Anne Curtis and Marianna del Rio reportedly snubbed each other in "Entertainment Live!"

IMAGE 0


Brazilian model turned actress Marianna del Rio (left) and young actress Anne Curtis (right) both guested on Entertainment Live! yesterday, April 26. But according to a witness, the two ladies who are being linked to Sam Milby snubbed each other.



Nag-isnaban diumano kahapon, April 26, sa studio ng EntertainmentLive! sina Anne Curtis at Marianna del Rio.

Parehong guests sina Anne atMarianna sa naturang showbiz talk show ng ABS-CBN, na hinu-host nina ToniGonzaga, Luis Manzano, Biana Gonzales, at Mariel Rodriguez. Nandoon si Anne with Aga Muhlach para sa promo ng pelikula nilang When LoveBegins under Star Cinema na ipalalabas na sa April 30. Si Marianna naman aynag-promote ng TV series na Kapitan Boom, na pinagbibidahan nina Jon Avila atJay-R Siaboc at nag-pilot telecast kahapon sa ABS-CBN.

Ayon sa aming source na nakasaksi ng pangyayari, kitang-kitaniya kung paanong hindi nagpansinan sina Anne at Marianna sa studio ng Entertainment Live! gayonglimang hakbang lamang daw ang kanilang pagitan.

Si Anne ang nababalitang girlfriend ngayon ni Sam Milby,habang si Marianna naman ay nakilala ni Sam noong hindi pa pumapasok angBrazilian model sa showbiz.

Sa huling pakikipag-usap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kay Sam, itinanggi niya ang balita na nagkaroon sila ng relasyon niMarianna. Ikinuwento rin niya kung paano sila nagkakilala.

Model daw noon si Marianna sa fashion show ng Bench sa ASAPna ginanap sa Aliw Theater last year. Lumapit daw kay Sam ang Brazilian modelat nagpakilala sa kanya.

"Yeah, actually they were like few who want to take pictureswith me. ‘Tapos she keeps on talking to me. We never dated. Never close.Nothing ever, nothing...[it's] like simple flirting," tila nabiglang sabi noon niSam sa amin.

Sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Marianna sa isyu sakanila ni Sam, pero tumangging magsalita ang model na nadawit din sa isyu nghiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

"There's nothing that I like to say. We're working with thesame channel, we work with Star Magic, you know. Kapamilya tayo so we cannotfight," sabi ni Marianna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tinanong naman namin sa kanya si Anne, sinabi niya nalagi niyang pinapanood ang young actress sa huling teleserye nito na MagingSino Ka Man, kung saan kasama rin si Sam.

"I don't want to fight with her," sabi ni Marianna tungkolkay Anne.

Sa last presscon naman ng movie ni Anne with Aga na WhenLove Begins, itinanggi ni Anne na nagalit siya kay Marianna.

"I've never met her but, of course, I know her," sabi niAnne.

Ikinuwento raw sa kanya ni Sam kung paano sila nagkakilalani Marianna.

"Of course, alam ko naman yun. Pero syempre, that's Sam'sbusiness na. Ayokong makialam, di ba? Wala naman sa akin ‘yon. Sabi ko, ‘Okay.Thanks for telling me.' Hindi naman ako nasaktan kasi nung time namannangyari yun, wala pa ako. So, it's none of my business na," lahad pa ni Anne.

Pagkatapos ng insidente sa Entertainment Live! kahapon,tiyak na lalaki pa ang isyu kina Anne at Marianna dahil nakumpirma na maytension talaga na namamagitan sa dalawang dalaga na nauugnay kay Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN