Rhian Ramos on Alessandra de Rossi: "I can't understand why she can't forgive and forget."

IMAGE 0


"I thought tapos na yun. I was in Italy shootingI.T.A.L.Y. when she guested in Showbiz Central, and she talked about me. Walanamang maitutulong kung magsasalita pa ako tungkol sa bagay na 'yan. Sanamakalimutan na ni Alex 'yan, and let's move on," says Rhian Ramos about her feud with Alessandra de Rossi.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angshooting ng My Monster Mom sa Top of Gold bar sa Timog Avenue, Quezon City,kahapon, April 22. Naabutan namin ang young actress na si Rhian Ramos nanaka-'70s get-up. She has a cameo role as the young Annabelle Rama in the Jose Javier Reyes film.

"Lots of fun here," salubong ni Rhian tungkol sapagtatrabaho niya for GMA Films and Regal Entertainment. "Nae-experienceko tuloy magsuot ng mga damit na hindi kumportableng suotin, gaya nito. Butthat's part of the job. Hindi naman ako nagrereklamo.

"In fact, I'm very happy 'cause I am portraying a differentkind of role, and I look up to Tita Annabelle since the first time we've met.She has always been nice to me," nangingiting sabi ng young actress.

Kahit daw kasi may mataray na image ang ina ni RichardGutierrez, naniniwala si Rhian na Annabelle has a very good heart.

"May maling impression, kasi as a mom, she's verystrict," sabi ni Rhian. "Nakaka-intimidate ang personality niya,'cause it's very strong. As a manager, she really takes care of her alagas.Nakikipaglaban talaga siya. Totoong tao kasi siya. Mahirap makakita ng totoongtao sa showbiz."

FEUD WITH ALESSANDRA. Tinanong agad namin si Rhian sa pinakamainit na isyu tungkolsa away raw nila ni Alessandra de Rossi. Hanggang ngayon nga raw ay kumukulo parin ang dugo ni Alex sa kanya.

"I just hope you understand that I don't want to makeany comment about an issue, which for me, matagal nang tapos," pakiusap niRhian. "I can't understand why she can't forgive and forget. Kasi noongmalaman kong nagalit siya sa akin noon because of an incident, nanakapag-comment ako na wala namang masamang ibig sabihin talaga, when I learnedthat she was offended, nag-sorry na talaga ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I thought tapos na yun. I was in Italy shootingI.T.A.L.Y. when she guested in Showbiz Central, and she talked about me. Walanamang maitutulong kung magsasalita pa ako tungkol sa bagay na 'yan. Sanamakalimutan na ni Alex 'yan, and let's move on."

Sa madaling salita, ayaw nang patulan pa ni Rhian ang mganaging pahayag ni Alex dahil masaya naman siya sa buhay niya. At the same time,masyado kasing busy ang young actress with projects left and right.

RHIAN' S FANS. Nakatutuwa nga dahil ilan sa kanyang fans really took timeout na mag-drop by sa set ng My Monster Mom, kung saan katambal niya si Richard.

"Hindi lang sila dumalaw sa akin, they gave Richard agift. Richard told me it's a mug na may collage ng pictures naming dalawa. Naa-appreciatenaman ni Richard yun at talagang kahit tapos na yung shooting namin, hinintay paniya yung pagdating ng fans namin to personally receive the gift. Hindi ko panga nakikita yung gift. Wala na ako sa set when they gave it to Richard,"kuwento ng dalaga.

Kaya pala gustung-gusto ng fans ni Rhian na si Richard angkapareha niya kaysa kay Mark Herras, na nakapareha niya ulit sa I.T.A.L.Y. afterMy Only Love. Nagkasama rin sina Rhian at Mark sa cruise sa Italy, France, atSpain kaugnay ng shooting ng pelikula ng GMA Films.

"I don't know about the fans, kasi kanya-kanyangopinyon naman 'yan. Kami ni Mark, we never had a problem. Okey lang yun, perohindi siya nanliligaw sa akin. Tinatanong nga ako ni Richard kung pinopormahanako ni Mark. I don't know. I don't think so," natatawang sabi ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN