Marian Rivera explains why she had to back out from Dolphy-Vic movie

IMAGE 0


"Gusto ko lang ikorek yungsinasabi na tinanggihan ko yung project dahil sa talent fee. Never. Kahit walaakong bayad, tatanggapin ko ‘yan dahil malaki ang utang na loob ko kay Mr.Tuviera, tatay ko ‘yan. Kay Tita Malou na sobrang nag-build up sa akin. Silayung unang-unang nagtiwala sa akin. Kaya kahit walang bayad tatanggapin ko‘yan," explains Marian Rivera about reports that she backed out from the Dolphy-Vic movie



Once and for all ay nagpaliwanag na ang young actress na siMarian Rivera tungkol sa hindi niya pagkakatuloy sa first movie together ngKing and Prince of Comedy na sina Dolphy at Vic Sotto, ang Dobol Trobol mula saAPT, M-Zet, at RVQ Productions.

Matatandaang si Marian sana ang original choice upang gumanap sarole na anak ni Dolphy, na magiging love interest ni Vic. Pero at the lastminute ay pinalitan siya ng beauty queen at Pinoy Big Brother Celebrity Edition ex-housemate na si Riza Santos.

Pagkatapos nito ay kung anu-anong nang espekulasyon anglumabas. Isa na rito ay ang usap-usapan na nag-back out diumano si Marian sa pelikula dahil satalent fee.

Pero nagpahayag na si Malou Choa-Fagar ng APT Entertainmentna ang totoong dahilan ng hindi pagkakatuloy ni Marian sa Dolphy-Vic movie aydahil sa conflict sa schedule ng taping ng young actress para sa sisimulan palang noon na Dyesebel. Dahil na-delay ang pagsisimula ng shooting ng DobolTrobol ay hindi na pumuwede si Marian dahil sisimulan na nga niya ang taping ngDyesebel.

Sa grand launch ng Dyesebel last April 21 ay nagsalita rinsi Marian tungkol sa issue.

"Actually, nakiusap na ako kay Tita Malou na magsalita nasiya," simula ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nagsalitanaman si Tita Malou, ipinagtanggol naman niya ako.

"Ang point ko lang naman kasi, gustung-gusto ko talaganggawin yung movie na ‘yon. Kahit sinong artista, talagang gugustuhing makasamasi Vic Sotto and Dolphy. My God, nung nalaman ko na hindi puwede yung scheduleko, kulang na lang mag-tumbling ako!"

Four times a week daw kasi ang taping nila para sa Dyesebel.

Patuloy ni Marian, "At saka gusto ko lang ikorek yungsinasabi na tinanggihan ko yung project dahil sa talent fee. Never. Kahit walaakong bayad, tatanggapin ko ‘yan dahil malaki ang utang na loob ko kay Mr.Tuviera, tatay ko ‘yan. Kay Tita Malou na sobrang nag-build up sa akin. Silayung unang-unang nagtiwala sa akin. Kaya kahit walang bayad tatanggapin ko‘yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagsimula si Marian sa paglabas sa mgaafternoon soap operas ng TAPE Inc., gaya ng Kung Mamahalin Mo Lang Ako, AgawinMo Man ang Lahat, at Pinakamamahal.

"Sayang na sayang talaga. Alam ni Tito Vic kung gaano kamika-okay, kung gaano kami close dahil nung nag-Enteng Kabisote kami, okay kami, e,"pahabol pa ng young actress.

Speaking of talent fee, dahil sa phenomenal success ngMarimar nila ni Dingong Dantes, hindi ba nagpataas ng talent fee si Marian parasa Dyesebel?

"Wala akong karapatang magsabi sa GMA na, ‘Gusto ko pamataas ang talent fee ko.' Kung alam nilang karapat-dapat akong taasan ng talentfee, tatanggapin ko ‘yon. Kung hindi, okay lang. Ang importante sa akin, maytrabaho ako," pahayag ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN