Annabelle Rama advises son Richard Gutierrez to always practice safe sex

by Nora Calderon
Apr 26, 2008
"Hindi ako nahihiyang sabihan silang gumamit ng condom at iyong babae, sabihan nilang mag-pills," relates Annabelle Rama on how she advises her children, especially son Richard Gutierrez, to be careful when it comes to relationships.

Tawa na lamang nang tawa si Richard Gutierrez nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang mag-sign ng two-year guaranteed contract sa GMA Network last Friday, April 25, sa Boardroom ng GMA Network Center. Ang mga tanong kasi sa kanya ay maagap na sinasagot ng ina at manager niyang si Annabelle Rama, tungkol man sa career o love life niya.

NON-STOP WORK. Sa May 1 ay paalis na si Richard at Direk Mark Reyes for Dubai, kaya may nagtanong kung hindi raw ba siya napapagod at hindi muna magpahinga dahil katatapos lamang niya ng taping ng telefantasiya niyang Kamandag nang umagang iyon.

"Hindi ko na iniisip ang magpahinga dahil napakaganda ng next project ko at hindi rin ako mapapahinga kung iyon lagi ang iisipin ko," nakangiting sagot ni Richard. "Kaya iyong trabaho ko na ang personal life ko ngayon. Kahit paano naman sa pagtatrabaho ko nakapagpapahinga na rin ako lalo na kung hindi naman ako ang nagti-tape [ng TV show].

Continue reading below ↓

"Wala talaga sa bokabularyo ni Richard ang napapagod," sagot naman ni Annabelle. "Kanyang concept ang bago niyang sisimulang project kaya walang problema kung hindi man siya makapagpahinga. Saka sinabi ko kay Richard at sa iba ko pang anak na it's payback time ngayon kaya dapat ay magtrabaho silang mabuti.

"Noong nasa States kami, ang nagdanas ng hirap ay sina Ruffa at Rocky, kaya nagsikap kaming mabuti ng daddy nila [Eddie Gutierrez] na magtinda ng mga kaldero [ang mamahaling Philcraft] doon, kaya nang dumating silang magkakapatid, maayos na ang buhay namin doon."

Biniro tuloy si Richard kung gift o commission ba ni Annabelle ang 2008 Mercedes Benz na ibinigay niya rito just recently?

"Gift ko iyon kay Mommy, sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin, saka for me kasi ang Mercedes Benz ang pinaka-luxurious car na puwede kong ibigay sa kanya."

MOM'S THREE DON'TS. Napakabait na anak ni Richard, ano ba ang puwedeng ikagalit ni Annabelle dito kung sakali?

Continue reading below ↓

"Tatlong bagay lamang iyon: Iyong mag-drugs, kahit sino sa mga anak ko, hindi ko matatanggap na mag-drugs sila, ikamamatay ko iyon. Ayaw ko rin na lagi siyang nagmu-motor, sabi ko sa kanya, kung gusto niyang mamatay ako agad, sige sumakay siya nang sumakay sa kanyang Ducati. Hindi talaga ako mapalagay kapag nalaman kong nag-motor siya. Kaya kapag alam kong magmu-motor siya, pinasasabayan ko siya sa sasakyan ko, para kung may mangyari sa kanya, masasaklolohan siya agad. Isa pa na hindi ko matatanggap, iyong mag-asawa siya nang maaga. Siguro, kapag 30 years old na siya, puwede na [Richard turned 24 last January 21].

"Lagi kong ipinaaalaala sa kanya at sa iba pa niyang kapatid na lalaki, na magsawa muna sila sa pagkabinata. Mahirap iyong mag-aasawa sila nang maaga ‘tapos ay maghihiwalay din. Kaya sabi ko sa kanila, i-enjoy lamang nila ang pagiging binata nila. Dapat pumili sila ng girlfriend na hindi palamunin, kaya dapat ang kukunin nila iyong nagtatrabaho rin para tulong sila sa buhay.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nahihiyang sabihan silang gumamit ng condom at iyong babae, sabihan nilang mag-pills. At hindi pa naman kami nag-away ni Richard tungkol sa babae. Hindi ko siya pinakikialaman pero kapag nalaman ko kung sino ang nililigawan niya, sinasabihan ko siya na huwag siyang magseryoso dahil wala siyang future sa girl.

"Kahit si Ruffa ngayon, sinasabihan ko siya na pumili siya ng tamang lalaki na magpapakain sa kanila ng mga anak niya. Ayaw kong pumili siya ng milyonaryo pero paiiyakin lamang pala siya."

GOOD FEEDBACK FOR SIGNOS. Binati ng PEP si Richard dahil sa magandang feedback nang mag-host niya ang documentary tungkol sa global warming, ang Signos ng GMA News & Public Affairs. Marami tuloy ang humihiling na i-replay ito sa mas maagang oras.

"Thankful din ako sa lahat ng sumuporta, hindi ko alam na magugustuhan nila ang first time kong pagsama sa GMA News & Public Affairs. Siguro dahil sa advocacy ko sa environmental project ng Green Peace. Kasama nga pala sa contract ko ngayon sa GMA Network, bukod sa teledrama at Koreanovela adaptation, na once a year gagawa ako ng isang environmental documentary na tulad ng Signos.

Continue reading below ↓

"Ang sarap makapagtrabaho sa ganito na makikita mo ang unity ng lahat, mula sa executives ng GMA News & Public Affairs at sa mga members ng Green Peace para makabuo ng isang makabuluhang project na maipakikita hindi lamang dito sa bansa natin kundi sa ibang bansa din."

Sa pagli-link sa kanya ngayon sa magiging bagong leading lady niya, si Heart Evangelista, hindi kaya magtampo sa kanya ang nililigawang si KC Concepcion?

Ngiti lamang ang sagot ng binata ni Annabelle Rama sa PEP.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ako nahihiyang sabihan silang gumamit ng condom at iyong babae, sabihan nilang mag-pills," relates Annabelle Rama on how she advises her children, especially son Richard Gutierrez, to be careful when it comes to relationships.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results