Sam Milby happy for Piolo Pascual; apologizes to Marianna del Rio

IMAGE 0


Sam Milby says his close friend Piolo Pascual is not gettingany younger and should find someone really meant for him.



Awtomatikong nag-bail agad ng P10,000.00 ang beteranongmanunulat at talent manager na si Lolit Solis matapos ibaba ang warrant ofarrest sa kanya. Kaugnay ito ng kasong libelo na isinampa ng magkaibigang SamMilby at Piolo Pascual laban sa kanya. Nag-file na rin ng motion to squash angkampo ni Lolit laban sa kaso.

Sinubukang kunin ng PEP (Philippine Entertainment Portal)ang reaksyon ni Sam sa naging aksyon ni Manay Lolit at lawyer nito, pero tumanggina lang si Sam na magkomento.

"I can't really comment on anything. I've been informed byour lawyer to just not comment about the case, because it's in the court na.So, let's just leave it at that. Basta all I want is what is right."

PIOLO'S "GIRL." Kamakailan ay inamin ng malapit nakaibigan ni Sam na si Piolo Pascual na may nakilala itong babae sa VictoryChristian Fellowship. Balak na nga raw ligawan ni Piolo ang babae. When weasked Sam about this, he expressed his happiness and wish na sana nga ay angbabaeng nakilala ni Piolo at siyang nakalaan na babae para rito.

"I didn't know that," na-surpresang tugon ni Sam sa amin."But I'm very happy for him. I think that's something that a lot of people iswaiting for him. He's not getting any younger. Basta happy ako for him."

Pinag-uusapan ang maiinit na eksena ni Anne Curtis with AgaMuhlach in When Love Begins ng Star Cinema. Sa tanong namin kay Sam kung‘di ba siya nakaramdam man lang kahit kaunting selos kay Aga, he assured to usna alam niyang trabaho lang ang lahat.

"It looks good, it looks like a good movie. I don't getjealous, trabaho lang ‘yan and I understand that."

GETTING MARRIED. Sa huling interview kay Anne aynabanggit nito na maybe three to four years from now or pagtuntong nito ng26 years old ay mag-aasawa na ito. Pahapyaw pang nabanggit nito na nakita nanito kay Sam ang lalaking gusto nitong makasama for the rest of her life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita na rin kaya ni Sam kay Anne ang isang ideal wife? At tuladni Anne, handa na rin kaya itong pumasok sa pag-aasawa tatlo o apat na taonmula ngayon?

"I will be 27 years old three years from now, not a bad ageto get married. Ideal age for me to get married would be late 20s or mga 30s.For me it doesn't really mater. If you're with the one you love and you'reabsolutely certain that this is the person you want to spend the rest of yourlife with, why not? Saka siguro you wanna make sure you can support the familyat the same time."

As for Anne, "For me, Anne is wife material, definitely."

FLIRTING WITH MARIANNA. Sa pagkaka-link kay Mariannadel Rio na sa mga lumabas na mga balita ay idenenay raw ni Sam, nagpahayag angyoung Brazilian model ng pagkadismaya at pagka-offend kay Sam. Lalo na nanglumabas ang salitang "simply flirting," na nabanggit daw ng aktor nang ipa-describedito ang naging relasyon nila ni Marianna.

Mapagpakumbaba namang humingi ng paumanhin si Sam kayMarianna kung na-ofend nga raw niya ito.

"I'm so sorry if she got offended. But I just want to makeit clear again, na we really didn't have anything, just friendship lang talaga.I never courted her, nothing at all. When I met her, I hardly knew [her] pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN