Marian Rivera unconcerned about being called GMA-7 queen or princess

IMAGE 0


"Hindi po mahalaga saakin kung ako yung reyna or prinsesa ng [GMA-7]. Ang importante sa akin, marami kamingnapapaligayang tao at bawat trabahong ginagawa namin ay sinusubaybayan ng mgatao. Yun ang pinakamahalaga sa akin," says Marian Rivera.



Hindi maikakailanggrandioso ang ginawang presentasyon ng GMA-7 para sa launching ng fantaseryengDyesebel kagabi, April 21. Dumayo pa sa poolside ng Sofitel Hotel sa Roxas Blvd. ang entertainment press para makita ang dalawang magkaibang mundo na matutunghayan sa serye. Ipinakita rin ang mga cast na naka-costume at may mga sirena rin na lumalangoysa pool habang ipinapakilala sila.

Kaya naman halataang matinding katuwaan sa bida ng Dyesebel na si Marian Rivera.

"Nagpapasalamat pokami dahil sa tulung-tulong po ng lahat ng tao na mai-launch ang Dyesebel, naito ay naging successful. Siguro dahil din po sa lahat ng mga tao talagana tumutulong at sumusuporta sa amin," pahayag ni Marian nang makausap siya ngPEP (Philippine Entertainment Portal).

UNIQUE EXCITEMENT. Ayon kay Marian,magkaiba ang excitement sa Marimar launching noon, atngayon sa Dyesebel.

"Actually, iba namanyung Marimar dito," sabi niya. "Yung Marimar kasi, doon ako unang nakilala.Itong Dyesebel, sobrang challenging nito sa akin. At sobrang excited din ako namaipakita ito sa mga tao."

May pressure ba sakanyang mahigitan pa ng Dyesebel ang tagumpay ng Marimar?

"Ayoko na pongisipin ang pressure," sagot ni Marian. "Ang iniisip ko na lang po, kung paanopo ba namin mapapaligaya ang mga tao, tulad ng sa Marimar. Actually, noongpinanood namin ang MTV, kinilabutan talaga kami na, "Wow, sobrang gandatalaga!"

Ibang-iba raw angcharacter nila ngayon ng kapareha niyang si Dingdong Dantes dito sa Dyesebel asthe title character and Fredo kumpara kina Marimar at Sergio sa Marimar.

"Sobrang ibang-ibapo talaga! Ang layo, e. Si Marimar, parang inosente; ‘eto [Dyesebel], sobrangpilya niya na makulit, although may alam siya."

Madali bangmakaka-identify ang mga tao sa kanya ngayon as Dyesebel dahil kailan lang nanawala sa ere ang Marimar?

"Ayokong sabihin naoo o hindi. Basta ang priority namin ni Dingdong ay mapaligaya ulit ang manonood, na magustuhan nila kami as Fredo and Dyesebel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod-tanging angkay Alice Dixson ang napanood niya sa past Dyesebel movies kaya hindi rin dawsiya masyadong makapag-comment kung ano ang magiging kaibahan ng version nila.

"Ako kasi, hindi akomasyadong makapag-comment... Yung napanood ko lang kasi, yung kay Alice Dixson.Ang masasabi ko sa kanya, napakaganda niyang sirena at napakagaling niya ringlumangoy."

UNDERSEA ACTING. Ayon kay Marian,nahirapan talaga siyang umarte sa ilalim ng dagat.

"Medyo nahirapan akonoong una. Yung pagngiti-ngiti, yung pagdilat ng mata, medyo nahirapan ako.Pero habang tumatagal yung taping namin, nasasanay ako. At mas masarap talagana yung trabaho mo, habang ginagawa mo ay ine-enjoy mo," lahad ng youngactress.

Usap-usapan din angpag-topless niya as Dyesebel.

Ayon kay Marian, "Aynaku, basta ang masasabi ko po riyan ay well protected po ako at malaki po angtiwala ko sa mga taong nakapaligid sa akin."

Natatawa lang siMarian at ang paulit-ulit na katagang "basta po" ang sagot niya nang tanungintungkol sa balitang nag-reshoot sila dahil may mga eksenang nag-"hello" angkanyang nipple.

"Wala pong nag-hello,nag-hi lang po!" tawa niya. "Actually, sa shoot naman po, umaalis naman ang mgahindi kailangan. At saka wholesome naman. At saka alam ko naman, kapag maynakikitang hindi maayos, sila mismo sinasabi nila yun. Basta ako, nagtitiwalaako at malaki talaga ang tiwala ko sa lahat ng tao roon at sa directors ko [Joyce Bernal and Don Michael Perez] nakahit nakaganoon ako, poprotektahan nila ako."

Idiniin din niMarian na wholesome ang Dyesebel.

"Pambata,pang-matanda... Kahit anong age, talagang para sa kanila. Ginawa naming wholesomeat kaengga-engganyong panoorin."

CLOSER FRIENDSHIP. Sa ikalawangpagsasama raw nila ni Dingdong dito Dyesebel, aminado si Marian na mas lalosilang naging malapit na magkaibigan ng young actor.

Naitanong ng PEP kayMarian kung anong formula nga ba meron sila ni Dingdong na kahit open sa publikona may iba silang pag-ibig in real life, tanggap na tanggap pa rin sila ngpubliko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami kasi ni Dingdong,transparent kami sa isa't isa, e," paliwanag ni Marian. "Yung problema niya,kung masaya siya, sinasabi niya. Ganoon din ako sa kanya. Open ako sa lahat ngbagay. Nagtitiwala siya sa akin at nagtitiwala ako sa kanya. Siguro yun angpinakamaganda sa lahat, yung may tiwala kayo sa isa't isa at nagtutulungankayo."

Maagap naman ang pakiusapniya na huwag na lang pag-usapan ang totoong lovelife niya. Aniya, "Balaton'yo na po sa akin yun. Huwag na po natin siyang pag-usapan. Dyesebel na langpo."

When it comes toKarylle naman daw, Dingdong's girlfriend, ay wala rin daw silang problema nito.

"Alam n'yo po, isalang ang bagay na palagi kong sinasabi, sobrang nirerespeto ko sila ni Dingdong.Kaya maganda ang relationship namin ni Dong at maganda rin ang relationshipnamin ni K [palayaw ni Karylle]. Kaya wala kaming problema. Basta kami, okay pokami."

RELUCTANT ROYALTY. Sa kabila ngpagiging successful ng Marimar at ngayong nakuha niya ang role na Dyesebel, hindipa rin daw iniisip ni Marian ang mga titulong reyna or prinsesa ng Kapuso network.

"Ay, ayoko pong sabihin na reyna ng GMA! Siguropo ang makakapagsabi niyan ay ang mga tao na lang. Pero hindi po mahalaga saakin kung ako yung reyna or prinsesa ng GMA. Ang importante sa akin, marami kamingnapapaligayang tao at bawat trabahong ginagawa namin ay sinusubaybayan ng mgatao. Yun ang pinakamahalaga sa akin," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN