Gabby Concepcion settles problem with GMA Films; will star in movie opposite Iza Calzado

by Nitz Miralles
Apr 29, 2008
Gabby Concepcion has settled his issue with GMA Films and is slated to do a movie that will star him opposite Iza Calzado.

Isang masayang balita ang itinawag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng Officer-In-Charge ng GMA Films na si Noel Ferrer. Ito ay ang pagkakaayos nina Gabby Concepcion at ng GMA Films bosses.

Matutuloy na ang paggawa ng aktor ng pelikula sa film company ng GMA-7. Si Iza Calzado ang makakapareha ni Gabby at si Joey Reyes ang nakatakdang magdirek ng still-untitled film.

Kahit noong nasa Amerika pa si Gabby ay nabanggit na niya si Iza sa mga GMA-7 talents na gusto niyang makasama sa pelikula.

Matatandaang nagkaroon ng isyu tungkol sa paggawa ng pelikula ni Gabby sa GMA Films. Ilang linggo kasi bago magsimula ang shooting ng I.T.A.L.Y. ay nag-back out ang comebacking actor dahil hindi niya nagustuhan ang script ng pelikula na pagbibidahan sana nila ni Jolina Magdangal. Ito ay sa kabila ng naibigay na kay Gabby ang downpayment sa magiging partisipasyon niya sana sa pelikula.

Nagulat ang lahat nang biglang umuwi si Gabby sa Pilipinas noong March 30 pagkatapos ng 13 years na paninirahan sa Amerika. Ang lalo pang nakakagulat ay nang pumirma siya at ang kanyang bagong manager na si Mrs. Rose Flaminiano ng kontrata sa ABS-CBN at sa film arm nitong Star Cinema, kahit na may kontrata pa siya sa GMA Films.

Continue reading below ↓

Pero pagkatapos ng sigalot tungkol dito ay naging maayos naman ang pakikipag-usap ng GMA Films at ni Gabby kaya tuloy na ang paggawa ng aktor ng pelikula sa kanila.

Inaayos na lang ang schedule ng mga artista at pati ni Direk Joey, na mas busy pa sa mga artista sa dami ng ginagawa. Uunahin lang ng direktor ang Civil Status: Single ng Viva Films na pagbibidahan ni Rufa Mae Quinto. Si Direk Joey rin ang magiging in-charge sa production at line producer ng Gabby-Iza movie.

Hindi lang namin alam kung involved pa rin si Mr. Jun Magdangal sa movie ni Gabby, dahil ang original na pinirmahang kontrata ng aktor ay kasama ang ama ni Jolina bilang isa sa producers.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion has settled his issue with GMA Films and is slated to do a movie that will star him opposite Iza Calzado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results