nasa committee ito ni Senator Noynoy Aquino at angauthor nito'y si Senator Ramon ‘Bong'Revilla."

Ayon pa sa senador, naniniwala siyang makatutulong ito samuling pagpapasigla ng movie industry dahil sadyang iniinda ng mgataga-pelikula ang sobrang laking buwis na ipinapataw sa kanila.

Samantala, ang iba pang opisyal ng ENPRESS ay sina JhayOrencia, Secretary; Maricris Nicasio, Treasurer; Rose Garcia, Auditor; Neil deGuia, PRO; Jun Nardo, Chairman of the Board; with Balot Antazo, Archie deCalma, Lito Mañago as Board Members.

Sa Golden Screen Awards naman ay sina, Joseph Gonzales,Secretary; Lito Mañago, Treasurer; Rose Garcia, Auditor; Balot Antazo, PRO; siJun Nardo din ang Chairman of the Board, with Board Members, Pilar Mateo, ReyPumaloy, at Boy Borja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN