Judy Ann Santos apologizes and explains situation that led to media walkout

IMAGE 0


"Initial reaction, I felt bad. Natakot ako baka kasi sabihinna kami ang nagmamaldita. Nahiya ako, natakot ako, nalungkot ako na umalis yungpress na kaibigan ko na hindi ko man lang sila nakita," says Judy Ann Santos.



Very apologetic si Judy Ann Santos nang esklusibo siyangnakausap ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April29.

Bukod sa nais niyang ibalita na nakakuha ng rating "A" angkanyang pelikulang Ploning, gusto rin niyang magpaliwanag tungkol sa nangyarinoong Lunes ng gabi, April 28, sa "Most Beautiful" press conference ng Pantenena ginanap sa Hotel Intercon sa Makati City.

Nag-walk out kasi ang karamihan ngentertainment press dahil sa matagal silang pinaghintay para ma-interview angPantene endorsers na sina Judy Ann, Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, atClaudine Barretto. Sobrang higpit din daw ng security at halos hindi malapitanang apat na endorsers.

Sa kuwento ni Juday, tila nagkaroon daw ng misunderstandingnang hindi na-inform ang media tungkol sa kanilang pansamantalang pag-alis savenue. Sa dami raw kasi ng tao sa press conference, naging mainit at pinawisandaw sila kaya sila pumasok sa restroom matapos ma-interview ni Ricky Lo para saThe Ricky Lo Exclusives ng QTV-11.

Wala rin daw control sina Judy Ann at ang kanyang mga kasamanoon kung saan sila dadalhin ng mga staff for an interview. Ang alam lang dawniya ay papanhik sila sa entablado at pupunta ng photo wall for an interview.

"Just so maklaro lang, we just went to the washroom just tochange, retouch, and freshen up. Para paglabas namin, maayos pa rin since ‘mostbeautiful' nga ang nire-represent namin. Ayaw naman naming lalampot-lampot pakami 'pag lumabas kami. Gusto naming iklaro na hindi kami ikinulong sa kuwartoat hindi rin kami pinigilang magpa-interview sa media," paliwanag ni Juday.

Laking lungkot ni Judy Ann nang sa paglabas daw nila ngrestroom ay hindi na niya nakita ang mga taga-media, na karamihan sa mga ito aypersonal niyang kaibigan. Dagdag pa ngaktres-endorser, gustung-gusto raw niyang makausap ang mga ito dahil kabado na siya saumpisa pa lang ng launching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Initial reaction, I felt bad. Natakot ako baka kasi sabihinna kami ang nagmamaldita. Nahiya ako, natakot ako, nalungkot ako na umalis yungpress na kaibigan ko na hindi ko man lang sila nakita," malungkot na pahayag niJudy Ann.

Pero ang gusto na lang daw niya ngayon ay mag-sorry sa mgataong maaaring sumama ang loob dahil sa mga nangyari. Ni sa hinagap daw ayhindi niya gugustuhing makapambastos ng isang kaibigan.

"Gusto ko lang mag-apologize in behalf of Gretchen, Ruffa, andClaudine, and of course, the Pantene executives, sa mga taong nainis, sa mganakaramdam na hindi sila naalagaan.First time na may nangyaring ganito sa amin na may nag-walk out na presssa amin and we really felt bad.

"We're really sorry kung may pagkukulang kami na nagawa.Sorry po talaga, hindi man lahat ng tao mapag-explain-nan namin tungkol sanangyari, I hope through this interview mapaabot namin sa kanila na nagso-sorrykami sa nangyari," pahayag ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN