Angel Locsin says she is a fan of KC Concepcion

IMAGE 0


Angel Locsin talks about how she admires KC Concepcion (inset, top) and how things have changed between her and ex-boyfriend Oyo Sotto (inset, bottom).



Pagkatapos magmudmod ng pera through a raffle—all in all, P100,000—sa kanyangbirthday presscon si Angel Locsin noong Linggo, April 26, nagpaunlak ng interview ang young actress sa entertainment press at sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Angel, bukod kay Piolo Pascual na isa sa mgapangarap niya noon na makatrabaho, marami pa rin daw sa bakuran ng ABS-CBN angdream niyang makasama. Ilan sa mga ito ay sina Aga Muhlach at ang comebackingactor na si Gabby Concepcion.

Masaya rin si Angel nang malaman na isa ang pangalan niya sanabanggit ni Gabby na gusto nitong makatrabaho. Kung si Angel naman angtatanungin, isa rin daw sa gusto niyang makatrabaho in the future ay ang anak ninaGabby at Sharon Cuneta na si KC Concepcion.

"Fan po ako ni KC," sabi ni Angel. "Alam po niya ‘yun. Nangmagpunta po kami ng Cebu, sabay ho kaming nagpunta ng Cebu... Wala, starstrucktalaga ko sa kanya. Ang bait ni KC.Kung paano n'yo siya hangaan sa TV, kapag na-meet n'yo na siya in person,ganoon din ho ang magiging reaction n'yo. Sobrang mai-in-love po kayo sakanya."

Expected na raw ni Angel na may mga isyu talagang lalabas naposibleng mai-insecure siya sa pagpasok ni KC sa Kapamilya network. Pero, aniya,hindi totoo 'yon.

"Wala, wala akong masasabi," saad ni Angel. "Ganoon talagayun. Parang ine-expect namin na paglalaruan nga ho yung anggulong ‘yon. Perokami kasi, kapag kami ang nag-uusap, wala naman kaming ganoong napag-uusapan.Wala namang tension. Kasi, alam naman naming trabaho lahat.

"At saka, masaya kami dahil nadadagdagan pa angnakakatrabaho namin. At saka, fan ako. Fan ako ni KC. Fan nga ako ng nanayniya. So, malabo, malabong mag-react ako ng ganoon."

Mas ayaw naman nang mag-react ni Angel sa isyung pagkikita rawnina KC at ng kanyang rumored boyfriend Luis Manzano sa isang restaurantsa ABS-CBN. Ayon kay Angel, walangdahilan para maapektuhan siya ng pangyayaring ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit? Bakit, di ba? Wala akong nakikitang masama. Porke banagkita yung dalawa, may isyu na? Nakakahiya kay KC at nakakahiya rin naman kayLuis," sambit ng leading lady sa Lobo.

OYO'S TATTOO. Napag-usapan din at kinumusta kay Angel angdati niyang boyfriend na si Oyo Sotto.

Kahit pareho na silang Kapamilya ngayon ay never pa raw silang nagkikita sa bakuran ng ABS-CBN.Hindi rin itinanggi ng dalaga na, unlike before, may nabago na talaga sacloseness nila.

"Noong birthday ko, binati naman niya ako. Pero medyo maynagbago na rin. Siyempre, noong dati, bago naging kami, utol... Nang mag-breakkami, utol pa rin. Pero medyo may nabago na run ng konti. Hindi na kami ganoonka-close.

"I mean, ganoon pa rin yung respeto sa isa't isa. Yung care,nagki-care pa rin. Pero hindi na kami yung ganoong every day nag-uusap.

"Well, siguro ganoon na rin talaga yun. Hindi na ako magkukunwaripa...wala na, di ba? Parang imposible rin naman na ibalik pa yung dati. Peroganoon pa rin. Nagke-care pa rin naman ako sa kanya. Nirerespeto ko pa rinsiya," pahayag ni Angel.

Naitanong din kay Angel ang tattoo na ipinalagay ni Oyonoong sila pa. Nandoon pa rin daw kaya yung pangalan niya?

Natawa ito nang sabihing, "Hindi ko nga alam, e. Baka imbesna Angel, Angelo na! Hindi ko alam, e. Hindi ko alam. Sabi niya sa akin, hindiniya ipapatanggal. Pero katawan niya yun, e. Siya yun. Desisyon niya yun."

Kung maisipan man daw ni Oyo na ipatanggal ang tattoo na‘yon, hindi raw siya masasaktan.

"Hindi, kasi hindi naman ako ang nagpalagay ng tattoo na‘yon. At saka, importante naman siya sa akin. Wala naman yun sa tattoo-tattoo,"pagtatapos ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN