What caused Jennylyn Mercado's stress?

IMAGE 0


She's five months pregnant. Yet Jennylyn Mercado is not spared from controversies and intrigues, the most recent linking her name to VJ Andrei Felix.


Stress ang isa sa mga sinasabing dahilan ng biglaang pagsugod kay Jennylyn Mercado sa St. Luke’s Hospital noong Linggo ng gabi, April 20. Hindi na raw nakayanan ni Jennylyn ang mga negatibong balita na ibinabato sa kanya sa gitna ng kanyang pagbubuntis.

MALICIOUS RUMORS. Kinumpirma naman ito ng isang source mula sa GMA Artist Center.

"Na-stress siya sa mga tsismis, tulad na lang yung may bagong guy siyang dine-date, which is not true," ayon sa nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)

Ang tinutukoy na "guy" ay si Andrei Felix, isang VJ at dating talent ng Star Magic. Ayon sa report ni Chan-Chan Torres sa Journal (Abril 23), namataan daw si Jennylyn na kasama si Andrei sa Tagaytay kamakailan.

May mga nagsasabi ring nakita raw ang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa Greenhills.

Dinamdam ni Jennylyn ang mga writeups, ayon sa ating source: "Kada labas niya, binibigyang kulay. Lahat na lang ng ginagawa niya... Hindi na raw sila naawa sa baby niya."

"STRESSFUL" TEXT MESSAGES? Taliwas naman ito sa pahayag ng isang tao na malapit sa 20-year old actress. Ang tunay na dahilan daw ng pagkaka-ospital ng young actress ay dahil diumano sa walang patid na pagpapadala ng mga text messages ni Patrick Garcia, ang ama ng bata, kay Jennylyn.


Sabi ng informant, “Sobrang disappointed si Jennylyn kay Patrick. Makikita na napaka-bitter niya kapag nabasa mo ang mga text messages niya kay Jennylyn. Grabe ang mga text niya kay Jennylyn.

“Tapos nung napanood pa ni Jennylyn yung The Buzz, text pa rin nang text si Patrick sa kanya. Ina-advice na nga si Jennylyn ng manager niya [Becky Aguila] na magpalit ulit ng number para hindi siya ma-harass ni Patrick kahit ngayon man hanggang sa makapanganak siya.

“Kasi knowing Patrick, malalaman at ipaghahanap pa rin niya ang number ni Jennylyn. Ilang beses ng nagpalit ng [cell phone] number si Jennylyn, lagi rin niyang nakukuha. But at least, matatagalan ulit bago niya malaman ang number ni Jennylyn. And hopefully, hanggang makapanganak na si Jennylyn bago niya malaman, para naman mapanatag ang kalooban niya kahit ilang buwan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat ang mas intindihin ngayon ni Patrick ay yung kalagayan ng bata sa tiyan ni Jennylyn at hindi yung tsismis. Hindi ba niya naisip na at stake ang buhay ng bata sa pinagagagawa niya?” ang mahabang pahayag ng source.

PATRICK'S SIDE. Tinawagan ng PEP ang manager ni Patrick na si Arnold Vegafria.

"Patrick just arrived from Boracay for an event with Velvet Rose and Cinema One yesterday [April 21]," panimula ni Arnold.

Nang usisain siya tungkol sa madalas na pagte-text umano ni Patrick sa dating kasintahan, may halong pagtatakang nasabi nito, "Nag-change ng number si Jennylyn, paano mangyayari yun?"

Dagdag pa niya, "We already closed the issue [in YES! magazine, April issue]. The guy is a gentleman, and that's not his style." At sa mga ganitong pagkakataon, dehado raw si Patrick kasi kahit ano ang ibato sa kanya—totoo man o hindi—hindi raw ito magsasalita. In the process, damay rin daw si Jennylyn na "pregnant woman at lalong walang kalaban-laban."

Pinili na lang ni Arnold na huwag nang pahabain ang isyu, ayaw daw nitong makadagdag pa sa stress ni Jennylyn.

Isa pang tao na mula sa kampo ni Patrick ang nagsabing bihira na raw magkausap sina Patrick at Jennylyn. At ito naman ay nabanggit din ng first female winner ng StarStruck sa artikulong "Dark marks make Jennylyn Mercado think her baby is a boy," na lumabas ng PEP noong ika-14 ng Abril.

Ani Jennylyn, "Tumatawag siya paminsan-minsan. Nangungumusta lang namansiya. Sinasabi ko naman na okey ako. Pero hindi ko pa nakikita si Patrick ulit.Matagal ko na siyang ‘di nakikita. Magtu-two months na yata."

So ano nga ba ang talagang dahilan? Alin ang totoo?

Kayo na lang ang humusga. Pero ito ang totoo, masama talaga ang stress sa dinadalang baby. Nasulat nga sa isang health online publication na http://www.newscientist.com/ "Stress can make pregnant woman miscarry" —kaya ang pinakamaigi para sa five-month old preggy na si Jennylyn ay tantanan muna ng mga tao ang pag-iintriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN