Melissa Ricks denies being third party in Matt Evans-Olyn Membian breakup

IMAGE 0


"Okey naman yung love team namin ni Matt, nagki-click namannoon kahit may girlfriend pa siya. Hindi naman yata tama yun na para lang safans namin ay maging kami ni Matt. Huwag naman," says Melissa Ricks when askedif Matt Evans could be her boyfriend if he courts her.



Sa isang panayam sa young actor na si Matt Evans ay inaminnito na hiwalay na sila ng kasintahang si Olyn Membian. Pero hindi na siyanagbigay ng anumang detalye tungkol sa breakup.

Pero may mga nagtuturong ang ka-love team daw ni Matt na siMelissa Ricks ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng Fil-Am na binata sa datingkasamahan din nito sa Pinoy Big Brother house. Na-develop daw kasi si Matt kayMelissa, niligawan niya ito, at sinagot naman daw ng dalagang produkto ng StarCircle Quest. "Love team" na nga rin daw sa totoong buhay ngayon sina Matt atMelissa.

Sa phone interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kay Melissa kahapon, April 23, ay itinanggi niya na siya ang dahilan ngbreakup nina Matt at Olyn.

Sabi ni Melissa sa kabilang linya, "Actually, nung unahindi ko alam na nag-break na pala sina Matt at Olyn. Wala naman kasingnababanggit sa akin si Matt. Ayoko namang pumasok sa personal life ni Matt, ‘diba? Kung anong nangyayari sa kanya, sa kanya na lang yun. Hindi ko boyfriend siMatt. Kung nag-break man sila ni Olyn, siguradong hindi ako ang dahilan.

"Kasi siyempre ako yung ka-love team ni Matt. Ako yungitinuturo nilang dahilan kasi lagi kaming magkasama. Pero wala talaga. Loveteam at magkaibigan lang talaga kami ni Matt, yun lang talaga ang meron kaming dalawa.

"Saka kung halimbawang niligawan niya ako noon, ‘tapossila pa ni Olyn, hindi ko siya sasagutin. Magkaibigan kami ni Olyn. Kaya hindiko magagawang agawin sa kanya si Matt," sambit pa ni Melissa.

Kung hindi siya ang dahilan ng breakup nina Matt at Olyn,may alam ba siyang ibang dahilan?

"Wala nga po. Clueless talaga ako kung bakit silanag-break. Wala nga kasing nababanggit sa akin si Matt, e."

Karaniwang gusto ng mga fans na magkakaroon ng tunay na unawaan o relasyon sa pagitan ng hinahanggaan nilang loveteam. Halimbawangligawan siya ni Matt, puwede ba niyang sagutin si Matt, kahit for the sake oftheir fans na nag-iilusyon na magkaroon sila ng relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero bakit? Okey naman yung love team namin ni Matt,nagki-click naman noon kahit may girlfriend pa siya. Hindi naman yata tama yunna para lang sa fans namin ay maging kami ni Matt. Huwag naman."

"Saka mas okey na yung maging friends na lang kami niMatt. Kasi kapag nagka-develop-an, mahirap kapag nag-away. Mahirap magtrabaho,‘di ba? Kailangan ano lang, yung close lang kami, okey na yun."

So ayaw niyang ma-develop kay Matt?

"Love team-love team muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN