Bad boy Baron Geisler knows his boundaries

by Melba R. Llanera
Apr 27, 2008
"Gaya ng sinabi ko sa ibang interview ko, gago ako pero ‘di ako ganun kagago, ‘di rin ako ganun katapang para manira ng isang pamilya. Nandun din yung takot kasi yung side ng family niya, may mga anak sila saka Tito Boy ‘yan," says Baron Geisler regarding rumors that he has a child with Nadia Montenegro. He also says he has a lot of respect for Nadia's husband, former Caloocan City mayor Boy Asistio.

Sa pagsabog ng away sa pagitan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro, isang isyu na lumutang at naging usap-usapan ay kung sino raw ba ang tunay na ama ng isa sa mga anak ni Nadia. Lumabas ang pangalan ni Baron Geisler, kaibigan at madalas na kasama daw ng dating aktres sa mga gimikan at showbiz gatherings.

Ayon sa mga usap-usapan ay gray raw ang kulay ng mata ng nasabing bata, bukod sa malayo raw talaga ang physical features nito sa asawa ni Nadia na si former Caloocan mayor Boy Asistio.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Baron kamakailan sa bakuran ng ABS-CBN, agad na humingi ng tawad ang aktor kay Nadia at sa pamilya nito dahil sa pagkakaladlad sa isang napakanegatibong balita.

"For Nadia, Tito Boy, at sa family nila, I'm so sorry kung may mga issues na lumalabas na ganito. Kung nakakaapekto man, tawanan na lang natin kasi alam naman nating ‘di totoo. Kay Nadia, again sorry and enjoy your life. Don't worry so much."

Continue reading below ↓

BAD BOY KNOWS HIS BOUNDARIES. Aminado ang aktor na bad boy siya pero marunong naman daw siyang matakot at kumilala ng mga hindi katalo.

"Gaya ng sinabi ko sa ibang interview ko, gago ako pero ‘di ako ganun kagago, ‘di rin ako ganun katapang para manira ng isang pamilya. Nandun din yung takot kasi yung side ng family niya, may mga anak sila saka Tito Boy ‘yan.

"Ako, I won't mess anybody's relationship. ‘Di ako ganung klase ng tao kahit kanino pa man. Kahit ‘di pa si Nadia yun."

Hindi rin itinanggi ni Baron na pumupunta siya sa bahay ng mga Asistio at minsan ay lumalabas sila nina Nadia. Isang pagkakaibigan na ayon kay Baron ay nagsimula ilang taon nang nakalipas.

"Pumupunta ako sa kanila kasi kaibigan ko rin si Ate Tanya at Ate Katya. Kaibigan ko rin yung mga anak nila. Lumalabas din kami but we're always around friends, lagi kaming may kasamang kaibigan o pamilya. We don't go out na kami lang.

Continue reading below ↓

"We're friends, kasi nung nag-shoot kami for Recuerdo de Amor pa, bata pa ako nun. She's like a tita sa akin. Siguro na-misinterpret lang ng mga tao yung pagiging close namin. Hanggang sa namatay yung daddy ko, nandun siya and she was consoling me. Siguro na-misinterpret ng mga tao at inisip na baka may relasyon kami."

WHAT ABOUT THE KID? Hindi pa pala niya nakikita ang batang sinasabing anak niya raw dahil matagal-tagal na palang panahon na hindi nagkikita o nakakapag-usap man lang sina Baron at Nadia.

"'Di ko pa nakikita yung bata. I haven't seen Nadia for the longest time. Taon na siguro, siguro two years na kaming di nagkikita. I've been working lately. Matagal din ako sa PBB house."

Sa isyung gray at mukhang may lahi raw ang anak ni Nadia at malayo ang mukha sa ama at sa mga kapatid nito, simple lang ang paliwang dito ni Baron.

Continue reading below ↓

"Nadia's Spanish, ‘di ba? siguro sa side niya kumuha. Kami ng kuya ko, si Donnie, di rin kami magkamukha, things like that happened."

Baron even gave the assurance na hinding-hindi raw magagawa ni Nadia na lokohin ang asawang dating mayor ng Caloocan.

"Nadia won't do that to Tito Boy and she loves Tito Boy so much, I love Tito Boy also, so ‘di ko gagawin na sirain ang pamilya niya nor Nadia."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gaya ng sinabi ko sa ibang interview ko, gago ako pero ‘di ako ganun kagago, ‘di rin ako ganun katapang para manira ng isang pamilya. Nandun din yung takot kasi yung side ng family niya, may mga anak sila saka Tito Boy ‘yan," says Baron Geisler regarding rumors that he has a child with Nadia Montenegro. He also says he has a lot of respect for Nadia's husband, former Caloocan City mayor Boy Asistio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results