Gabby Concepcion dismisses talks his comeback was prompted by real-estate slump in U.S.

IMAGE 0


"In general, angreal estate, bagsak. Pero hindi naman lahat ng agent ay naghihirap. Kasi ako, marami rin akong nabebenta. Ang mga hawak ko ay yungforeclosure. Yun ang binibili ng investors," explains Gabby Concepcion about the status of real estate in the U.S.



Despite just a fewhours of sleep, mukhang fresh pa rin at hindi haggard ang hitsura ni GabbyConcepcion nang datnan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa tapingng Maalaala Mo Kaya (MMK) last Monday, April 28, sa isang bahay sa Antipolo City.

Ito ang unang actingappearance ni Gabby sa telebisyon after 13 years na pamamalagi sa Amerika atpangalawang beses na paglabas sa MMK. Ang unang paglabas ni Gabby ay para saepisode na pinamagatang "Sinturon" with Fanny Serrano noong early ‘90s.

Nanibago raw siGabby sa schedule niya pagdating sa trabaho.

"E, siyempre,nakakatulog din ako sa kotse. Panakaw-nakaw kaya sumakit yung likod ko kasingayon lang ako nabugbog nang husto, e. Dahil sa trabaho ko dati, paggising kong alas-nuwebe at pagdating ng alas-singko, uwi ka na. Or sarili mo ang orasmo. Kung ayaw mong pumasok,huwag kang pumasok," lahad ni Gabby, na nagtrabho bilang real-estate agent saSan Francisco bago siya bumalik ng Pilipinas.

U.S. REAL ESTATE. Totoo ba na kumikitasiya ng komisyon sa real estate ng P500,000 per deal?

"Mahigit," paglilinaw ni Gabby. "Kasi kikita ka ng ano, 60 to 70 thousand dollars, ganun. So depende, e. Tapos ang pasok niyan, parangmeron kang pipeline, e. Halimbawa, meron kang na-close in two days, hindi mo pa makukukuha yun until 30 days fromnow."

Kaya hindi rawbumalik ng Pilipinas si Gabby nang mahirap. In fact, dalawa ang mamahalingkotse ngayon ng aktor—isang Porsche Cayman at isang Mercedes Benz.

"Ang mahirap langbumalik dito yung emosyon. Yun lang ang mahirap sa akin. Pero mayaman ako sa kaibigan," ngiti ni Gabby.

May intriga rin nakaya siya bumalik ng Pilipinas ay dahil bagsak ang real-estate business sa U.S.Ano ang masasabi niya rito?

"In general, angreal estate, bagsak. Pero hindi naman lahat ng agent ay naghihirap," paglilinawniya. "Kasi ako, marami rin akong nabebenta. Ang mga hawak ko ay yungforeclosure. Yun ang binibili ng investors. Kasi maraming klase ang realestate. May commercial, may residential...iba-ibang specialty. Depende kung saanka nag-i-specializ. Meron area-area, merong mga region, merong mga cities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, wala akongproblema. In fact, pag-alis ko, meron akong na-close na hindi ko pa nakukuhaang mga tseke ko kasi may pipeline. So meron akong tsekeng papasok kaya walaakong problema," lahad ni Gabby.

MOVIE WITH GMA FILMS. Lumabas din angbalita na nakipag-usap na si Gabby sa GMA Films kaugnay ng pelikulang natanguanniyang gawin bago pa man siya bumalik ng Pilipinas.

"Yeah, okey na yun,"pagkumpirma niya. "Nag-uusap-usap na. I hope magkaroon na ng desisyon. Wala pang desisyon kung kailan magsu-shooting."

Ano ang nangyari sameeting?

"Okey, okey yungmeeting," sambit niya. "Hihintayin na lang natin ang desisyon. Ako lang ang nakipag-usap sakanila kasi ako naman ang kausap nila, e. Wala si Mommy Rose [Flaminiano, hismanager] doon.

"Hinihintay ko langang desisyon. Kasi, ewan ko nga kung kailangan nating pag-usapan dahil bakahindi pa panahon, e. Sabihin ko sa inyo ‘pag okey na para tuluy-tuloy na."

Sa ngayon ay gumagawapa rin daw ng script ang creative team ng GMA Films na aangkop ang role kayGabby.

"Kasi nga sascript kami nagka-diperensiya,"pag-amin ni Gabby. "Siyempre, what makes a good movie is the script. Kasi kung minsanang artista, hindi naman kailangan ng big caliber pero hit din. On the otherhand, maski malaki yung kalibre nung artista pero hindi maganda yung script,wala rin. Nagsa-suffer din. Kaya kailangan balanse lahat.

"Tsaka timing din‘yan, e, hindi mo masasabi. Like, yung elements of nature. Baka umulan, baka magkabagyo,hindi natin alam lahat yan, e," sabi ni Gabby.

Ibinalita ng PEPkahapon na si Iza Calzado na ang makakapareha ni Gabby sa pelikulang gagawinniya sa GMA Films na ididirek ni Jose Javier Reyes


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN