Judy Ann Santos and Claudine Barretto swear there's no problem between them

IMAGE 0


"Kahit naman nung bata pa kami Claudine,hindi naman talaga kami nagkaroon ng away. Yung mga tao lang sa paligid naminang nag-aaway lang siguro. Pero kami mismo, hindi man kami nagkaroon ng chance na maging close kasi hindi naman kaminagkatrabaho, wala talaga," says Judy Ann Santos (right) about screen rival Claudine Barretto (left).



Nagharap na sa unang pagkakataon ang dalawang reyna ngteleserye sa ABS-CBN na sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa The Buzzkahapon, April 27. Sabay na umupo sina Juday at Claudine, kasama sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez, para sa promotion ng Pantene na pare-pareho nilang ini-endorse.

Maaga pa lang ay parehong nasa magkatabing dressing room nasina Juday at Claudine. Katabi ng dressing room ni Claudine ang guest co-host ng TheBuzz at kaibigan niyang si Kris Aquino. Nasa kabilang side naman ng bihisan niClaudine ang dressing room ni Juday.

Kasama ni Claudine sa kanyang dressing room ang mister na siRaymart Santiago at ang dalawa nilang anak na sina Santino at Sabina.

Pagpasok pa lang ng studio ng The Buzz ay nakakabingingsigawan na ng mga fans nina Juday at Claudine ang nangibabaw. Pero wala namangnaganap na bastusan o tarayan ang dalawang kampo ng mga fans.

Kilala si Claudine na fighter sa showbiz. Kahit laban ngkapatid niya, hindi umuurong si Claudine. Wala raw laban na inatrasan siClaudine.

"We were raised that way na kailangan talaga kapag mahal mo ang isang tao poprotektahanmo at ibibigay mo lahat sa taong yun,"pahayag ni Claudine nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa pagiging palabanniya.

Kasunod nito ay si Judy Ann naman ang nagsalita kung paanosiya makipaglaban.

"Tahimik po," sambit niya. "Kasi ‘pag tahimik ako, masnakakapag-isip ako. Mas masasabi ko yung tamang salita na dapat kong sabihin.Nag-iisip muna ako dahil ayokong may pagsisihan ako bandang huli."

Tinanong ni Boy si Judy Ann kung ano ang naging epekto ngboyfriend niyang si Ryan Agoncillo pagdating sa laban niya sa buhay.

"Nagtatanong ako sa kanya kung tama pa ba ang posisyon ko.Tama pa ba yung pinaglalaban ko? Tama pa ba ang pinaninindigan ko? Nakikinignaman ako," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay diretsahan nang tinanong ni Boy sinaJuday at Claudine sa nababalitang isnaban nila sa shoot at pictorial ngkanilang Pantene commercial. Bukod dito ay sina Judy Ann at Claudine kasi ang palaging pinagtatapat ng kanilang mga tagahanga, kaya hindi maiwasan na maintriga sila.

Ayon kay Juday, "Kahit naman nung bata pa kami Claudine,hindi naman talaga kami nagkaroon ng away. Yung mga tao lang sa paligid naminang nag-aaway lang siguro. Pero kami mismo, hindi man kami nagkaroon ng chance na maging close kasi hindi naman kaminagkatrabaho, wala talaga.

"There was never a time na nag-away kami," patuloy niya. "Nagkikitakami sa mga parties, ganyan. Pero wala talaga. Kahit sa shoot namin, na-meetko si Sabina, na-meet ko si Santino... Masaya ako for Claudine kasi ang saya-sayang pamilya niya. Natutuwa ako para sa kanya."

Sabi naman ni Claudine, "Wala talaga. Wala kaming problemani Juday. Ako rin I'm very happy for her. I think siguro nandito na kami salevel ng buhay naming masaya na kami. Ako may pamilya na, siya malapit na.And may mga anak na ako, may anak na rin siya.

"And siguro, we're more mature now. Kung dati hindi naminpinatulan, I don't see any reason kung bakit kailangan na ngayon pa patulannamin. I'm really happy na nagkatrabaho kami dito [Pantene], kasi this is the firsttime talaga na magkasama kami. 'Eto na rin siguro ang pagkakataon na maslalo kaming magkakakilala pa para magkaroon kami ng mas malalim na friendshipna hindi nabuo noon dahil sa intriga," pahayag ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN