PEP EXCLUSIVE: Sharon Cuneta mastering the art of catnapping

IMAGE 0


Sharon Cuneta sent this photo showing her and Caregiver director Chito Roño bearing the cold, last April 6, their first shooting day in London.



Nakakuha ng panibagong update ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon mula mismo kayMegastar Sharon Cuneta tungkol sa shooting niya sa London para sa pelikulang Caregiver.

Kahapon, April 17, ay nagpadala muli ng text message siSharon eksaktong 5: 53 p.m., Manila time (10:53 a.m., London time). Ikinuwentoniya ang kanyang panibagong adventures sa London. Kasama rin ni Sharon thattime ang kanyang mister na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan at ang cast andcrew ng Caregiver, na magsisilbing 15thanniversary offering ng Star Cinema.

Narito ang text message ng Megastar (na inilalabas ng PEP asis, except for breaks in paragraphing). Isinulat ito kahapon, Huwebes ng umaga,London time:

"Now on our way to a hospital. Kiko is with us in the van,and we're making the most of our last precious hours together in London as he'sflying back to Manila at 6 PM later (but was told he'd have to leave forairport around 1 PM—traffic daw kasi so better safe than sorry!).

"With Kiko and me now are Direk Chito [Roño], Rica "My Baby Girl"Peralejo, Star Cinema producer Edna Medua (our boss here!), my secretary Penny,make-up artist Peachy, ‘anak-anakan' Anna, our London-based driver Brian.

"Wanna get some shut-eye again. This ‘adventure' has taughtme one thing which I think I've mastered: ‘How to take catnaps' (andsuccessfully! Meaning di na minutes minsan! Pag nagbibiyaya si Lord ay orasinaabot! Seat ko sa van ang favorite spot ko. Moving or parked okaywith me!) or ‘Catnapping 101' Hahaha! And that sana maramdaman namin nasaLondon nga kami! At ma-experience namin pagiging tourists! Kasi pag tulog,bihis, kain, etc.—utang our time eh! Hahaha!

"But kahit super bugbog our katawan, excited kami as we seethe movie na nabubuo na. Maganda talaga! But then again, I'm biased eh! Perofeeling ko lang, kahit di ako artista dito, papanoodin ko ito. Hahaha! Get backto u soonest. Big hug! God bless!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ng masayang pagbabalita ni Sharon, humirit uli angPEP. Ngayong umaga ay humingi si Jo-Ann ng litrato para sa PEP readers. Sumagotsi Sharon: "Was thinking nga of sending u mms muna e kasi yon meron ako! Hirapdito makatiyempo ng wi-fi—we are constantly on the move e kasi! Teka will trymmsing u now and then lemme know ok?"

Mabuti na lang at techie ang Megastar! Ok siya sa kunganu-anong pamamaraan ng pagko-communicate. Kung walang Internet connectiondahil kilos sila nang kilos, sinubukan naman niyang magpadala by cell phone multimediamessaging.

Ang lalo pang kahanga-hanga nito, madrama ang ginagawa niyangpelikula sa London. Tiyak na may iyakan at nakakalungkot na mga eksena angpinagagawa sa kanya ni Direk Chito sa mga panahong nanghihingi pa ang PEP nglitrato! Nagme-memorize pa ito ng script, kulang sa tulog, at halos nakatira nalang sa van!

Ngunit eto na! Ngayong 4:30 p.m., Manila time (9:30 a.m.,London time) nagpadala by MMS (cellphone) si Sharon ng litrato niya kasama siDirek Chito. Balot na balot ang dalawa, tulad na rin ng nabanggit ni Sharon sauna niyang text sa PEP noong Wednesday, April 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN