Director Joyce Bernal says Star Cinema did not inform her she was replaced in the Erap-Ai-Ai project

by Nora Calderon
Apr 24, 2008
"Okey po naman sa akin kung si Wenn [Deramas] na ang napili nilang magdirek ng movie. Pero sana po ay sinabi naman nila [Star Cinema] sa akin na hindi na ako ang magdidirek," confides Director Joyce Bernal about Star Cinema's failure to inform her that she was already replaced in the Joseph Estrada-Ai-Ai delas Alas project she was supposed to direct.

Sa launch cum presscon ng Dyesebel na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza last Monday, April 21, kasamang dumating ng direktor ng latest telefantasya ng GMA-7 na si Joyce Bernal at ang anak na si Lian. Number one fan daw kasi ang anak niya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, simula pa noong Marimar.

Pinansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-tan ang skin ni Direk Joyce.

"Hindi maiiwasan. Kasi halos maghapon kaming nakababad sa taping sa Coron, Palawan," nakatawang sagot ni Direk Joyce. "Pero okey sa akin dahil kahit hindi ako nakapagbakasyon after ng Marimar, para na rin akong nagbakasyon kahit nagtatrabaho. Halos one week din kaming nag-taping doon."

Kinunan daw nila ang pilot week ng Dyesebel doon at soon, pupunta rin sila sa ibang beach na puwede nilang gamiting location.

"Sa ngayon, sa studio sa Marilao, Bulacan, muna kami nagti-taping. Yung kaharian sa ilalim ng dagat na doon itinayo na unang ginamit ng Zaido. Mondays, Tuesdays, Thursdays, and Saturdays ang taping namin, kasi magsisimula na kami sa April 28. Pero wala pa kaming nakapondong episodes."

Continue reading below ↓

HOW'S JUDAY? Tinanong namin si Direk Joyce kung totoo ang nabalitaan namin na ayos na sila ni Judy Ann Santos. Matatandaang nagkaroon ng alitan si Direk Joyce at si Juday kaugnay ng pelikula nilang Don't Give Up on Us.

Kinumpirma naman ito ng direktor pero hindi siya masyadong nag-elaborate. Basta ang mahalaga raw ay nagkausap na rin sila, nagsabihan ng "sorry," at paminsan-minsan kung hindi siya masyadong busy sa taping ay nakapagti-text na daw siya rito na sinasagot naman agad ni Juday.

"Happy na ako na kinuha nila akong consultant sa movie ni Juday na Ploning at alam kong hindi bibiguin ng fans niya si Juday dahil maganda ang pelikula. Isang dream project na tamang-tama sa kanyang birthday sa May 11."

PROBLEM WITH ABS-CBN. Tinanong ng PEP si Direk Joyce kung wala ba siyang problema sa ABS-CBN ngayong may kasunod agad ang Marimar niya sa GMA-7. Nagpaalam kasi siya noon sa ABS-CBN na one year muna siyang magtatrabaho sa GMA-7 at pinayagan naman siya.

Continue reading below ↓

"Wala po naman akong contract sa ABS-CBN, sa Star Cinema ako may contract. Sa ngayon naman, wala pa silang sinasabi sa akin na may gagawin akong movie sa kanila. After na hindi ako natuloy na magdirek ng movie na pagsasamahan for the first time nina former president Joseph Estrada at Ai-Ai delas Alas."

Naalaala ng PEP na marami nang paghahanda si Direk Joyce sa pagdidirek sana niya kay Erap. Madalas pa silang mag-usap ng senator-actor Jinggoy Estrada noon, dahil gusto muna niyang makilala nang husto ang dating presidente sa pamamagitan ng mga taong malalapit dito, bago niya ito kausapin nang personal.

"Okey po naman sa akin kung si Wenn [Deramas] na ang napili nilang magdirek ng movie. Pero sana po ay sinabi naman nila [Star Cinema] sa akin na hindi na ako ang magdidirek. Ang manager lang po na si Tita Ethel [Ramos] ang nagsabi sa akin na hindi na ako ang magdidirek ng movie at pinalitan na ako ni Wenn," tila naglalabas ng sama ng loob na pahayag ni Direk Joyce.

Continue reading below ↓

Napangiti na lamang ang batikang direktor nang sabihin sa kanya, na baka tama lang 'yon para hindi siya masyadong mangarag kung magkakasabay ang shooting niya ng movie (na sabi'y sisimulan na) at taping naman ng Dyesebel with Direk Don Michael Perez.

Samantala, sinubukang kunin ng PEP ang panig ng Star Cinema ngunit wala pa silang pahayag at press time.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey po naman sa akin kung si Wenn [Deramas] na ang napili nilang magdirek ng movie. Pero sana po ay sinabi naman nila [Star Cinema] sa akin na hindi na ako ang magdidirek," confides Director Joyce Bernal about Star Cinema's failure to inform her that she was already replaced in the Joseph Estrada-Ai-Ai delas Alas project she was supposed to direct.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results