Lotlot de Leon and Ramon Christopher's marriage declared null and void

IMAGE 0


Although Lotlot de Leon thinks about her children's feelingsconcerning the decision, it is also good for both her and ex-husband RamonChristopher. "Makaka-move on na kami pareho," she says.


Nag-text sa PEP (Philippine Entertainment Portal) angDyesebel cast member na si Lotlot de Leon para ibalitang single na uli siya.

"I'm single!" text pa nito sa PEP.

Noong Huwebes, April 24, bumaba na angdesisyon sa petisyon ni Lotlot para ipawalang-bisa ang kasal nila ng asawang si Ramon Christopher.

Napatunayan ng Quezon City RTC na hindi valid ang kasal nilanoong March 27, 1989, na ginanap sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.Underage pareho sina Lotlot at Monching noon. Lotlot was only 16, at si Monching naman, 18. Kaya dineklara ng QC RTC na nulland void ang kasal ng dalawa.

March last year pa nagsumite si Lotlot ng petisyon fornullity of marriage. Ngayon after almost a year, pareho nang malaya legallysina Lotlot at Monching.

Itinext na tanong ng PEP kay Lotlot kung paano na angmagiging arrangement nila ni Monching pagdating sa kanilang mga anak na sinaJanine, Jessica, Diego, at Maxene.

"Ganun pa din. Kay Mon. Palipat-lipat sa amin. Sharedcustody," text back agad nito.

Sa pamamagitan pa rin ng text, sinabi ni Lotlot namagkahalong emosyon ang nararamdaman niya.

Nalulungkot siya dahil naiisip niya ang nararamdaman ng kanilangmga anak ngayong alam na nilang walang bisa ang kasal ng kanilang mgamagulang.

Pero sa kabilang banda, sinabi rin sa amin ni Lotlot nanakahinga rin siya nang maluwag dahil ngayon ay parehong wala nang kumplikasyonsa kanilang dalawa ni Monching.

"Makaka-move on na kaming pareho," ani Lotlot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN