Kris Aquino makes sure Baby James's future is secured

IMAGE 0


Kris Aquino sets aside part of Baby James's earnings asproduct endorser for his education and trust fund.


Nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang bunsong anak ni KrisAquino kay James Yap na si Baby James. Ekslusibong nakunan ng The Buzzang coverage ng selebrasyon ng first birthday party ni Baby James na ginanapnoong Sabado, April 19, sa bahay nila sa Pasig City.

Maagang nagising that day ang mag-inang Kris at Baby James.Ipinakita sa The Buzz ang ginawa nilang paghahanda sa birthday ni BabyJames mula sa gifts, souvenirs, giveaways hanggang sa pagkain.

"We didn't want something very big na hindi nagkakakitaan lahat ng tao. So, we really just chosepeople na either nakalaro na niya, kaibigan namin talaga or relatives namintalaga.

"Ako, because yung condition ng mom ko, so we couldn't do itin a big venue."

Barney-inspired ang naging theme ng party dahil paborito niBaby James ang naturang children's show character.

"Favorite niya! Kasi nanood sila nung December, nung pumuntadito and talagang the entire time na nanood siya, nakatayo siya. Clap nangclap. Yun yung favorite niya talaga. That's why we wanted Barney.

"Ang mga pagkain naman sa children's party, si Kuya Josh[Joshua, her other son to actor Phillip Salvador] ang nag-request. Si Josh anggusto niya French fries, corn dog, yung lemonade. Kasi sabi ng mom ko, we hadto make sure na hindi ma-feel ni Josh na parang hindi na siya pinag-aaksayahan ng panahon. So,yung Dippin' Dots, favorite nilang magkapatid yun. Yung Candy Corner atcookie-decorating, bigay ng sisters ko."

Kabilang sa mga dumating sa first birthday party ni BabyJames ang malalapit na kaibigang artista ni Kris, tulad ni Claudine Barrettowith kids Sabina and Santino, QuezonCity Councilor Aiko Melendez with Martheena, Sunshine Cruz with her threedaughters, Dawn Zulueta, at si Lucy Torres-Gomez. Nagbigay rin sila ng mensahefor Baby James sa The Buzz.

"Happy birthday, Baby James! My prayer is for you to grow upto be as wonderful as your mom and dad. I love you, inaanak! Ninang loves you,Sate and Sabina loves you," mensahe ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bumati rin si Aiko kay Baby James, "I'm pretty sure you'llgrow up to be an obedient baby to your Mommy Kris and Daddy James. ‘Pagmalaki-laki ka na, baka puwede kita i-pair-up kay Marthena. Ha-ha-ha!"

"Happy first birthday sa isa sa pinakapaboritong kalaro ngaking three girls! Hope that all your wishes come true," sabi ni Sunshine.

"Ang birthday message ko kay Baby James, tuluy-tuloy na goodhealth ‘coz you're so blessed alredy. You have such loving parents. Happybirthday, Baby James," bati naman ni Dawn.

"Happy, happy birthday, Baby James! You have such wonderfulparents so I know already na you'll grow up to be a wonderful, handsome littleboy," pahayag ni Lucy.

Ibinahagi rin ni Kris ang birthday gift niya kay Baby James.

"Actually, gift niya yun sa sarili niya. Kasi hinati ko.Meron siya bale apat na endorsements niya. Hinati ko yung earnings niya into atrust fund that he'll get when he's 25 [years old]. Kalahati nun para saeducational fund niya na ni-lump-sum payment namin from Grade 1 until college.Bayad na.

"I think that's the best gift we can give as parents. ‘Tapospromise ko sa two boys, kay Josh at Baby James, na as long as medyo stable‘yung condition ng mom ko, punta kami ng Hongkong Disneyland. Yun ang promiseko sa kanila."

Sa ngayon hindi na raw naaalala ni Kris ang sakit nanaranasan niya noong ipinagbubuntis niya si Baby James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN