Alfred Vargas says he and ex-girlfriend LJ Reyes have moved on already

IMAGE 0


Alfred Vargas says about playing a merman in Dyesebel, "Bukodna I consider it a challenge to play the role, masarap din gawin. At saka pararin makita at mapanood ako ng mga bata in a different way. Palagi na langkasing serious drama ang ginagawa ko, so ngayon fantasy naman na may kontingdrama ang character ko."



Pinaghandaan nang husto ng sexy actor na si Alfred Vargasang kanyang role bilang si Erebus—ang merman mula sa kaharian ng karagatan nalihim na umiibig kay Dyesebel, na ginagampanan ni Marian Rivera—sa pinapabagongtelefantasya ng GMA-7, Dyesebel.

"Nag-training kami underwater. Nag-workshop kami. Masarapkatrabaho si Direk Joyce Bernal sa taping. Nag-research din ako tungkol saDyesebel," pahayag ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, April 21, sa presscon ng Dyesebel na ginanap sa poolside ngSofitel Hotel.

Napanood daw ni Alfred ang Dyesebel movie (1990) na pinagbidahan niAlice Dixson, gayundin ang ilang eksena sa Dyesebel film (1973) na ginawa ni VilmaSantos.

ALFRED AS A MERMAN. Hindi naman daw masyadong nahihirapan si Alfred na isuot angkanyang buntot. Kung noon daw ay inaabot ng sampung minuto bago nila ito maisuot,ngayon daw ay kaya na ito in four minutes.

Ano ang mahirap sa role na ginagampanan niya bilang isangmerman?

"Sobrang hirap ang shooting!" bulalas niya. "Nag-trainingkami underwater. Lumulubog kami underwater ‘tapos may pabigat pa ang mga buntotnamin. Mahirap mag-swim na may buntot kasi kailangan dolphin kick ang style ngpaglangoy, ‘tapos kailangan pa naman i-hold ang breath namin for about 30seconds para makakuha ng magandang shot.

"Okey naman ang training na ibinigay at nag-enjoy ako. Matagaldin naman ang training. Ilang months before mag-taping, pini-prepare na nilakami, so okay naman. Saka swimmer naman ako nung bata ako, so parang inisip kona lang sa memory how I used to swim before. Parang bumalik na lang ako sapagkabata at saka enjoy ako underwater," lahad ni Alfred.

Okay lang ba sa kanya na gumanap na isang merman?

"Okay naman sa akin ang role bilang merman," sagot niya. "Bukodna I consider it a challenge to play the role, masarap din gawin. At saka pararin makita at mapanood ako ng mga bata in a different way. Palagi na langkasing serious drama ang ginagawa ko, so ngayon fantasy naman na may kontingdrama ang character ko. I am very glad na GMA-7 got me for this role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpagupit pa si Alfred ng maiksi para bumagay ito sakanyang role bilang merman. Noon daw kasing mahaba ang buhok niya, mukha rawnakakatakot ang hitsura niya sa mga underwater scenes nila. Lumulutang-lutangdaw kasi ang buhok niya and he kinda looked menacing kaya nag-decide siya namagpaputol ng buhok. Nakabuti naman dahil mas bumata siya sa kanyang itsura atbumagay ito sa role.

BODY TO DIE FOR. Kapansin-pansin ang magandang pangangatawan ngayon ni Alfredkaya tinanong siya kung nakikipag-compete ba siya sa pagandahan ng katawan withhis co-stars—like Dingdong Dantes, Aljur Abrenica, and Marco Alcaraz—na pawangmagaganda ang hubog ng katawan. Pero sinabi ni Alfred na wala naman daw siyangspecial diet na sinusunod to maintain his good physique. Medyo late na nga rawniya naisipan na mag-workout. Iniba lang daw niya ang kanyang eating habits, althoughhe's not following a strict diet.

"Nagtutulungan nga kami tungkol sa workout. Saka fan dinnaman ako ng Marimar kaya I am really proud to be part of this production kungsaan balik-tambalan kaming muli ni Marian," wika ni Alfred.

Masaya siya dahil natupad ang wish niya na makatrabahongmuli si Marian, pagkatapos ng soap opera na Muli.

"Masaya ako sa role kasi maganda ito. Secret admirer ako attagapagtanggol ni Dyesebel dahil inaapi siya sa kaharian namin. So in the end,ako pala ang talagang matatakbuhan niya. Ako pala ang talagang nagtatanggol sakanya na hindi niya alam," kuwento ni Alfred.

VERSATILE ACTING. Masaya raw siya ngayon dahil marami siyang trabaho. Tatloang shows niya sa GMA-7; namely Nuts Entertainment, which is a comedy; E.S.P.na suspense-horror ang genre; at Dyesebel na fantasy.

"Iyan ang maganda sa acting, kasi I get to show myversatility as an actor. I am doing comedy, horror and suspense, ‘taposDyesebel is fantasy-drama. So feeling ko, nae-exercise ang versatility ko.Slowly these opportunities are letting me become a versatile actor. I am verygrateful but I am enjoying every assignment that is given to me. Pero parangmas mahirap pa nga ang comedy kung minsan. Mas mahirap pala magpatawa," wika ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Alfred na may naka-schedule siyang movieproject within the year, pero gusto muna niya mag-concentrate sa Dyesebel. Althoughkung maganda ang role, gagawin niya ang project.

SINGLE BACHELOR. Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"I am bachelor," sambit ni Alfred. "I am a single bachelor.Minsan kasi ‘pag pagod ka, parang nakakatamad lumabas. Pero mayroon akong mgafriends. Nagdi-date kami, minsan group date or dating talaga. Wala akong steadydate. For now, gusto ko muna magpahinga. Actually, I feel lighter now. I amenjoying my tapings and I feel a lot better now. I am able to concentrate satrabaho ko."

Five months after they broke up, the last time na nakita niAlfred ang ex-girlfriend niyang si LJ Reyes was about three weeks ago sa SOP, angSunday noontime show ng GMA-7. Okay naman daw sila ni LJ.

"I am very happy with everything and I think she's happy, too,"sabi ni Alfred. "If there's such a thing as a perfect breakup, maybe this is itkasi okay kaming dalawa. Okay naman ang breakup namin at masaya kami para saisa't isa. Naka-move na kami pareho which goes to show na tama ang desisyon naginawa namin. Mahirap magsalita ng tapos tungkol sa reconciliation, perofeeling ko, this time naka-move on na talaga kami. She's happy and I am happyfor her."

Nang may muling magsabi kay Alfred na maganda ang kanyangkatawan, lalo na kanyang dibdib, ‘eto ang sagot niya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Inaalagaan natin ang dibdib ko kasi ‘yan angnagpo-protect sa puso ko, para hindi na masaktan. Hindi naman ako nasaktan sabreakup namin. Sabi ko nga, perfect breakup kasi naka-move na kami saka doonniya ipinakita na she's a real woman on how she handled everything. Ako naman,feeling ko everything went okay naman although mahirap for us noong una. Ithink we're better people, better individuals," pagwawakas ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN