Dennis Trillo would rather focus on his showbiz career than his love life

IMAGE 0


"Kung magkakaproblema uli ako dahil sa love life, Ican't afford that at this time. Kaya sa maniwala kayo't hindi, hindi kopinagbubuhusan ng atensiyon ang love sa ngayon," says Dennis Trillo.



Nanibago kami sa porma ni Dennis Trillo nang dalawin ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang set ng Magdusa Ka sa Marinara, isanggirlie bar sa Quezon Avenue. Very rugged at medyo marumi kasi ang hitsura niya,pero ganito kasi ang hinihingi ng character na ginagampanan niya sa bagong SineSerye ng GMA-7 na magiging bahagi ng Dramarama sa Hapon.

Gagampanan ni Dennis sa Magdusa Ka ang role na unang ginampananni Christopher de Leon sa pelikula. Pagbibidahan ito ni Katrina Halili na siyanamang gaganap sa role dati ni Dina Bonnevie.

"Gusto kong suportahan si Katrina sa pagbibida niya,"sabi ni Dennis. "Nandodoon kasi ang challenge. Nakilala sa pagiging kontrabidasi Katrina, at kailangan ng matinding suporta ngayong siya naman angpagkakatiwalaang maging heroine sa istorya."

CRISTINE REYES. Hiningan rin namin ang reaction si Dennis sa posibilidad naang nilulutong teleseryeng tatampukan ng rumored girlfriend niyang si CristineReyes sa ABS-CBN—ang Eva Fonda, 16—ay baka makatapat ng kanilang Magdusa Ka.

"E, di maganda!" bulalas ng young actor."Labanan ito ng naggagandahan at nagseseksihang FHM cover girls, di ba? SaMagdusa Ka, kasama rin namin ni Katrina si Iwa Moto, at talagang paseksihanang labanan."

Si Iwa ang pumalit kay Cristine na first choice sana sa rolena unang ginampanan ni Pinky Amador sa pelikula. Ngayon ay nasa bakuran na ngKapamilya network si Cristine.

"Sa amin ni Cristine, wala kaming nakikitang conflictsa ganyan," ani Dennis. "Trabaho lang kasi 'yan, e. Nagkataon lang na nasamagkalabang networks na kami. At saka walang epekto sa pagiging magkaibigannamin 'yon.

"Yeah, we go out," pag-amin ng matinee idol. "Nakikita naman ng mga tao yun, pero hindi namanpalagi, 'cause we are both busy. This time, magkahiwalay na nga kami ng networkkaya mas mahirap."

Sa kabila ng madalas na paglabas nila ni Cristine ay bakittila patuloy pa rin si Dennis sa pagde-deny ng totoong relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa ganoon," depensa ni Dennis."Kailangan ko lang talagang sabihin ang totoo, na lumalabas kami, kasifriends kami. Wala akong nakikitang masama doon. I always believe na single parin naman siya. At saka magkaibigan lang kami ni Cristine. Gaya sapakikipag-close niya sa ibang guys, wala akong nakikitang masama doon.

"At saka alam ni Cristine na nakatutok ako sa careerko. Yung controversies before, kahit paano, let's face it, nakaapekto sa akin.Kaya this time, yaman din lang na natanggap ng public 'yan, mas mabuting angpagtuunan ko ng pansin ay ang career ko.

"Kung magkakaproblema uli ako dahil sa love life, Ican't afford that at this time. Kaya sa maniwala kayo't hindi, hindi kopinagbubuhusan ng atensiyon ang love sa ngayon," pagtatapat ni Dennis.

CARLENE & CALIX. Ano naman ang masasabi ni Dennis sa madalas napagpapa-interview ng kanyang dating girlfriend na si Carlene Aguilar atisinasama pa ang anak nila na si Calix Andreas?

"That's just okay, lalo na kung ang topic naman aymotherhood at hindi yung mga tsismis lang," saad ni Dennis. "Carleneand I are okay. Nakakadalaw ako regularly sa bata. Kung anuman talaga yung saamin, tungkol na lang sa baby.

"Alam naman ni Carlene na wala ring kapupuntahan kunginiintriga kami ng ganoon. Mas mabuti talagang kami na lang ang nag-uusap atmay nasu-solve pa kami kung anuman ang problema.

"I don't think na magkakaroon pa ng gusot sa amin niCarlene. Basta alam naman niyang kung makakaya ko, susuportahan ko yung babynamin. Nagkausap na kaming mabuti diyan at alam na niya ang stand ko,"paliwanag ng binatang ama.

RUFA MAE QUINTO. Tungkol naman sa shooting nila ng dati rin niyangnakarelasyon na si Rufa Mae Quinto for GMA Films' I.T.A.L.Y. (I Trust and LoveYou), totoo bang sabay silang nag-shopping nang magkaroon sila ng pagkakataongmakapamasyal sa Africa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan kasi naming bumaba sa Tunisia for theoutdoor shoot," paliwanag ni Dennis. "It's not true na talagangnagsabay pa kami para lang mag-shopping, and to have time together. Nagkataonlang na nakalapag kami, at nang bumili lang ako ng some stuffs, nakita ko rinsiya. Ganoon lang yun, wala yun."

Hindi kaya ikagalit ni Cristine ang kuwentong nagkasarilinansina Dennis at Rufa Mae sa shooting ng I.T.A.L.Y.?

"Wala naman siyang dapat ikagalit. Ang sa akinlang, huwag nang lagyan ng malice yung sa amin ni P-chi [palayaw ni Rufa Mae].Nagkatrabaho lang kami, nagkasama ng ilang araw sa cruise, pero part langtalaga ng trabaho," pagwawakas ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN