Aubrey Miles admits pregnancy, challenges writer who raised drug issue

IMAGE 0


"Actually, we planned this baby. So this isplanned from the beginning. And when we found out that she's pregnant, ofcourse, we told our family right away. We told our friends right away and, Ithink, it got out. But I think we're different now," says Troy Montero about the pregnancy of girlfriend Aubrey Miles.



Mula sa matagal na pananahimik ay lumabas na angcontroversial sexy star na si Aubrey Miles sa isang live exclusiveinterview sa The Buzz kahapon, April 20, para harapin ang mga isyungkinasasangkutan niya ngayon. Kasama ni Aubrey ang kanyang boyfriend na si TroyMontero.

Ilang buwan na ang nakalilipas nang nabalitang buntis siAubrey. Kamakailan ay nasangkot muli ang pangalan niya sa kontrobersiya dahilsa pagkakahuli raw niya dahil sa paggamit ng cocaine.

Diretsahang tinanong ng host ng The Buzz na si Boy Abunda siAubrey kung totoo nga bang buntis siya.

"Yes, I'm pregnant," pag-amin ni Aubrey. "I'm going on myfifth na by first week of May. Thank you, finally. Matagal na talaga kaminagko-conceive, last year pa, ni Cody [tawag niya kay Troy]."

Magli-limang taon na raw silang magkasintahan ni Troy sadarating na Agosto.

"Parang mas in love kami ngayon. Every day magkasama kami,"nakangiting sabi ni Aubrey.

Excited ba si Troy sa pagbubuntis ni Aubrey?

"Ahh, sobra!" sagot ni Troy. "This is the most... I've beenwaiting 37 years this long. This is our year, the time of our life right now.So, sobra!"

Kuwento ni Aubrey, hindi naman daw siya masyadongnahihirapan sa kanyang pagbubuntis.

"Siguro ‘pag ano lang, sa gabi, yung padating ako ng fourmonths, medyo ‘pag gabi, nine to eleven, nasusuka ako ‘tapos nahihilo ako.Umaarte ako kasi parang hindi normal yung feeling. Pero parang siya [Troy] yungnaglilihi."

Tanong naman ni Troy kay Aubrey: "Ah, actually, I wastelling her, ‘You know what's my favorite food before?'"

"Yeah, mangga, hilaw. And I don't know why is it happening.Normally, I don't eat it [mango]," sagot ni Aubrey.

BREAKING THE SILENCE. Tinanong sila ni Boy kung bakit nanahimik sila ng ilangbuwan bago nagsalita. Mas pinili ba nila na maging pribadong bagay na lamangang pagbubuntis ni Aubrey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, we planned this baby," sabi ni Troy. "So this isplanned from the beginning. And when we found out that she's pregnant, ofcourse, we told our family right away. We told our friends right away and, Ithink, it got out. But I think we're different now. So, we never wanted to makea big issue or, let's say, we're not hiding anything. We never hideanything."

Ayon naman kay Aubrey, "Yeah, we never hide anything naman.‘Nung nalaman namin, tinawag namin yung friends niya, yung friends ko. O,ganyan, ganyan. Hindi itinatago. Talagang feel na feel ko na."

Nalaman na lang daw ni Aubrey na buntis siya nang magta-tatlong buwan na ang kanyang tiyan. After that, may mga nakakita na raw kay Aubrey saPangasinan na maumbok ang tiyan.

"Before kasi, mga four years ago, si Mommy Rose Flaminiano, binigyan niya ako ng house sa may village na binubuo niya para i-endorse ko.Ngayon, wala akong ginagawa, gusto ko magbisi-bisihan, pumupunta ako doon.Inaayos ko. Nilalagyan ko ng mga curtains para busy lang," lahad ni Aubrey.

"That's' how I get my tan. I'm always there. I run aroundthe village," sabi naman ni Troy.

WEDDING PLANS. May plano na rin daw magpakasal sina Aubrey at Troy.

"Well, honestly, it's definitely in our future," banggit niTroy. "But like I said, I wanted to start a family so bad. I just couldn'twait. Well, the baby came first but definitely, hopefully, she say yes and bemarried one day."

Dagdag ni Aubrey, "Actually, may plano naman talaga. Ayokonaman ng ganito, ‘tapos hindi kami magpapakasal. Pero sabi ko sa kanya, afterng pregnancy gusto ko muna. If ever lumaki talaga ako, gusto ko munangmagpapapayat. Sa mga pictures, gusto ko maganda pa rin ako."

"So, I promised to wait till after," singit ni Troy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga next year, mga ganun," dagdag ulit ni Aubrey.

DRUG ISSUE. Nilinaw rin ni Aubrey ang isyu tungkol sa pagkakahuli niyadiumano sa isang bar dahil sa paggamit ng cocaine.

"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga isyu na ito," ani Aubrey. "Hindi na nga ako lumalabas. Nanahimik ako sa bahay. Hindi ako nagsasalita. Peroparang nung marinig ko...may tumawag sa akin. Sabi ko, ‘Saan na naman galingito?'

"Alam ninyo, bago pa ako mabuntis, sabi ko health consciousako. I sleep well. I believe in working out. ‘Tapos ngayon, I hardly drink.Iinom ako occasionally, yes, pero before. Pero ngayong nabuntis ako, ‘taposmagda-drugs ako? Hindi na kapani-kaniwala.

"'Tsaka, Tito Boy, normal akong tao, e. Parang hindi sira angulo ko para gawin yun sa baby na plinano namin, ‘tapos sisirain ko. And, itongpregnancy na ito, para kay Cody [Troy] ito. Sa tingin nila, sisirain ko yungtrust niya and sasaktan ko yung bata?" paliwanag ng aktres.

May ideya ba sila kung bakit lumalabas ang balitang ito?

"I have no clue where it is coming from," sagot ni Troy."It's funny, we're like, you know, obviously we have a baby on the way. We arehealth conscious right now."

Dagdag ni Aubrey, "Especially now, ako mas nag-e-exert ako[ng effort]. I hardly drink. I drink wine, champagne, ganyan. Doon ako mabilismalasing. So ngayon, especially now, hindi ako... Wala akong ginagawa. Lumalabaslang ako with friends, dinner kasi nabo-bored ako siyempre. Pero lalabas ako,open."

"I just want to say," singit ni Troy, "for me this issuecame out of left field. I have no clue how it came out or how it came about."

Kung meron man daw na nangyaring gano'n kay Aubrey, mas mabutingtiyakin ng nagsulat.

"Kasi sa place na ito, marami ang nangyayari," sabi ng aktres. "Kung anuman ang nangyayari, wala ako at alam niya [writer] na hindiako ang sinasabi niya. Ako, I bet my life, hindi ako nagda-drugs, especiallynow na buntis ako. Kaya naiinis kasi ako parang napaka-degrading. Nakakaawa safamily niya [Troy], nakakahiya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, nagbigay ng mensahe si Troy sa mga kamag-anakat kaibigan nila sa U.S.

"For our friends and my family in the States also, this is ahappy moment for us. And then, to have this kind of issues, it really [affectsus]," pahayag ng Fil-Am actor.

Sa ngayon, hindi pa matiyak nina Aubrey at Troy kung meronsilang gagawing hakbang laban sa nagsulat ng balita.

"Kasi yung write-up nabasa ko, yung sinasabi niya, hindi parin siya sigurado. Allegedly or pumunta siya sa police station. So, tatanunginko kung ano ang puwede kasi puwede niyang sabihin hindi naman ako nag-assume naganito, ganyan," saad ni Aubrey.

Sabi naman ni Troy, " If they would clear it up and submitlike a retraction or say an apology, then I don't think there will be aproblem."

If not?

"Most definitely," paniniyak ni Troy.

Ayon naman kay Aubrey, "Hinahamon ko nga ang taong ito nai-prove niya sa tao. Isulat niya ulit kung may isusulat siya. Pero alam ko nawala siyang isusulat dahil hindi totoo yun."

PROMISE OF LOVE. Sa huli, nangako sa isa't isa sina Aubrey at Troy namamahalin nila ang isa't isa.

Troy: "Well, like I said, I've been waiting for this for 37years and I just can't wait. You make me so happy every day. And now thatyou're carrying my child, you know, I love you so much. That's why I'm reallyaffected by these things. But I know wewill be strong and work everything. Ilove you."

Aubrey: "I love you, too. Siyempre, alam mo ‘yan. Sobrangbait nito. Hindi umaalis sa tabi ko, lagi akong tinitingnan. Hindi akopinapakawalan nito kaya wala akong gagawing masama. And you know, I always tellyou, this baby is for you and siyempre, for me rin. Pero more of you kasitalagang gusto na talaga niya. Puwede akong maghintay, pero sa kanya talaga ito.And believe I won't hurt your baby and you know I always love you. Thank youfor everything, for being understanding."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN