FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez never considered leaving GMA-7

IMAGE 0


"Honestly, I can't see myself working with any other bossesthan my bosses here in GMA. I'm blessed, I have the best bosses here. I can'tsee myself working in any other camp," says Richard Gutierrez about reports that he considered transferring to ABS-CBN.



Nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Richard Gutierrezkaninang ala-una ng hapon, April 25. Present sa contract signing ang top GMAexecutives na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at Ms. Wilma Galvante.Kasama naman ni Richard ang kanyang ina na si Annabelle Rama, na siya ringtumatayong manager niya.

Two-year guaranteed contract ang pinirmahan ni Richard.Ang una niyang project sa bagong kontrata niya ay ang Asero na ang pilotweek ay kukunan sa sa Dubai, U.A.E. Sa first and second week ng May magsu-shoot si DirekMark Reyes para hindi nila maabutan ang sobrang init na klima ng U.A.E. nanangyayari sa third week ng May.

Bukod kay Heart Evangelista na isa sa leading ladies niRichard, kasama rin sa cast sina Richard Gomez, Janno Gibbs, Michael V., EhraMadrigal, Rhian Ramos, at Bubbles Paraiso. Siguradong marami pang papasok nacharacters habang tumatakbo ang istorya ng Asero.

STILL A KAPUSO. Four years nang Kapuso si Richard at maganda ang sagot nitosa tanong kung bakit mas pinili niyang manatili sa GMA-7.

"Para tayong nasa senado nito," natatawang panimula niRichard, na kahit puyat sa magdamagang taping ng finale ng Kamandag ayguwapo pa rin.

"Honestly, I can't see myself working with any other bossesthan my bosses here in GMA. I'm blessed, I have the best bosses here. I can'tsee myself working in any other camp. Hindi lang business dito, this is more ofa family. Matagal na ako rito, this is my family at napamahal na sila sa akin,from my bosses to the production staff."

Inisip ba niyang lumipat sa ABS-CBN? Inamin kasi ng ina ni Richard na si Annabelle Rama, na pinag-isipan niyang ilipat anak para makatambal nito si KC Concepcion na isang Kapamilya. Pero nang magbotohan daw silang buong pamilya, lahat sila ay tumutol na lisanin ni Richard ang GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagising na lang ako isang umaga na may isyu nang ganun. Iwas the last one to know. Honestly, hindi dumapo sa isip ko ‘yan. Tinawagan ngaako ni Raymond [Gutierrez, his twin brother] at nagtanong if I've read thenewspaper at sabi ko, hindi," kuwento ng young actor.

Agad tinapos ni Richard ang isyung paglipat niya sa ABS-CBNat excited na nagkuwento sa Asero.

"Action-packed ito and something fresh for me to be workingwith Heart [Evangelista]. Fresh sa audience ang tambalan namin and I'm lookingforward working with her. That's why I'm very excited," saad niya.


Si Richard na rin ang sumagot kung bakit sa Dubai nila piniling i-shoot angpilot week ng Asero.

"We wanted something visually stunning and different. WhyDubai? Because of the desert dunes and it is something to see it on screen,"paliwanag niya.

Bukod sa Asero, nabanggit ni Ms. Wilma ang CaptainBarbell Meets Darna at isang Koreanovela sa mga gagawin ni Richard. Up toyear 2010, planado na raw ang mga gagawin ng young actor.

Ibinalita rin ni Ms. Wilma na idinagdag sa naka-lineup na projects ni Richard ang paggawa ng documentaryfor GMA News & Public Affairs, gaya ng Signos.

"I'm so happy sa feedback ng Signos, it's a newventure for me at isa yun sa project na hindi ko makakalimutan," sabi niRichard. "Thankful ako sa GMA News & Public Affairs for the opportunity ofbeing part of the documentary. For the new contract, I'm doing an environmentaldocumentary at every year kong gagawin ito."

HEART EVANGELISTA. Nabanggit ni Richard sa PEP na hindi pa sila uli nagkikitani Heart. The last time they met was two years ago. Kaya excited ang young actor namakita ang bago niyang leading lady at mangyayari ito sa storycon ng Asero namalapit na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa billboards nila sa SM Megamall muna sila nagkikita, dahilkatabi ng Bench billboard ni Richard ang Sunsilk billboard ni Heart. Kapansin-pansin din angpagkakalagay na parang nakatingin ang young actor sa young actress.

Biniro ng PEP si Richard kung dapat bang ma-threaten sakanya ang boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales. Kahit nilinaw na ni Heartna sila pa rin ng actor, may mga tsismis pa rin kasing lumalabas na break nasilang dalawa.

"Sinasabi ko naman na ‘di ako nang-aagaw ng girlfriend,"sagot niya.

Paano kung ma-in love sa kanya si Heart?

"Wala tayong magagawa, basta hindi ako nang-aagaw," gantingbiro ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN