Sunshine Cruz willing to give marriage with Cesar Montano another shot

IMAGE 0


"Mahal namahal ko pa rin si Cesar. Whatever problems ang dumadaan sa amin, hindimaipagkakaila na siya lang talaga ang minahal kong lalaki," says Sunshine Cruz about estranged husband Cesar Montano.



Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang aktres na siSunshine Cruz sa The Buzz kahapon, April 20, tungkol sa hiwalayan nila ng mister niyangsi Cesar Montano. Simula kasi nang pumutok ang balita sa paghihiwalay nila niCesar bago magtapos ang 2007 ay iba't ibang anggulo na ang lumabas sa tunay nadahilan ng kanilang alitan.

Kapwa piniling manahimik at huwag magsalita on TV ng mag-asawahanggang sa lumabas ang balita na nililigawangmuli ni Cesar si Sunshine. Pero sa taping ng bagong show ni Cesar sa ABS-CBN,ang The Singing Bee—na magsisimula na mamayang gabi, April 21, pagkatapos ng KungFu Kids—nagkita at nagkausap ang mag-asawa, na ibinalita ni Sunshine sa TheBuzz.

"Nag-text siya sa driver ko, that if we can talk nga daw.So, sabi ko, since I was around the area, I had a guesting, sabi ko sige dadaanna rin ako. Nagkita naman kami, we talked," lahad ni Sunshine.

Dito inamin ni Sunshine na nanliligaw ulit sa kanya si Cesar.

"Oo, nanliligaw siya, totoo yun," pagkumpirma ng aktres. "Perokahit nanliligaw, paminsan-minsan naman ang nagliligawan din, nagkakaroon parin ng misunderstanding at tampuhan. Kasi there are just some things na hindi nase-settle,hindi napag-uusapan.

"But I'm very thankful that last night, when I met to visithim sa Singing Bee, he did not take his dinner break. And we talked. And that wasthe first ever na pag-uusap namin na naging very healthy at talagang nakatulongnaman."

Ipinahayag din ni Sunshine ang tunay na kalagayan ngkanilang relasyon ngayon ni Cesar.

"I'm also hoping for the best, because uulitin ko, mahal namahal ko pa rin si Cesar. Whatever problems ang dumadaan sa amin, hindimaipagkakaila na siya lang talaga ang minahal kong lalaki... Well, of course, asidefrom my dad. And I'm willing to give it another shot. I'm willing to give itanother try. Because I love him and I know that he still loves me. Kahit minsanpilyo ang asawa ko, alam ko naman na mahal niya ang pamilyang ito," pahayag niSunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible rin daw na magkasama ulit sila ni Cesar sa trabaho.

"Not only movie! Bakit hindi sa isang bahay, di ba?"natatawang sabi ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN