Tension between Alessandra de Rossi and Rhian Ramos intensifies

IMAGE 0


Alessandra de Rossi's (right) recent verbal jab against Rhian Ramos (left) rekindles the longtime feud between the two Kapuso stars.


Bagama't parehong vocal si Alessandra de Rossi at ang kanyang fellow Kapuso star na si Rhian Ramos sa pagsasabi na ayaw nilang patulan ang isa't isa, tila kabaliktaran naman ang nagiging end result nito sa media at sa maraming tao.

Nauna nang nailathala ng kolumnistang si Jun Lalin noong Lunes, April 21, sa kanyang column sa Abante Tonite na tinawag diumano ni Alessandra na "monster" si Rhian.

Sinasabing nag-ugat ang alitan ng dalawa last year matapos diumanong magpakawala ng biro si Rhian sa set ng napurnadang GMA-7 show na Love Pow. Hindi raw nagustuhan ni Alex (nickname ni Alessandra) ang biro ng co-star at napikon ito nang tuluyan. Sa sobrang inis nga raw ni Alex ay nagawa nitong ibato ang hawak na cell phone.

Nagsabi naman siya ng sorry, depensa ni Rhian. Ngunit hindi raw tinanggap ni Alex and kanyang apology kaya hindi na rin siya nagpilit na humingi pa ulit ng dispensa.

MOST HATED. Muling naungkat ang gap ng dalawa matapos sabihin ni Alex sa Showbiz Central na "most hated" niya si Rhian dahil daw sa pagiging sinungaling nito.

"Alam niya kung bakit ako galit. Nakakairita lang," dagdag ni Alex kay Jun Lalin nang personal na magkausap ang dalawa matapos ang nasabing guesting ng dalaga.

Agad namang ipinarating kay Rhian ng isa pang Abante Tonite columnist na si Allan Diones ang naging pahayag ni Alex laban sa kanya. Noong una raw ay tinawanan lamang ni Rhian ang komento ni Alex, subalit sa huli ay napagtanto rin nito na seryoso ang nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi sa mga binitawang salita.

"I'm so sorry. Alam mo naman na usually hindi ako humihindi sa inyo," sagot ni Rhian sa text message nito kay Allan. "Pero for the first time, pwedeng no comment na lang po?"

Kagagaling lamang ni Rhian sa Europe kung saan ay kasama siya sa soon-to-be-shown movie na I.T.A.L.Y. Inamin ni Rhian na nagulat siya at muli na namang naungkat ang matagal nang issue na namamagitan sa kanila ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nananahimik lang po ako sa Italy, e. Pag-uwi ko, may ganyan. Parang ayaw ko na pong patulan. Sorry," pahabol na mensahe ni Rhian kay Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN