Rafael Rosell feels how Star Cinema and ABS-CBN take good care of him

IMAGE 0


"I have to be contented. Marami pa akong puwedengmagawa, pero sa ngayon, I consider these things as blessings already.Magpapasalamat na lang ako. I am not in the position to demand for more," says Rafael Rosell about how happy he is with his career.


Hindi makapaniwala si Rafael Rosell sa mga kaganapan sacareer niya ngayon. Habang nakatatanggap siya ng congratulations left and rightpara sa nakapangingilabot na pagganapniya sa Maligno, bilang pagsasakatawang-tao ng demonyo, heto atsing-and-dance naman ang pinaggagagawa niya sa rehearsals para sa Cover Boys Uncovered concert na gaganapin sa May 9 and 10 saMusic Museum.

"At least, may excitement, at hindi nagigingmonotonous," sabi pa ni Raf. "Medyo in-extend pa nga nila yung Prinsesang Banyera kaya may extra income pa rin, kahit tapos na kami sa taping ngMaligno, at ipinapalabas na yung mismong finished product.

"Ngayon ko talaga nararamdaman yung worth ko bilangartista. I feel that all my efforts are paying off. Yung pag-aaral ko to befluent in speaking Tagalog, malaki ang naitulong sa akin.

"Nabibigyan ako ng meatier and serious roles, like in Maligno.Just imagine, kung may Norwegian accent pa ako, I don't think I will be able topull it off. It must be the improvement, I guess," nangingiting nasabi nalang ni Raf.

Dina-dub naman daw ang boses niya kapag nagiging demonyo nasiya sa Maligno. True?

"Boses ko pa rin yun, nilalagyan lang ng effects paramas nakakatakot. Pero, naririnig din naman yung normal voice ko when I'mplaying my character, at walang dahilan para magpa-dub ako sa iba," paliwanag ni Rafael.

NO REASON TO COMPLAIN. Marami ang nagsasabing dapatdaw ay bonggang-bongga na ang suportang ibinibigay ng ABS-CBN kay Raf dahil matagal na rin ito, at ito nayung right age for him to achieve full stardom.

"I have to be contented. Marami pa akong puwedengmagawa, pero sa ngayon, I consider these things as blessings already.Magpapasalamat na lang ako. I am not in the position to demand for more.

"Honestly, I feel, inaalagaan ako ng Star Magic at ngABS-CBN. With the assigments I'm getting, buhay na buhay ang career ko, at lagiakong busy. Tama na yun. I have no reason to complain pa, or ask formore," naipahayag ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO SUPPORT JAKE. Kung kay Jake Cuenca ngalang daw, sabi ng iba, mukhang mas may karapatan si Raf for bigger breaks. Raf refuses tocomment negatively on Jake.

"Kaibigan ko si Jake, and I know how he perseveres forwhat he's getting. Pinagtatrabahuan niya yun. Like he has to sacrifice someexposures for Cover Boys kung saan member din siya, just to be able toconcentrate on Palos.

"Kasi, mas malaking break yun. Kailangangmagpakitang-gilas siya sa action. Personally, kung kailangan ni Jake ng suportako, I will give in. I will never consider him a competitor.

"Kung nabibigyan siya ng breaks, ganoon din naman ako.In my own way, I'm being given the right push, at nagpapasalamat ako saKapamilya network," sabi pa ni Rafael.

CONTROVERSIAL BILLBOARDS. Tinalbugan na rawsiya ni Dingdong Dantes as the image endorser of Bench. Pero, marami angnagsasabing mas prominent pa rin daw ang bulge ni Raf compared to Dingdong sapictorial nito.

"Lagi namang may maidadagdag na endorser ang Bench.We're one big happy family there. Natutuwa lang ako dahil lagi pa rin akongkasali, at lagi pa rin akong may bagong billboards.

"That's good enough for me. Hindi ako nai-insecurekapag may bagong pumapasok. Showbiz is big enough for all of us. Plenty ofroom here, pero kailangan lang na mag-improve ka, dumiskarte ka, para kahitpaano, tumagal ka.

"I heard nga, tinatanggal din yung ibang billboards niDingdong. Ganoon din ang nangyari sa akin noon, 'cause they were causingtraffic jam daw. Nakakatawa, but still, every now and then, makikita mo pa rinyung billboards namin na naka-display sa EDSA.

"It's funny, and at the same time, creating controversyna rin," nangingiting nasabi na lang ni Rafael.

STRAIGHT GUY. Ang maganda kay Raf, hindi siya natsitsismiskung kani-kaninong female stars. Pero, hindi rin kinukuwestiyon ang sexualityniya, unlike other male stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami rin kasing nakakaalam na I have been in arelationship, na matagal na kami ng girlfriend ko. At ang feeling ko nga, siyana ang pakakasalan ko, if given the chance na maayos na namin lahat ng plans.

"Hindi nga lang napa-publicize yun, kasi, non-showbiznaman siya. I have no insecurities with my sexuality. I'm not bakla, and if Iam, I mean, what's wrong? Kaso lang, hindi talaga ako gay," tawa nang tawasi Raf sa sinabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN