Gabby Concepcion's manager talks about brouhaha over the actor's product endorsement

IMAGE 0


"Sana maintindihan din niya na sa akin lang ay vestedinterest lang para kay Gabby. Kung hindi ko kukunin ang P5-million para kayGabby at yung P2.5-million niya ang kinuha ko, pababayaan ko yung five million,ano ang sasabihin sa akin ni Gabby?" says Mrs. Rose Flaminiano (inset) about the two whitening products that want to get Gabby Concepcion as an endorser.



Pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa alitan nina GabbyConcepcion at ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano laban saentertainment columnist-radio host na si Jobert Sucaldito. Ito ay kaugnay ngisang whitening product na dapat ay ie-endorse diumano ni Gabby na si Jobertang nakipag-deal sa halagang P2.5-million.

Pero nagulat na lang daw si Jobert dahil kahit "nag-commit"na sa kanya sina Gabby at Mommy Rose para maging endorser ng MET Tathione angnagbabalik na aktor, may kontrata na palang pinirmahan sina Gabby at Mommy Rosesa kalabang produkto na Lucida na nagkakahalaga ng P5-million.

MOMMY ROSE SPEAKS UP. Nakatanggap kami ng tawag sa telepono mula kay Mommy Rose atnagpaliwanag siya sa isyu ng pagkakaudlot na offer kay Gabby.

"Sa totoo lang, dalawa ang nakapag-alok sa akin," simula niMommy Rose sa kabilang linya. "As a business manager, ako yung titingin kungalin ba ang tama. Yung kay Jobert, P2.5-million at dalawang flat screen [TV] na56 inches na para sa akin at kay Gabby.

"Kung ako ang magsasalita, hindi naman siya [Jobert]dumadaan sa protocol. Laging si Gabby ang kinakausap niya, pamilya ni Gabby.Siyempre, narito ako, e, as business manager. Siyempre, yung business ni Gabby,pinapangalagaan ko bilang artista.

"Sabi ko nung mag-usap kami sa Rembrandt, 'Sige ipadala moyung contract. Tingnan natin kung alinang una.' Tumawag siya kinabukasan, ang sabi niya contract signing kami ng April24.

"All of a sudden, dumating yung isang kausap namin,dala-dala na niya pati owner at tseke, so pinirmahan ko. E, yung kay Jobert,nandoon na pala sa birthday party niya [may-ari ng MET], hindi man langipinakilala sa amin. Ano'ng ibig sabihin nun?

"Sana maintindihan din niya na sa akin lang ay vestedinterest lang para kay Gabby. Kung hindi ko kukunin ang P5-million para kayGabby at yung P2.5-million niya ang kinuha ko, pababayaan ko yung five million,ano ang sasabihin sa akin ni Gabby? E, kung nabalitaan niya na may alok na fivemillion, ‘tapos tinanggihan ko, baka isipin niya, nagsabwatan kami ni Jobert atbinigyan kami ng extra para sa amin. Ano ang malay mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit bigyan ka ng one million, maging 3.5 million na angcash component niya, e, di may P1.5-million na na-minus. Natural, may nag-offer na maganda atnakikita ko mismo ang adverstisers, ang produkto, at kung sino ang kausap,ipinakita lahat, e, di natapos ang usapan namin," mahabang paliwanag ng managerni Gabby.

Tinanong namin si Mommy Rose kung bakit hindi niya sinabihansi Jobert tungkol sa isa pang offer at kung kaya bang tapatan ang P5-millionoffer ng kabila.

"Alam ko may mali na hindi ko siya tinawagan. Pero siyempre,sa dami na transaksyon, nalimutan ko na yun. Nalimutan ko na ganun.

"Kasi sabi niya [Jobert], mahirap lang daw ito [owner ng MET]. Three million nga ang sinasabiko. E, yung three million na sinasabi ko, tinawaran na, yung five million pakaya? Dapat kasi pinapirma na niya agad ako. Pinapirma na niya ang dapatpumirma. Ang diperensiya, dinadaan niya sa pakikipagkaibigan ang business, e.Siyempre, iba yung business, iba yung friendship.

"Ang nangyari ay nanusok lang siya ng perdible, pero angginagawa niya ay nananaksak siya. Walang iniwan ‘yan sa isang transaksyon at sapangyayaring ikakasal ka na lang, ayaw mo pang magpakasal. Ganoon lang yun. Maynangyayari, hindi mo suwerte. Siguro this time, hindi namin suwerte namagkatuluyan. Eventually, ano'ng malay mo, may product na naman siyangio-offer, this time we will be morecautious at magiging careful na kami.

"Sana huwag nang idamay si Gabby dito," pakiusap ng FLTFilms producer. "Kung kaibigan niya ito, huwag niyang sinasalanta ng ganun.Maski papaano, pinaghirapan ko ‘yan na dalhin dito. Lahat ng karisma at dunongay ibinigay ko na sa kanya. Nakita mo na kung sinu-sino ang nagpabalik sa kanyadito sa Pilipinas, pero sa akin siya sumama.

"Hindi ba siya natutuwa na isang kaibigan niya ay dumatingdito at mahal pa rin siya ng kaibigan niya? ‘Mommy, ginawa mo man yun, wala naakong magawa. Nakapirma ka na, ikaw ang manager ko, sana nagpasensya na langsiya.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STOP IT, OR ELSE... Nakiusap si Mommy Rose na sana ay tigilan na ni Jobert angpaninira nito sa kanila, lalo na kay Gabby.

"Bakit naman niya kailangang sirain yung pagkakaibigannamin?" sabi ni Mommy Rose. "Kung napahiya siya, puwede naming pag-usapanlahat, pati na ang kanyang advertisers. Hindi naman natin puwedeng isara lahat,e. Pero siya isinasara niya. Tigasin siya. Ba't hindi niya ipunta sa husgadokung iniisip niya na may mali kaming ginawa at doon na lang sa husgadomag-usap?

"Basta sa akin, go! Bahala siya kung ano ang gusto niya. SiAtty. Eduardo Flaminiano [her husband] na ang bahala sa kanya. Siyempre, meron dinnaman akong abogado para diyan. Baka kasi meron na siyang nilalabag sa batas,di ba? Kung ako naman ang may nilalabag sa batas, sampahan niya ako.

"Yung sinasabi niya na hindi niya ako mapapatawad, hindibale. Hindi ako masyadong naniniwala sa hindi mapapatawad. Ganyan lang, mainitlang siguro ulo niya, pero eventually lalamig din ‘yan. Kung hindi niya akotalaga mapapatawad, okey lang sa akin. Tatanggapin ko lahat yun. Pero hindi rinnaman ako ordinaryong agent. Meron din naman akong negosyo, e, nasisira ako.Doon na lang kami mag-usap sa husgado," banta niya.

Ano naman ang masasabi ni Mommy Rose sa akusasyon ni Jobertna "pera-pera na lang ang labanan"?

"Yun nga ang masama doon," sabi ni Mommy Rose. "Tulad nungisang araw, meron akong nabasa sa isang cover daw ng glossy magazine,nanghihingi raw ako ng P45,000. Ewan ko kung sino ang nanghihingi ng P45,000.My God, kahit tanungin mo si Gabby! Imbestigahan nila kung may hiningi akongganyan tungkol sa cover-cover. Wala talaga, as in wala. Alam ko na walangnegosyo na cover, di ba? At alam ko naman ang negosyo ng mga diyaryo.

"Pakiramdam ko, ako pa nga ang dapat mag-blowout sa kaniladahil binigyan nila ng pagkakataon na ma-cover si Gabby. Lahat ng bagay nanakikita ko na para sa ikagaganda ng career ni Gabby, ako pa nga ang gustonggumastos para sa kanila. Pictorial nga ng isang magazine, ginawa sa bahay ko,nagpa-merienda pa ako. Paano mo sasabihin na pera-pera lang? Kung sino man yungnaniningil, sabihin nila sa akin. Lahat welcome sa akin," deklara ni Mommy Rose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"BINASTOS AKO." Sa radio program ni Ogie Diaz na Wow, Ang Showbiz! ayhumingi ng tawad si Mommy Rose kay Jobert, pero nananatiling matigas ang huli.

Ayon kay Jobert, naka-schedule na raw sila para sa contractat napagkasunduan na nila na magbibigay ng P1.5-million downpayment at sakaisusunod ang balanseng P1-million pagkatapos ng pictorial

"Kapamilya n'yo ako, pero binastos ako. Dapat pahalagahannila yun. Wala sa laki o liit ‘yan, wala sa halaga ‘yan. Pero wala tayongkalaban-laban sa ganito. Iba yung negotiation, sa nakapirma na pala.

"Napahiya ako pero puwedeng ilagay ito sa limot. Mahal ko si Gabby dahil minahalko ‘yan mula pa nung ‘80s. Sinasabiniya, walang iwanan. Pero he betrayed me as a friend. Nag-uusap kami ng umaga, perohindi niya sinabi na nakapirma na pala siya. Doon ako na-hurt. Alam na niyapala, dapat sinabi niyang 'nakapirma na ako'.

"Yung sinasabi niMommy Rose na huwag idamay si Gabby, siya ang dahilan nito. Dahil sa limangmilyon? Yun pala ang katapat ng ating friendship?" himutok ni Jobert.

Sagot naman ni Mommy Rose tungkol dito. "Hindi pa alam niGabby yun. Hindi nakapirma si Gabby ng umaga, hapon siya nakapirma. At saka akoang business manager ni Gabby, ako ang dapat magsabi kay Jobert. Hindi niya akopuwedeng pangunahan.

"Siyempre, iba yung pagkakaibigan nilang dalawa,hindi nga ako kumikibo na dumidirestosiya sa kanila dahil kaibigan daw siya. Okey lang sa akin," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN