Katrina Halili sees no rivalry with Heart Evangelista in GMA-7

by Nonie Nicasio
Apr 27, 2008
"Hindi kami puwedeng i-level. Yung nasa drama, pa-sweet. Pero ako, alangan namang sabihin ko na pa-sweet po ako? Wala namang tatanggap no'n, ha-ha-ha-ha!" jokes Katrina Halili when asked for her comments about talks saying new Kapuso Heart Evangelista is another GMA artist that might steal roles from her.

Hindi nag-aalala si Katrina Halili na maging kaagaw niya sa mga proyekto sa GMA-7 si Heart Evangelista ngayong bahagi na ng Kapuso Network ang huli.

Sa Playmate photo exhibit ni Katrina na ginanap sa Ten02 Bar sa Timog, Quezon City kagabi (April 26), sinabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na masaya siya para kay Heart na recently ay pumirma ng two-year contract sa GMA-7 at nakatakdang maging leading lady ni Richard Gutierrez sa Asero.

"Masaya po ako sa kanya, at least marami na kami. Totoo po iyan, kasi kahit naman kanino ay hindi naman ako nakikipag-compete," panimula ni Katrina.

NOT THE SAME LEVEL. Pero after ng Asero at Magdusa Ka, hindi kaya sila magkaagawan ng project ni Heart sa Siyete dahil pareho sila ng linya bilang young stars?

"Pareho man kaming young star gaya ng sabi ninyo, pero magkaiba pa rin kami kung tutuusin. Hindi kami puwedeng i-level. Iba ang level namin. I mean, hindi naman ako puwedeng i-level na sweet na sweet. Siyempre, nandoon yung may sexy pa rin, alam mo iyon? Kaya hindi ako puwedeng i-level sa kanila.

Continue reading below ↓

"Ibig kong sabihin, iba sila. Yung nasa drama, pa-sweet. Pero ako, alangan namang sabihin ko na pa-sweet po ako? Wala namang tatanggap no'n, ha-ha-ha-ha! Iyong parang, sila santa at ako yung santa-santita," esplika nito sabay banat ng malutong na tawa.

Hindi kaya pumasok sa isip niya na kung hindi umentra si Heart sa Siyete, siya na ang leading lady ni Richard sa Asero?

"Hindi naman. Okey lang iyon sa akin. Kasi ako naman, naniniwala na kung ano yung para sa iyo, ibibigay naman ‘yon. So, maghihintay na lang ako. Kaya nga ako gumagawa ng para sa akin eh," nakatawang saad pa ni Kat.

"Joke lang po," hirit pa niya. "Pero abangan nila itong Magdusa Ka na mag-i-start na sa May 12 with Iwa Moto, Dennis Trillo, Rita Avila, Emilio Garcia, Liza Lorena.

"Ako po si Kristine rito, sana po, huwag mag-react yung ibang tao dahil hindi ako api-apihan dito. Inaapi, pero strong pa rin. Ako yung palaban na tao. Aapihin ako rito, pero hindi ako yung hindi lumalaban, palaban din po. Like, kunwari, sabihan mo ako ng bastos, sasampalin kita. Ganoon siya, palaban din at very strong. Actually, napanood ko nga yung movie ni Ms. D [Dina Bonnevie].

Continue reading below ↓

"And itong exhibit, bale collection ito ng 15 photos ko wearing Playmates lingerie at swimsuits. Yung photos ay mabibili at P5000 each thru www.katrinahalili.com.ph, kuha ito nina Mark Nicdao at Nicollo Cosme," dagdag pa ng kalog na sexy young star.

LONG BEEN TOYING WITH THE IDEA. Bakit niya naisipang magkaroon ng ganitong photo exhibit, lingerie business, at coffee table book?

"Mga naglalaro po iyan sa utak ko na gusto kong gawin e. Ito namang si Kuya Omar [Sertejas, friend and consultant] sige, gawin natin iyan. Actually, like itong coffeetable book, matagal ko nang gustong gawin iyan, pero feeling ko ay ngayon na talaga yung time."

Mas daring ba ang makikita sa kanyang coffeetable book, kumpara sa lingerie photo exhibit na ito?

"Mas daring po yung coffeetable book at hindi lang basta sexy o daring ang makikita nila rito, pati yung beauty ng Pilipinas, para makatulong din kahit paano sa tourism natin. By the end of this year ang labas nito kaya sana ay abangan ninyo.

Continue reading below ↓

"Itong Playmates, lingerie lang talaga ito, para maipakita na rin yung mga line of lingerie ko. Actually, kasi kaya ko ito inilabas ngayon, noong March pa lang bale, okey na yung lingerie, pero hindi pa na-out dahil wala pang pictures. Ang balak namin ay kukuha na lang kami ng models na magsusuot ng lingerie ko. Pero parang sabi ko, baka naman walang tumingin ng line natin, kasi, kaya nga titingnan nila ay dahil ako. So, sabi ko, sige ako na lang nga ang magmo-model.

"E, this Holy Week lang po ako nagka-time, and naisip namin ni Nanay Omar kung paano namin maipakikita itong photo shoot, kaya nag-isip kami nitong photo exhibit.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi kami puwedeng i-level. Yung nasa drama, pa-sweet. Pero ako, alangan namang sabihin ko na pa-sweet po ako? Wala namang tatanggap no'n, ha-ha-ha-ha!" jokes Katrina Halili when asked for her comments about talks saying new Kapuso Heart Evangelista is another GMA artist that might steal roles from her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results